Chapter 7

1433 Words
Mabilis kumalat ang balita sa buong classroom ang pangbu-bully na ginawa sa akin ni Miles. Isang linggo na rin ang nakakaraan magmula nang mangyari 'yon at isang linggo na rin magmula nang huli kaming magkita ni Allen. Masyadong naging busy ang isang linggo dahil sa magkakasabay na reportings at projects. At heto ako ngayon, paulit-ulit na inaaral ang irereport ko ngayong araw. "Goodmorning Damzel!" masayang bati sa akin ni Strawberry. Habang hindi naman maitatanggi ang kakaibang tingin sa akin ng iba kong kaklase. Alam mo 'yung sumikat ka sa classroom nang dahil lang sa pangbu-bully ng itinuring mong isang mabuting kaibigan. Sandali ko siyang sinulyapan bago ko pa man ibinalik sa nire-review ko ang tingin. "Report ko na mamaya," sabi ko at hinayaan kong tumabi siya sa akin sa sahig kung saan ako nakaupo. "Okay lang 'yan, i-chicheer kita ng bonggang-bongga!" aniya at kumindat pa siya habang nakangiti. Natatawa na lang ako habang napapailing. Samantala, siyang dating naman ni Miles kung kaya't medyo naging awkward para sa akin. Animo'y nakarinig ako ng ilang bulungan at pinili kong balewalain na lamang 'yon. Pero bago pa man makalampas sa amin si Miles ay may hinulog na siyang isang nakatiklop na papel. Hindi ko pinansin iyon at mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko. Subalit-- "Damzel, para sa'yo pala ito.." Napakunot ang noo ko at saglit na pinagmasdan ang papel na iyon. Binuklat na pala iyon ni Strawberry at nakita ko roon ang mala-nobelang sulat. Sulat? Bakit ako bibigyan ng sulat ni Miles? Sa labis na pagtataka ay nagawa kong agawin ang papel at hindi sinasadyang mababasa ko kung ano ang nakapaloob doon; Damzel, Nais ko sanang makausap ka mamaya after lunch. Gusto ko na rin sanang humingi ng tawad sa nagawa ko. Sana ay mapatawad mo ako, dahil ako pa rin 'yung Miles na kaibigan mo.. -Miles Natiklop ko ang papel na iyon at hindi maiwasang pumatak ng luha ko. Hindi ko alam pero ang mga simpleng salitang iyon ang hinihintay ko na manggagaling sa kaniya. Napansin ko ang pagkalungkot sa mga mata ni Strawberry saba'y sabi, "Ano? Kakausapin mo na ba siya? Nami-miss ko na 'yong bonding natin tatlo, e.." Napalunok ako at saglit na pinunasan ang aking luha. "Hindi ko alam, Strawberry.. hindi ko alam dahil sariwa pa rin sa akin ang lahat.." At nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang tumunog ang bell. "Bigla tuloy akong kinabahan, ngayon na ang report ko.." sabi ko matapos kong kunin ang aking mga gamit. "Kaya mo 'yan, ikaw pa ba?" nakangiting aniya. Pumasok na kami sa classroom upang hintayin si Mrs. Melgar, ang araling panlipunan teacher namin. At kahit damang-dama ko ang tensyon ay pinili kong mag-focus sa gagawin. Kahit batid kong maraming mata ang ang nakatuon sa akin. Napahinga ako ng malalim bago pa man magsimulang mag-report. Pinili ko munang kalimutan ang narararamdamang lungkot tungkol sa sulat ni Miles. "Kasaysayan, ano nga ba ang kasaysayan?" panimula ko at nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat. "Ang kasaysayan o historya ay nangangahulugang "inkuwiri, kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon") ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakakaapekto sa mga tao sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bílang pangalan ng isang pinag-aaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam (binigkas na kasaysayan), atarkeolohiya. Ito ay isang umbrella term na may kinalaman sa mga nakaraang pangyayari gayundin ang mga alaala, tuklas, koleksiyon, organisasyon, presentasyon, at interpretasyon ng impormasyon tungkol sa mga pangyayaring ito. Ang mga iskolar na nagsusulat ng kasaysayan ay tinatawag na "historyador". Ang mga pangyayaring naganap bago ang mga nakasulat na talâ ay tinuturing na prehistoriko." Matapos kong sabihin iyon ay nagkaroon ng isang malakas na palakpakan sa buong classroom. Sa mga sumunod na subject ay naging tahimik na ako hanggang sa dumating ang lunch break at ewan ko ba kung bakit hindi ako excited na mag-lunch. Kaya ng nasa canteen na akonay um-order na lang ako ng paborito kong chicken fillet with rice at pineapple juice , habang si Strawberry naman ay caldereta with rice, baked macaroni at mango juice. "Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Bungad niya nang makaupo kami sa may pangdalawahan na table. Hindi ako sumagot at sa halip ay binigyan ko lamang siya ng isang seryosong tingin. "Iniisip mo pa rin ba ang tungkol sa sulat ni Miles?" Napabuntong-hininga ako at nagawa ko na lang kainin ang in-order ko. "Ewan ko ba, confuse pa rin ako kung ano ba ang dahilan niya at ganoon na lang kabilis magbago ang damdamin niya.. kasi-- kahit na nag-sorry siya ay hindi ko pa rin ma-feel," sabi ko. Napatango siya at sandaling inilibot ang tingin sa kabuuan ng canteen. "Pero handa ka na ba talaga na makausap siya?" Nagkibit-balikat ako at saka ipinagpatuloy muli ang pagkain. Matapos namin kumain ay dumiretso na kami sa may corridor kung saan ay may ilan-ilang kumpulan ng mga estudyante. "Uy, teka-- si Allen 'yon, 'di ba?" ngingiti-ngiting turo ni Strawberry sa may kabilang building na natatanaw namin. Napasulyap naman ako at nakita ko nga si Allen na kausap ang ilan sa mga classmate niya. Tatawagin pa sana ito ni Strawberry pero mukhang hindi naman siya nito maririnig. Ilang sandali lang ay isang humahangos na Miles ang lumapit sa amin.. "Damzel," panimula niya. Hingal na hingal siya at hindi maipinta ang mukha niya. "Maaari na ba kitang makausap?" Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon habang si Strawberry ay pabalik-balik ang tingin sa amin. "Ah.. s-sige, pasok na muna ako," pagpapaalam ni Strawberry. Napatango ako sa kaniya bago pa man siya makaalis. At nang dalawa na lang kami ni Miles ang natira ay nagkaroon ng saglit na katahimikan. Tumingin siya sa paligid at sandaling pinagmasdan ang mga nag-aakyatang mga estudyante. "Bakit mo ako gustong makausap.." Tila tanong ko sa kawalan dahil hindi ko magawang tumingin sa kaniya. "Bago ang lahat, gusto ko sanang malaman.. kung nabasa mo 'yong sulat?" "Nabasa ko," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga siya at napahawak sa bakal na nagsisilbing bakod namin. "Gusto ko sanang malaman mo na sincere ang paghingi ko ng sorry.." Agad na pumatak ang luha niya at medyo nahabag naman ako. Ewan ko ba kung bakit ang bilis kong madala kapag emosyon na ang pinag-uusapan. Tumingin ako sa kaniya na parang wala lang nangyari, at nagawa kong tingnan siya sa mga mata niyang nagsusumamo. "Miles." Sa wakas ay nabigkas kong muli ang pangalan niya. "Una sa lahat, itinuring kitang kaibigan-- malapit na kaibigan, pero nang gawin mo 'yon.. parang bumaba ang tingin ko sa sarili ko.. parang may parte sa akin na kulang.. a-at ang masakit pa ay hindi ko iyon matanggap dahil hindi ko inakalang magagawa mo 'yun.." Sumilay ang munting luha sa mga mata ko at hinarap ko siyang muli. "Hindi ko na hinihiling na bawiin mo ang sinabi mo dahil marami na rin naman nang nakakita at nakaalam.. ang gusto ko lang ay sabihin mo ang totoo kung ano ang dahilan at nagawa mo 'yon.." Napahikbi siya kaya mas lalo akong naluha. "Damzel, I'm really sorry.. I'm really sorry sa nagawa ko, dahil hindi ko naman gagawin 'yon kung wala akong insecurities sa sarili ko," aniya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at hinintay ang susunod niyang sasabihin, "Dahil naiinggit ako sa'yo.. in the first place ay ikaw ang nagustuhan ni Joe, na second cousin ko.. ikaw ang pinakamaganda sa kaniya.. at naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.. na ikaw ang gusto niya at.. hindi ako.." Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Unti-unti kong naiintindihan kung bakit niya 'yon nagawa sa akin, unti-unti akong nalilinawan sa realidad. At bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita siyang muli, "Kaya gusto kong humingi ng sorry dahil nagpakain ako sa galit ko.. sa selos at sa inggit.." Lalong tumindi ang pagpatak ng luha sa kaniyang mata at sa tingin ko ay sapat ng dahilan 'yon para maramdaman kong sincere siya sa paghingi ng sorry. "Sana mapatawad mo ako, Damzel.." Humikbi siyang muli. "At kung ayaw mo nang ibalik ang friendship natin.. ayos lang," wika pa niya. Ngumiti siya habang pinupunasan ang luha habang ako ay naiiyak na rin. Hindi na ako nakapagsalita at dahil masyado akong na-attached sa sinabi niya ay niyakap ko siya. At nang bumitiw ako sa yakap na iyon ay napangiti ako at hindi niya inaasahan ang sasabihin ko, "Huwag kang mag-alala, pinatawad na kita.. pero hindi ko na kailangan ng isang kaibigan na tulad mo sa buhay ko.." Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD