HINDI NAGTAGAL ay pormal nang nanligaw si Allen sa akin sa harap nina Mommy at Daddy. Hindi naman naging mahirap ang pagtatapat namin dahil alam naman nilang simula't sapul ay gusto na namin ang isa't isa. Ang kaso ay puro pangaral sila na kesyo, alam na raw naman namin ang aming limitasyon. Subalit, isang araw ay hindi ko inaasahang mabubungaran ko siya na nakikipagkulitan kay Hanzel. At sandali siyang natigilan nang makita ako. Para siyang sinilihan dahil ang bilis niyang umayos nang pagkakatayo. "Good morning, Damzel." Kay ganda nang ibinungad niyang ngiti sa akin at aaminin kong nagbibigay iyon ng kiliti sa aking puso. Hindi ko inaasahan ang pagbisita niya dahil wala naman siyang iniwang mensahe sa akin. "G-good morning, biglaan naman yata ang pagpunta mo?" sabi ko. Saka ako tumingin

