RUFFA: PAYAPA ang isip at puso ko habang nakakulong sa yakap ng mga totoong magulang ko. Nagrereklamo pa si Daven dahil wala siyang katabi sa guestroom na kinakantyawan ni Kuya Luke. Unang gabi ko dito sa mansion na makakasama sa pagtulog sina Mommy, Daddy at Kuya. Kahit nagsisiksikan kami sa kama nila Mommy ay walang kapantay na saya ang nadarama naming pamilya. Na ito ang unang beses na magkakasama kami sa pagtulog. Mabuti nga at napilit ko pa sina Mommy at Daddy na matulog na. Mag-uumaga na rin kasi pero hindi sila nauubusan ng kwento. Katulad namin ni Kuya Luke ay sobrang saya ng mga ito na nakauwi na ako dito sa tahanan naming pamilya. Napag-usapan din namin na magkakaroon ng party dito sa weekend. Para pormal akong ipakilala nila Mommy sa publiko, na ako ang nawawala nilang an

