DAVEN: PANAY ang lagok ko ng alak dito sa balcony na nagpapalipas ng sama ng loob. Ayokong pag-isipan ng masama si Ruffa. Because I know, she's not this kind of woman. That she's having an affair with other man. Dapat galit ako. Dapat nasigawan ko siya at nasira na ang cellphone niya kanina na naaktuhan kong may tumawag sa kanyang ibang lalake. Pinalagpas ko na nga ang nangyari sa Switzerland eh. Na may kinatagpo siyang lalake sa labas ng coffeeshop kung saan kami pumasok. Damn. Pakiramdam ko ay iniiputan ako sa ulo ng asawa ko. Na may kinatagpo itong lalake sa labas at nagpayakap at halik pa siya sa lalakeng iyon! Ayoko sanang maniwala sa isinend sa aking video ng isang tauhan ko na nakamasid lang sa aming mag-asawa doon. Pero kitang-kita ko naman sa video na bagong kuha lang ‘yon.

