RUFFA: NAIINIS akong lumipat sa silid namin at tumambay sa balcony. Wala din naman kasi akong ibang pupuntahan. Bukod sa tinatamad akong nagkikikilos, ayoko rin umalis at maya't-maya ko rin namang namimis si Daven. Hinahanap-hanap siya ng paningin ko. Pahihirapan ko lang ang sarili ko kapag lumabas pa ako. Habang nagpapahangin dito sa balcony ay naramdaman ko naman ang prehensya nito. Lihim akong napangiti na may dala itong hilaw na mangga at alamang na nakalagay na sa bowl at na-slice na rin. Inilapag niya iyon sa mesang katabi ko at naupo sa gilid ko. Mula dito sa kinauupuan naming mag-asawa ay tanaw ang mga tao sa ibaba na nag-aayos ng buong garden para sa party mamayang gabi. "Do you want, baby?" malambing alok nito na naunang nagsubo sa mangga na sinawsaw nito sa alamang. Nag

