Chapter 6

2270 Words
? Give it to you My nunnunnunnunnunnun nunbit ssodajineun my teoteoteoteoteoteo teochi hanappunin my reobreobreobreobreob my lover nae meoributeo ppumppum nae balkkeutkkaji ppumppum ppumppum eo Just feel it ppumppum ne apeseo nan ppumppum nege julge ppumppum ppumppum eo Hays! Ang aga-aga, e, Boom-boom ng Momoland ang naririnig ko. "Mi," sabi ko habang painat-inat akong bumangon nang tawagin ko si Mommy. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kaniya dahil sa malakas na patugtog niya. Kaya naman dali-dali akong tumayo upang bumaba pero agad kong napansin ang Diary na nakita ko kahapon, naipatong ko pala iyon sa ibabaw ng lamp shade. Tinitigan ko pa iyon at hindi ko maiwasang ma-curious sa nilalaman niyon. Kanino kaya ito? Pasimple ko iyong binuksan at nagulantang ako nang mabasa kung kaninong pag-aari iyon. Allen Tevez Malinaw na nakasulat ang pangalan na iyon na nagbigay sa akin ng malaking kuryosidad. Sa labis na pagtataka ay naisuksok ko iyon sa loob ng aking bago bago pa man ako tawagin ni Mommy para kumain. Naabutan ko siyang sumasabay sa ritmo ng tugtog ngbMomoland. Ibang klase talaga si Mommy, bagets! "Mi, bakit hindi mo naman ako ginising.." "Ginising kita, sadyang tulog mantika ka lang," aniya. "Ah gano'n ba.. 'e, si di?" "Pumasok na. May mahalaga raw siyang aasikasuhin ngayon sa office.. kumain ka na, baka ma-late ka pa." "Late na talaga ako, mi.." Naparami ako ng sandok nang iniluto ni Mommy na mainit na sopas. "Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi at tinanghali ka na ng gising? Ikaw, Damzel ah, napapadalas na yata ang pagfi-f*******: mo," pagpuna ni Mommy habang kumakain ako. Sandali akong natigilan at napasimangot sa simpleng panenermon niya. "E, sinasabay ko lang naman po 'yun sa research, mi," "Asus! Nagpalusot pa!" tila natatawang aniya. At nang maubos kong kainin ang sopas ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Pasado alas siyete pa lang naman ng umaga kaya may halos trenta minuto pa akong natitira. Nagmadali na lamang akong kumilos at sa biyahe na lang ako nagsuklay. Habang naglalakad ako ay muli kong naalala ang nangyari kahapon. Kung paano ako insultohin ni Allen. "Nakakainis talaga 'yon, walang magawa kung minsan sa buhay.." At kagaya nang nakasanayan ay makikita ang mga nakadungaw na mga ulo mula sa corridor ng bawat classroom. Ang ilang estudyante ay kaniya-kaniyang kumpulan ng kanilang circle of friends samantalang ang iba ay walang magawa at masasanay ka na lang na bigla ka na lang sisipulan kapag napag-trip-an. Samantala, habang naglalakad ako papaakyat sa building ng Freshman students ay hindi ko naman inaasahan na makasasalubong ko ang babaeng minsan lang ay gumawa ng eksena rito sa school. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Lorraine-- na umastang girlfriend kuno ni Allen. Nilampasan ko lamang siya nang taasan niya ako ng kilay. Subalit nakakailang distansya pa lamang ako nang agad niyang hinila ang mahaba kong buhok. "Ano bang problema mo?!" matapang kong bungad sa kaniya. "You! Nang dahil sa'yo ay hindi na pumapayag si Allen na mag-date kami!" Napaawang ang bibig ko, palalampasin ko na sana ang kahibangan niya pero halos matigilan ako nang bigla niya akong sampalin. Napahawak ako sa aking pisngi na namamanhid na dahil sa lakas ng pagkakasampal niya, kaya pinanlisikan ko siya ng mata. Ayokong magpaapi sa kaniya katulad ng mga bida sa pelikula. At halos matigilan siya nang sampalin ko rin