THIRD PERSON POV NAPANGISI ang binata na bakas ang kabiglaan sa mga mata ng kaharap nito. “K-kuya, ano bang pinagsasasabi mo?” utal nitong tanong. “Hindi mo ako Kuya, Ruffa. Hindi kita kapatid.” Sagot nito na may ngisi sa mga labi. “Alam mo ba kung sino ang totoong Kuya mo?” Hindi nakaimik ang dalaga na nakamata ditong napasuri pa sa kabuoan ng kaharap. “Not bad. You know what, Ruffa. The first time I saw you, you're always on my mind. Hindi ka maalis-alis sa isipan ko. Hanggang pagtulog ay laman ka ng panaginip ko. Pwede ko pa namang baguhin ang plano ko. Tangayin ang pera, lumayo kasama ka. . . para maging asawa ko. Hindi na baleng may nauna ng lalake sa'yo. I don't care. ‘Yon ay kung. . .papayag kang maging asawa ko at iwan ang lahat.” Paanas nito na napadila ng labi. Nangila

