RUFFA:
PARA akong hindi makahinga sa pangalang binanggit nito. Kakaiba ang dating sa puso ko na parang tinatambol ito.
"Hey, are you okay?" untag nito na mapansing namumutla ako.
Maging si Lola ay napalingon na rin sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"Uhm, okay lang po, Ma'am. Medyo nahihilo lang po sa haba ng byahe. Buong araw na po kasi akong nasa byahe," pagkakaila ko na ikinatango nitong tila naniwala naman sa akin.
"Hwag kang mag-alala, apo. Sa susunod na araw pa naman ang simula ng trabaho mo. Para makapag pahinga ka muna. Tiyak na nabigla ang katawan mo at ngayon ka lang bumyahe ng malayo," ani Lola na ikinatango ko.
"Siguro nga po, La."
Pagpasok namin sa isang subdivision, hindi ko mapigilang mamangha sa mga naglalakihang bahay na nadaraanan namin. Nagsusumigaw sa karangyaan ang mga ito na katulad sa mga bahay ng mga mayayamang nasa palabas sa TV.
Hanggang sa makarating kami sa isang white mansion na puro salamin ang dingding ng unang palapag. Nasa limang palapag ang mansion. Nagkalat din ang mga kalalakihan dito na may mga nakasukbit pang mahahabang baril sa balikat. Iisa ang uniform na all black at may mga suot ding earpiece. Pawang matatangkad ang mga ito at kay lalaki ng pangangatawan.
"We're here." Ani ma'am Jen na ngumiti sa akin. "Welcome to Smith's mansion, Ruffa. Feel at home ha?" aniya.
Inalalayan pa itong makababa ng driver namin. Kasunod si Lola na inalalayan din nito. Dinampot ko naman ang malaking bag ko na inabot nito at inalalayan din akong makababa.
"Salamat, Kuya." Aniko na ikinangiti at tango nito.
"Tara na, Ruffa." Ani Lola. "Brando anak, pakipasok naman ang bag ni Ruffa sa silid ko, hmm?" baling ni Lola dito.
"Sige po, Nay."
"Salamat."
Napayakap ako sa braso ni Lola habang iginagala ang paningin dito sa labas ng mansion.
"Apo, hwag kang mag-alala. Mababait naman ang mga kasama natin dito. Lalo na ang mga amo natin.
"Lola," pagkalabit ko dito na akmang papasok na kami.
"Bakit, apo?" tanong nito na nilingon ako.
"May kapatid si Ma'am Jenelyn na Devon ang pangalan, tama?" pabulong kong tanong na ikinatango nito.
"Ah, oo, apo. Si Sir Devon, panganay 'yon. Hwag na hwag kang lalapit doon ha? Minsanan lang naman magawi iyon dito pero natatakot ang lahat kapag nandito siya," pabulong sagot nito na ikinabundol ng kaba at takot sa puso ko.
"Bakit po, Lola? Masama ba siyang tao?" tanong ko pa.
Napalinga pa ito sa paligid bago bumulong.
"Nakakatakot kasi si Sir Devon, apo. Balita namin ay mafia boss 'yon. Kaya lahat ay takot sa kanya. Masungit din siya. Strikto at ayaw niya ng pakalat-kalat ka," bulong nito na ikinalunok ko.
Lalong lumalakas ang kutob ko na ito 'yong Devon na pumatay sa mga magulang ko.
"Ilang taon na po ba siya, Lola?" tanong ko pa.
Napaisip naman ito habang naglalakad kami ng mahabang koridor.
"Ang alam ko nasa 40's na si Sir Devon eh."
"40's? Kung gano'n hindi nga malabong. . . siya ang lalakeng iyon!" bulalas ko sa isipan.
"Nandito na tayo, apo." Anito na ikinabalik ng ulirat ko.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa silid nito. May mga silid pa kaming nadaanan pero ang kay Lola ang pinakamalaki. Siguro dahil siya ang mayordoma dito sa mansion ng mga Smith.
Naigala ko ang paningin sa buong silid ni Lola. Mas malaki at magara pa ito sa kabuoan ng bahay namin sa probinsya. May mga sarili din siyang gamit dito.
"Lola, dito ang silid mo?" namamangha kong tanong na ikinangiti nitong inakay ako sa mahabang sofa.
