Chapter 8

1165 Words
Sabado ng hapon at hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin pagkagising ko. Bukod kina Mommy at Daddy ay nandito rin sina Lolo Ethan at Lola Jena, ang mga magulang ni Mommy, sina Ninang Glydel at Tito Fiel-- at nagtaka pa ako dahil nandito rin sina Tita Celeb at.. Allen. "O, Damzel, gising ka na pala, hija," ani Lola Jena. Napakamot ako sa batok nang wala sa oras at hinayaan nilang makaupo rin ako sa may sofa. "Teka, ano pong mayro'n?" tanong ko matapos kong magmano kina Lola Jena at Lolo Ethan. Subalit tanging ngiti lang ang isinagot nila. "Pagpalain ka nawa ng diyos," ani lola at sumilay ang ngiti sa labi niya, ganoon din si lolo kahit na hindi siya sanay sa pagtatagalog. Ngumiti silang lahat at napalingon ako sa tarpaulin na may naka-print na litrato at pangalan ko. Unti-unti akong napaiyak sa sobrang saya. Gosh! Nakalimutan kong birthday ko nga pala ngayon! Nasa mayo labing walo na pala na ang petsa sa kalendaryo! "Happy twelve years of existence!" sabay-sabay nilang sabi na tila praktisado pa. Napangiti ako at dali-daling tinanggap ang kanilang mga hawak na regalo. "Nag-abala pa kayo, pero salamat.." Sumilay ang ngiti sa labi nila. "Happy birthday, our princess!" masayang wika ni dad, ang kamukha ko. "Thanks, di." Napatanday ako sa braso niya at agad naman lumapit si Mommy. "Uy, sandali, kayo lang talaga?" natatawang aniya kaya nagtawanan na rin kaming lahat. "Tara na, kumain na tayo," biglang singit ni Ninang Glydel. "Naku, bessy, nangunguna ka talaga ah," natatawa pa rin puna ni Mommy habang papunta sila sa may dining area. Nagpaiwan na muna ako saglit sa may salas kung saan ay pinagmamasdan ko ang mga regalo. "Happy birthday, huwag ka nang madalas maging masungit para gumanda ka naman." Napalingon ako sa boses na 'yon at halos magtangis ang bagang ko sa narinig kong pamimilosopo niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang tinatanggap ang regalo niya. "Matutuwa na sana ako, e," naka-irap kong sabi. Sabay agad na humagalpak ang tawa niya. "Biro lang, wala bang thank you?" sabi niya at tumabi siya sa katabing upuan ko. "Nabibili ang thank you ko, Allen," mataray kong sabi at natawa lang siya. "Sus, mataray na iyakin!" ngingisi-ngisi na namang aniya. "Anong sabi mo?!" "W-wala!" "Ang ganda mo kasi," bumulong siya pero hindi ko na 'yon masyadong narinig. "May sinasabi ka?" "Ha-ha-ha! Wala nga, tara na nga!" Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko at hinayaan kong hawak-hawak niya 'yon habang papunta kami ng dining area. "Oy, Allen, Damzel, kumain na kayo dito, oh! Ang sarap ng ice cream!" ani Tito Fiel at napansin ko naman na siniko siya ni Ninang Glydel. Subalit napalingon ako nang nanatiling nakahawak ang kamay ni Allen sa wrist ko. Siyang tukso naman ni Tita Celeb, "Oy, Allen at Damzel, ano 'yan, ha?" Mabilis naman na bumitiw si Allen sa akin at lumapit siya kaagad sa lamesa kaya hindi ko naiwasan na pagmasdan sila. Ngayon ko lang na-realize na kinakapatid ko pala si Allen dahil inaanak siya ni Mommy habang inaanak din ako ni Tita Celeb pero imbes na ninang ay tita ang nakasanayan kong itawag. Hindi ko man lang namalayan ang oras dahil abala rin ang lahat sa selebrasyon ng kaarawan ko. May videoke na pinangungunahan ni Daddy habang hinaharana niya si Mommy. "Pakantahin naman natin ang may birthday!" ani Ninang Glydel. "Hala, hindi po ako kumakanta," mabilis kong pagtanggi. Siyang lapit naman sa akin ni Daddy upang i-abot ang microphone habang lahat sila ay ngingiti-ngiting nakatingin sa akin. Aangal pa sana ako nang biglang