siya pabalik, at sinigurado kong mas malakas iyon sa sampal niya. "Ah! How dare you--" Sasabunutan niya naman sana ako pero mabilis na nakapalag ang braso ko. Da puntong iyon ay pinaggigitnaan na kami ng mga estudyante. Center of attraction? I hate it. Hinarap ko siya habang pinandidilatan ng mga mata at sinabi ang mga katagang, "Una sa lahat, hindi mo ako kilala para saktan mo ng gano'n-gano'n na lang, pangalawa, hindi mo binabayaran ang tuition fee ko at hindi mo ako pinapalamon," mariing pagkakasabi ko na nagpatahimik sa kaniya subalit hindi pa rin ang pagtaas ng kilay niya. Napahakbang ako papalapit sa kaniya at gusto kong matawa dahil kitang-kita sa mata niya ang pagkatakot. "At pangatlo, hindi ako magsasayang ng oras sa isang katulad mo." Halos mapahiya siya sa sinabi ko at tila sinampal siya nito pabalik. Agad naman nagkantyawan ang mga tsismoso't tsismosa, mga sawsawero at sawsawera. Naiwan ko siyang tulala roon at hindi ko rin inaasahan ang makakasabay ko. Si Miles. Halos manghina ang tuhod ko at hindi na nakalakad nang lampasan niya lang ako. Marahil ay galit pa rin siya sa akin. Iyong tapang na naipon ko kanina nang makaharap ko ang Lorraine na iyon ay tila nawala nang dahil lang kay Miles. Naglakad ako, at kung hindi ka ba naman minamalas ay agad akong natisod. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at dali-daling tumayo. Sa pagtayo ko ay halos hindi ako nakapagsalita dahil nandoon si Joe, kasama ang mga kaibigan niya habang pinagmamasdan akong tumayo na mag-isa. Nakakainis! Hindi pa nga ako nakakapasok ng classroom ay sari-saring eksena na ang bumungad sa akin. Tumindig ako na parang walang nangyari at binalikan ko ng tingin ang direksyon nila Joe. Subalit nawala ang ngiti niya nang magtama ang mga mata namin. At sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng lungkot. Marahil ay nasanay na ko sa pagtitiyaga niya na ligawan ako no'n, pero sinayang ko 'yon. Dahil hindi ko siya gusto. Nang makarating ako sa classroom ay tila may dumating na anghel nang dumating ako. Kakaiba ang tingin nila sa akin habang ang iba naman ay parang naiintindihan din ako. Maluha-luha akong sinalubong ni Strawberry kaya nagtaka na talaga ako.. "Damzel.. I'm sorry.." Bakit siya nagso-sorry? "Teka, Strawberry anong mayro'n? Hindi kita maintindihan." At gamit ang mga mata niyang nakatingin sa may pisara ay napasunod din ang mgabmata ko na tumingin doon. At halos magulantang ako sa nakasulat doon. 'HUWAG TULARAN SI DAMZEL! MANGGAGAMIT AT MALANDI SIYA!' "Shit." Napamura ako sa sarili dahil kilala ko kung kanino ang sulat kamay na iyon. Halos mapaluha ako sa nabasa ko. "Hindi totoo 'yan! Burahin niyo 'yan!" Agad akong nag-walk-out papalabas ng classroom, bahala na kung hindi ako makapasok basta, nawalan na ako ng gana at sobrang bigat sa dibdib. Bakit sa lahat ng gagawa no'n sa akin ay kaibigan ko pa? At lalong dumami ang luha ko nang magawa kong sambitin ang iniisip ko.. "Bakit, Miles.. bakit?" Sa kalagitnaan ng aking pag-iyak ay hindi ko inaasahan na darating ang isang taong madalas na magpagaan ng loob ko. - "Salamat Allen," sabi ko habang tinatanggap ang binili niyang softdrinks. "Ano ba talaga ang nangyari? Hindi ka na nakapasok sa class mo.. mabuti at nakita kita," sabi niya. Sandali kong hinayaan na makaupo siya. Narito kami ngayon sa may canteen dahil sinamahan niya ako habang umiiyak kanina. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya iyon nagawa sa akin, kaibigan ko pa naman siya.." Sumipsip muna siya sa straw ng softdrinks at saka sumagot. "Sandali." Napatayo siya at napasunod ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko na lang na may hawak-hawak na siyang fries. "O, nag-abala ka pa, pero salamat.." ani ko at ngumiti siya. "Utang mo 'yan sa'kin," matipid niyang sabi na nagpataas ng kilay ko. Napatawa siya nang malakas. "Ito naman hindi mabiro.." Napangiti na lang ako at sumeryosong muli. "Dahil pa rin ba ito kay Joe?" pagsisimula muli niya ng usapan. "Siguro.. dahil nga siguro sa pamba-basted ko sa pinsan niya, pero hindi naman siguro sapat na dahilan 'yon para gawin niya 'yon.." "So, iniisip mo na may iba pang dahilan?" tanong niya kaya napaisip ako sandali. "Ayokong isipin na may iba pa na dahilan, Allen." Sunud-sunod siyang napatango at agad na sumilay ang isang nakakalokong ngiti. "Ayaw mong pumasok, 'di ba?" Dahan-dahan akong napatango. "May alam akong p'wede natin puntahan para.. makalimot," napakunot ang noo ko at parang nagustuhan ko ang ideya niya. "Sandali, Allen," bigla kasing nangalay ang paa ko dahil sa mataas na lugar na inakyat namin. Agad ko naman nakita ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. "Humawak ka na," iiling-iling kong tinanggap iyon at nakarating nga kami sa tuktok ng bundok. Presko ang hangin at napaliligiran iyon ng mga puno. Walang kahit na anong bahay na malapit doon, p'wera na lang sa mga nadaanan namin bago pa kami makaakyat. "Salamat sa pagsama mo sa akin, ha?" "Ano ka ba, wala 'yon. Ayoko rin naman pumasok dahil.. siguradong titilian lang ako ng mga kaklase kong patay na patay sa akin." Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. "Ang lakas din ng kompyansa mo sa sarili, e, 'no?" sabi ko at natawa na rin siya. Sa kalagitnaan nang pamamalagi namin sa bundok ay may biglang sumagi sa isip ko.. 'Yong diary.. "Ah, Allen." "Hm?" "May ginawa ba na diary ang daddy mo bago pa siya mamatay?" Napakunot ang noo niya at tila nag-isip. "Diary? Ang alam ko lang ay may madalas na hawak noon si mommy na kulay itim na libro, pero kahit minsan ay hindi ko inalam kung ano 'yon.. bakit?" "Ah, e, kasi.. may nakita akong diary sa kuwarto ni Mommy," ani ko na mukhang nagbigay ng interes sa kaniya. "Patingin," aniya at mabilis kong kinuha ang diary at iniabot iyon sa kaniya. "Mukhang ito nga 'yon.." Halos kabahan ako nang buksan niya ang unang pahina nito. At napansin kong nanlaki ang mata niya nang mabasa ang pangalang nakalimbag doon. "Pangalan ito ni dad, ah, so ibig sabihin sa kaniya nga ito." Pinagmasdan pa namin ang ibang pahina, pero hindi na namin nagawang basahin dahil masyadong mahaba ang nakasulat sa bawat pahina. "Teka, paano kaya ito napunta kay mommy?" ani ko na nakapagpa-isip din sa kaniya. "Mas mabuti kung itanong na lang natin kina mom," aniya. Binuklat pa niya iyon nang binuklat hanggang sa maagaw ang atensyon namin ng isang punit na pahina at nakalakip doon ang karugtong ng napunit na pahina.. At mas lalo kaming naguluhan sa nakasulat doon; "Dalangin ko nawa'y sa tamang panahon ay muli akong isisilang at sa panahong iyon ay nakatakda na ako sa pinagmulan ng babaeng una kong minahal." "Hindi ko ma-gets ang nakasulat pero medyo kinilabutan ako, ikaw ba?" sabi ko habang nakatitig pa rin siya sa papel. Napangisi ako. "Ang corny naman ni dad!" aniya na nagpakunot ng aking noo. Binitawan na niya ang diary at agad na tumayo, nagpunta siya sa hindi kalayuan habang ako ay ibinalik na sa bag ang diary. "Damzel!" tawag niya na nagpalingon sa akin. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya kaya lumapit ako. "Bakit?" "Hindi ba gusto mong makalimutan ang sama ng loob mo?" Dahan-dahan akong napatango at sa pagkakataong iyon ay hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko. "Simple lang ang gagawin mo, sumigaw ka lang at mababawasan ang sakit diyan sa puso mo." Itinuro pa ng hintuturo niya ang puso ko at saka binitawan ang kamay ko. "Handa ka na ba?" wika pa niya. Kaya napatango ako at napangiti. Huminga ako ng malalim at sumigaw.. "Naiinis ako! Nasasaktan ako! Urgh! I hate this feeling!" Pagkalingon ko sa kaniya ay nakangiti pa rin siya at walang anu-ano'y agad na lumakas ang simoy ng hangin.. At.. natigilan ako dahil tila nag-slow motion ang lahat ng pangyayari. Ang ngiti at titig niya ay tila nagbigay ng kung anong pakiramdam sa akin. Tumitibok ang puso ko.. Kinagabihan ay napagpasyahan kong kwestyunin na si Mommy tungkol sa diary. Naabutan ko siyang naglalaro ng kaniyang cellphone sa may kuwarto. "Mi." Hindi na siya nabigla sa presensya ko dahil sanay naman siya na bigla-bigla akong pumapasok ng kuwarto nila ni Dad. "Yes, my princess? Bakit gising ka pa?" "Ah.. may itatanong lang po sana ako?" Sandali niyang binitawan ang cellphone niya at hinarap ako. "Okay, sige lang." Napabuntong-hininga ako dahil hindi ako alam kung paano ako magsisimula. "Ah.. ano kasi, mi.. ah-- may diary po akong nakita.." Agad na namilog ang mata niya pagkasabi ko no'n. "Nasaan? Kanina ko pa 'yon hinahanap dahil mahalaga 'yon sa akin.." Agad naman napakunot ang noo ko, dahil naguguluhan na talaga ako. "Bakit naman mahalaga 'yon sa'yo, mi? It's supposedly Tita Celeb who have been taking care of it.." makatwirang sabi ko. Napapikit siya kaya mas lalo ko iyon hindi naintindihan. "Ano ba talagang mayroon sa diary na 'yon, mi? Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" pagpupumilit ko at agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Damzel, binigay 'yan sa akin ni Tita Celeb mo.. d-dahil.. may kailangan daw akong mabasa at isa pa ay hindi na rin naman niya 'yon kailangan.. kahit pa iyon na lang ang naiwang remembrance sa kaniya ni Allen.." "Ano?" hindi makapaniwalang tugon ko. Ngayon naiintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng nabasa namin sa punit na pahina na nasa diary.. Hindi kaya.. "Mi, may hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa past mo?" Agad siyang napatayo at sinundan ko lang siya ng tingin. Kailangan kong linawin lahat mula kay Mommy.. dahil iba na ang kutob ko.. "Ang totoo niyan ay.. may nakaraan kami ni Allen, ang ama ni Allen Jr.." Halos malaglag ang panga ko sa nalaman at ang katotohanan na nagpagulantang sa buong sistema ko. Dahil walang ibang tinutukoy ang Daddy ni Allen na ibang babae sa nakasulat doon kung hindi si Mommy.. Natulala ako at hindi nakapagsalita. "Damzel, 'yung diary.. b-binasa mo ba?" tila nauutal na sabi ni Mommy. I need to pretend that I didn't knew it. "No, mi.. ang haba po kaya at isa pa ay nakakahiya naman sa may-ari kung babasahin ko 'yon ng basta-basta." Nakita ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy at nabigla na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko maiwasan isipin ang nakasulat doon.. Para ba'ng may koneksyon sa akin at labis akong naapektuhan.. At ngayong nalaman ko na ang totoo.. kailangan ko pa ba'ng sabihin ito kay Allen? -- Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD