RUFFA: NAPALAPAT ako ng labi na isinaulo kung saang drawer itinabi ni Daven ang files na kailangan ni Kuya. Mabuti na lang at abala ito sa trabaho kaya hindi niya ako napapansin. Umakto akong normal sa harapan nito. Kahit na sa loob-loob ko ay hindi ako mapakali. Nagtatalo pa rin kasi ang isip at puso ko sa kung anong gagawin ko. Kanina ay buo na ang pasya kong sundin ang puso ko at kausapin na lang si Kuya Mario na hwag ng ituloy ang plano. Pero parang sinusubukan naman ako ng tadhana at nalaman ko kung nasaan ang files na kailangan ni Kuya para mapabagsak si Daven. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang mga magulang namin. Pero paano ko ba sisingilin ang taong iyon kung asawa ko na siya. . . at natutunang mahalin. Iisipin ko pa lang na masusuklam si Daven sa akin ay hindi ko na kaya. N

