RUFFA: NAPASARAP ang kwentuhan namin ni Tita. Inabot tuloy ito ng hapon dito sa unit namin ni Daven. Hindi ko alam pero, napakagaan ng loob ko na nakakwentuhan ito. “Tita, dumalaw po ulit kayo ha? Kapag hindi busy si Tito, isama niyo po siya,” wika ko na inihatid namin ito dito sa ground floor ng parking lot. “Salamat sa pagpapatuloy, hija, hijo.” Sagot nito na ikinangiti namin ni Daven. “Hayaan mo, kapag walang trabaho ang Tito Lucas mo, isasama ko siya sa pagdalaw ko dito.” “Why don't we go on a vacation, Tita. Tamang-tama at naudlot ang vacation namin ni Ruffa sa Switzerland. Pwede po tayong magkabasyon kasama sina Tito at Luke.” Suhest’yon ni Daven na ikinamilog ng mga mata namin ni Tita na bumaling dito! “Totoo?” “Totoo?” Nagkatinginan at tawanan kami ni Tita na sabay pa k