nag-play ang isang kanta. Now playing: [Simula Pa No'ng Una by: Patch Quiwa] Napakunot ang noo ko sa screen ng TV at sinabi, "Anong kanta 'yan?" "Akin 'yan!" Napalingon kaming lahat kay Allen na ngayon ay papalapit na sa akin upang kuhain ang microphone. Doo'y hindi naiwasang magdikit ang mga palad namin. At ngumiti siya sa akin bago pa man kumanta. ? Simula palang no'ng una hindi na maintindihan nararamdaman, Naging magkaibigan ngunit 'di umabot ng magka-ibigan.. Tanggap ko 'yon noon, kampante na gano'n nalang Sapat nang na kasama kita kahit hanggang don nalang.. Paminsan-minsa'y lumilingon siya sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit parang nagugustuhan ko 'yon. Hindi nalang ako lalapit 'Di nalang titingin.. Para hindi na rin mahulog pa Sayo'ng mga mata.. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang magtagpo ang aming mga mata. Siguro nga napamahal na ko sa'yo, oo.. Di naman inaasahan, Di naman sinasadya, Pero alam ko rin naman, Hanggang dito nalang.. Lilimutin ang damdamin Isisigaw nalang sa hangin Mahal kita~ Mahal kita~ Sinubukan ko naman na pigilang ang nararamdaman.. Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo.. Paano ba naman Isang ngiti, isang tingin, kahit boses mo na ring nakakatunaw, 'Wag nang pansinin Delikado na, delikado na.. Hirap pa'ring hindi lumapit, 'di maiwasang tumingin Mukha yatang ako'y nahulog na Sayo'ng mga mata.. Siguro nga napamahal na ko sayo, oo.. Di naman inaasahan, Di naman sinasadya, Pero alam ko rin naman, Hanggang dito nalang, Lilimutin ang damdamin, Isisigaw nalang sa hangin.. Mahal kita~ Mahal kita~ Simula pa no'ng una.. Napatitig muli ako sa screen ng TV habang patuloy sila sa hiyawan at nang mag-play muli ang sumunod na kanta ay hindi ko inaasahang kakausapin niya ulit ako, "Damzel, kantahin mo 'yan," nakangiting aniya habang ini-aabot ang microphone sa akin. Agad akong nakadama ng panginginig dahil hindi ako nakaligtas sa pagkanta. Bahala na.. Now playing: [Kanlungan by Noel Cabangon] ? Pana-panahon nang pagkakataon, Maibabalik ba ang kahapon? Unang kanta ko pa lang ng first note ay naagaw ko na ang atensyon nila, maging sina Mommy at Daddy na kanina lang ay magkayakap. Natatandan mo pa ba, no'ng tayong dalawa'y unang magkita, Panahon ng kamusmusan, Sa piling ng mga bulaklak at halaman.. Para bang nag-flashback sa akin 'yong araw na una kaming nagkakilala ni Allen. Noong elementary pa lamang kami.. Malayang tulad ng mga ibon, Ang gunita ng ating kahapon.. Hindi ko namalayan na sadyang nadadala na ako sa kanta, hindi ko nga alam kung maganda ba ang ibinibuga kong boses o hindi. Basta ang alam ko lang ay nakaka-relate ako sa kanta. Lumilipas ang panahon, Kabiyak ng ating gunita.. Sa paglipas ng panahon bakit, kailangan din lumisan.. Pana-panahon nang pagkakataon, Maibabalik ba ang kahapon? At halos matigilan ako nang makarinig ako ng malakas na palakpakan. "Iyan ba ang hindi kumakanta? Ang galing mo kaya, apo!" nakangiti na namang sabi ni Lola Jena. "Salamat po, lola.." Pero natigilan ako nang magsalita si Allen, "Hindi mo naman sinabi na marunong ka pa lang kumanta." Sumilay ang ngiti sa labi niya at kasabay niyon ang mabilis na pagtibok ng puso ko. At ewan ko kung bakit bigla na lang akong umalis doon upang umakyat ng kuwarto. Subalit hindi ako pinakawalan ng sarili kong imahinasyon sapagkat ang mukha niya pa rin ang naiisip ko. Napasandal ako sa may pinto habang walang tigil sa pagtibok ang puso ko. At agad ko na lang nasabi sa aking sarili, "In-love na ba ako?" Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD