RUFFA: ILANG minuto akong umiyak sa balikat ni Daven habang mahigpit niya akong yakap-yakap. Nang makalma ko na ang sarili ay bumaba na kami ng kotse nito na magkahawak kamay. “Fvck!” napamura ito na biglaang sumulpot ang media dito sa parking na hinaharangan ng mga bodyguard nito. “Mr Smith, is it true that you are secretly married?” “Sir, can we interview you?” “Is she your wife, mr Smith?” Napahigpit ang hawak ni Daven sa kamay ko na hindi nito pinapansin ang mga reporter. “Sir, is it true that your wife is a maid?” Natigilan ito na mas humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko sa itinanong ng isa pang reporter! Maging ako ay nanigas na napalunok sa narinig. Nag-igting ang panga nito na dumilim ang anyo na bumaling sa mga reporter. Isa-isa nitong tinignan ang mga reporter na ka