"Oo, apo. Nalulungkot nga ako kasi ang laki-laki ng silid pero mag-isa lang naman ako. May mga sariling silid ang lahat ng katulong dito. 'Yong mga silid na nadaanan natin papunta dito. Silid iyon ng mga kasama nating katulong. Sa labas naman ang silid na nakalaan sa mga lalake." Sagot nito na ikinatango ko.
Mukhang mababait nga ang pamilya Smith. Dahil heto at silid pa lang ni Lola, pang five star hotel na ang datingan!
"Ang galing naman. Kaya naman pala hindi niyo maiwan-iwan ang pamilyang ito, Lola." Komento ko na ikinangiti nitong hinaplos ako sa ulo.
"Eh ikaw, apo. Ano namang bago sa'yo, hmm? May nobyo ka na ba?" tanong nito na ikinangiwi ko.
"Wala po, Lola. Wala pa sa isip ko ang pagnonobyo." Sagot ko.
Napangiti naman ito. "Mabuti 'yan, apo. Bata ka pa naman eh. Pero, binabalaan na kita ngayon pa lang ha?" anito na ikinatango ko. "Marami tayong kasamang lalake dito sa mansion. Mga security guard, bodyguard at driver. Maraming binata dito na nililigawan ang mga katulong na dalaga. Ang iba nga ay dito na nakahanap ng mapapangasawa. Hindi naman bawal makipag relasyon sa mga kasama natin dito. Pero ayoko lang na maloko ka. Nakukuha mo ba ang ibig ko?"
Pilit akong ngumiti ba bakas ang kaseryosohan dito.
"Opo, Lola. Hindi naman po kasintahan ang pinunta ko dito kundi trabaho." Sagot ko na ikinahinga nito ng malalim.
"Mabuti naman kung gano'n. Siya nga pala. Paminsan-minsan din ay nagpupunta dito ang mga kaibigan ni Sir Devon. Minsan ay nagkakatuwaan ang mga iyon dito. Inuman sa pool na may mga kasamang babae. Kaya masanay ka na hmm?" pagbibigay alam pa nito na ikinatango ko.
HINAYAAN na muna ako ni Lola na makapag pahinga sa silid nito. Ngayon pa lang ay namimis ko na kaagad si Nanay Gemma. Gusto ko na lang umuwi ng probinsya.
"Ruffa apo, gumising ka na muna." Narinig kong saad ni Lola sabay yugyog sa balikat ko.
"Uhmm," tanging ungol ko na nanatiling nakapikit.
"Apo, kumain ka na muna. Matulog ka ulit pagkatapos mong kumain. Kumakalam na 'yang sikmura mo," pagyugyog nitong muli.
Napainat ako ng mga braso na napahikab. Inaantok pa ako pero kumakalam na rin kasi ang sikmura ko.
"Anong oras na po, Lola?" tanong ko na napapahikab pa.
"Naku eh alassingko na ng umaga, apo. Dinalhan na nga kita ng agahan at gatas mo para makakain ka na. Mukhang pagod na pagod ka pa rin sa byahe," sagot nito na ikinamilog ng mga mata ko!
Umaga na!? Pero heto at inaantok pa rin ako. Bumangon na ako na nagtungo sa banyo ni Lola. Kahit ang banyo nito ay napakalaki. Hindi mo aakalaing katulong ang may-ari ng banyo.
Matapos kong gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako ng banyo. Napangiti akong lumapit kay Lola na hinahanda ang agahan kong dala nito.
"Magandang umaga po, Lola." Pagbati ko na ikinangiti nito.
"Magandang umaga din sa'yo, apo. Kumain ka na."
"Kayo po, La? Marami po ito. Samahan niyo ako," alok ko pa dito na umiling.
"Kumain na ako, apo. Sige na, kumain ka na at babalik na ako sa kusina. Marami pa silang gagawin kaya dapat nandoon ako. Kaya mo naman na ang sarili mo 'di ba?" sagot nito na ikinatango ko.
"Opo, Lola."
"Sige na, apo. Ubusin mo 'yan ha? Matulog ka ulit para mabawi mo ang lakas mo. Bukas ka pa naman magsisimula sa trabaho eh," saad nito.
Tumango ako na nagsimula na ring kumain. Lumabas naman na si Lola ng silid namin. Napangiti ako na napasuri sa pagkaing dinala nito. Kahit pala sa pagkain ay hindi maramot ang mga amo namin. Kung anong kinakain nila, gano'n din ang kakainin ng mga trabahador nila.
