MAGKAHALONG KILIG at kaba ang naramdaman ko nang masundan pa ang pagkikita namin ni Allen. Narito ako ngayon sa isang mall kung saan ay nakatakda kaming magkita. Matapos kasi ang debut ko ay hindi na kami muling nakapagkita, dahil din siguro sa parehong tight sched namin sa school at isa pa ay sadyang malayo ang distansya ng kaniyang University na pinapasukan sa akin. It takes a mile. Isang linggo lang naman ang itinagal bago pa kami muling magkapagkita pero para sa'kin ay parang buwan na ang nakalipas. Habang hinihintay siya ay napadaan na muna ako sa isang Book Store, dahil mahilig din akong magbasa-basa, lalo na ang mga Science Fiction books. Subalit, nabaling ang atensyon ko sa may drawing materials, ang paint at illustration board na sadyang malaki ang papel sa buhay ko nang dahil sa

