Six years later.. "Damzel, happy birthday! Dalagang-dalaga ka na!" bati ni Ninang Glydel sa akin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kumikinang niyang mga mata sa akin. "Salamat po.. ninang! Gawa na po kayo ni ninong ng pamangkin ko," pabirong sabi ko na nagpasilay ng ngiti niya. "Iyon nga ang problema, e. Hindi kami makabuo ni ninong mo-- ewan ko ba!" Sandali pa siyang napabuntong-hininga bago nagsalitang muli, "O, siya, balikan ko lang ang ilang bisita ha?" Napatango ako at pagkaalis ni Ninang ay pinagmasdan ko si Daddy na masayang-masaya habang inaalalayan sa paglalaro si Hanzel, ang nakababata kong kapatid. Umupo na muna ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng resort na nirentahan pa namin. Sa loob ng anim na taon ay marami nang nagbago. Bukod sa nadagdagan ang e

