RUFFA: NALUHA ako habang mahigpit kaming magkayakap ni Kuya Luke. Luha na dala ng labis-labis na tuwa na maayos na kami nito. Kaya naman pala para akong pinipiga sa puso ko noong nakaraan na nagkalamigan kami. Tumatagos sa puso ko ang lungkot at takot na nababasa ko sa kanyang mga matang nangungusap. ‘Yon pala ay dahil konektado ako dito. Dahil siya pala talaga ang kapatid ko. “I miss you, sweetheart. We miss you,” bulong nito. Napalabi ako na kumalas dito. Sumapo ito sa magkabilaang pisngi ko at marahang pinahid ang luha ko. Kita kong maging ito ay luhaan din habang yakap-yakap ako kanina. Napangiti ito na mariin akong hinagkan sa noo. Napapikit ako na napangiting parang hinahaplos sa puso. “I thought we're going to lose you again, sweetheart. We're so sorry, hindi ka namin naprotek