Matapos kong kumain. Iniligpit ko at itinabi ang pinagkainan ko. Busog na busog ako at marami ang dinala ni Lola. Naupo ako sa gilid ng kama na sumandal sa headboard habang hinihimas ang tyan. Hindi naman na ako makatulog nito na busog na busog ako.
Ilang minuto pa akong nagpahinga bago napag-isipang lumabas ng silid namin ni Lola. Hindi naman siguro bawal sa akin na magpagala-gala. Sabi nga ni Lola, mabait ang mga amo namin.
Inayos ko na muna ang sarili bago lumabas ng silid. Kabado ako at wala akong kasama. Napakalaki pa naman ng mansion na 'to na para akong maliligaw.
Maingat bawat paghakbang ko na naglakad ng koridor. Napakamot pa ako sa ulo na hindi ko na matandaan ang pintuan na pinasukan namin ni Lola kahapon. Pare-pareho kasi ng disenyo ang mga pinto at pawang mga nakasara.
"Bahala na," usal ko na lakas loob pinihit ang seradula.
Napapikit ako na maingat binuksan ang pinto. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata na wala namang nagsalita. Bumungad sa akin ang malawak at magarang sala na ikinaawang ng labi ko.
Pumasok ako na napapatingala sa mga naglalakihang chandelier sa kisame. Hindi mo maitago ang kamanghaan sa mga mata ko na naigagala ang paningin.
"Ikaw 'yong bago?" ani ng babae na bigla na lang sumulpot.
Naipilig ko pa ang ulo dahil sa akin ito nakatingin. May dala itong tray na puno ng pagkain at may dalawang baso ng orange juice.
"Pakidala naman ito sa silid ni Señyorito." Anito.
"Ha? Ako? Bakit ako? Hindi ko alam ang silid ng boss natin," sagot ko na ikinangisi nito.
"Nakikita mo 'yong hagdanan 'di ba?" anito na nginuso ang hagdanang fully carpeted ng kulay pula.
Napalunok ako. "Umakyat ka sa third floor. Iisa lang naman ang pintuan doon. 'Yon ang silid ni Señyorito. Kumatok ka lang doon at pumasok ka para dalhin ang agahan nila ng nobya niyang hilaw." Paismid nitong saad na ikinatango ko.
Napipilitan akong inabot ang tray dito na sumunod sa utos nito. Naiinis ako na ako pa ang inutusan. Ni hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho ko eh.
Habang paakyat ng hagdanan ay maingat ang bawat paghakbang ko. Mahirap ng madulas ako o matapon ang pagkain ng amo ko. Baka mamaya ay mapagalitan pa ako.
Pagdating ko sa third floor ay ilang beses na muna akong napabuga ng hangin bago kumatok.
"S-sir, nandito na po ang agahan niyo," pagbibigay alam ko na muling kumatok. "Papasok na po ako."
Inabot ko ang seradula na maingat pinihit iyon at dahan-dahang tinulak. Pumasok ako ng silid na naigala ang paningin. Napangiwi pa ako na makitang tulog ang dalawang pares sa kama.
Maingat ang paghakbang ko na lumapit at inilapag sa side table sa tabi ng kama nila ang dala kong pagkain. Halos lumukso ang puso ko na ma-realize kung nasaan ako!
"Señorito? Ibig sabihin. . . ito iyong anak na lalake ng mga amo namin na nagngangalang. . . Devon!?" bulalas ko sa isipan na natuod sa kinatatayuan!
"Hey, who are you? Why you're not wearing your uniform?" ani ng baritonong boses na ikinanginig ng katawan ko.
Dahan-dahan akong napalingon dito at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na mapatitig sa mukha nito! Kahit bagong gising pa ito na walang suot at sabog-sabog ang buhok, hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya!
Pumatak ang butil ng luha ko na nakamata lang dito. Wala na akong pakialam kahit halatang wala silang saplot ng babaeng nahihimbing sa tabi nito at hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ginawa nila. Idagdag pang nagkalat ang used condom dito sa sahig malapit sa kama na puno ng semilya.
"Are you deaf? I said who are you?" untag nito na napakasungit ng pagkakasabi.
"I-ikaw. . . ikaw nga iyon. Hayop ka."