Chapter 3

1121 Words
Five years later.. [Damzel] "Sa dagat at bundok sa simo'y at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal.." 'Yan ang nabungaran ko sa flag ceremony. Shocks! Pumila ako sa nagkukumpulang mga estudyante sa tapat ng flag pole. Hindi ko na naisipang hanapin ang mga kaklase ko dahil masyadong hassle. Second week pa lang ng klase ko sa first year high school pero feeling ko kalagitnaan na ng taon dahil sa tinatanghali ako ng gising. Nakakaadik naman kasing manuod ng K-drama. "Uy, ate, sa'yo 'to?" Napalingon naman ako sa boses na 'yon at bahagya akong napangiti nang makita ang attached case ko. Makakalimutin talaga ako, nagmana ako kay Mommy. "Ay, salamat." Binigyan niya rin naman ako ng simpleng ngiti. Nang matapos ang flag ceremony ay kaniya-kaniya na kaming akyat ng classroom. Subalit hindi ko naman inaasahan na may makikita akong pamilyar na mukha. Unti-unti ko siyang nilapitan at halos mabigla siya nang makita ako. "Allen! Dito ka rin pala pumapasok?" natatawang sabi ko. "Oo, nakita na kita no'ng nakaraan," seryosong wika niya. Tila nabigla pa siya sa presensya ko. "Talaga? E, bakit hindi mo ako tinawag?" Lumingon siya saglit sa akin habang patuloy pa rin kaming naglalakad. Seryoso ang mukha niya nang magtama ang tingin namin. "May kausap ka, e." Napatango na lamang ako, tatanungin ko pa sana siya kung bakit tila malungkot siya ang kaso, nakita ko na ang class room ko. Kaya nagpaalam na ako sa kaniya. "Damzel!" Bungad sa akin ng dalawa kong kaibigan na sina Strawberry at Miles. "Hinahanap ka sa'min kanina ni Joe." Agad naman napakunot ang noo ko. Parati na lang kasi nilang pinu-push sa akin si Joe, e, hindi ko naman 'yon gusto. Si Joe ay ang manliligaw ko since grade six. At kung bakit kami nagkakilala? Dahil kay Miles, pinsan niya kasi 'yon. "Ang dami niyong p'wedeng ibungad, e, 'yong asungot pa na 'yon." Umupo ako sa upuan habang nakikita ko silang pinagmamasdan ako sa peripheral vision ko. "Oo na! alam naman namin 'yon, e. Pero sana naman ma-appreciate mo 'yung effort ng pinsan ko," tila pagsusumamo ni Miles. Napairap ako sa kanila, sanay naman na sila sa akin. "Ah basta! Big no! At saka masyado pa kaming bata para pumasok sa isang relationship." "Sus, hindi mo masasabi 'yan, kasi.. once na umibig ka hindi mo na 'yon mapipigilan.." singit naman ni Strawberry. Nag-appear pa silang dalawa sa harapan ko na tila mga batang binigyan ng candy. Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan sila. Nasa harapan ko sila nakaupo habang nakaharap sila sa akin. "Tingnan mo 'tong si Glazey, ang kapal-kapal ng lipstick akala mo isinusubsob sa paso, e!" natatawang puna ni Strawberry. Bilib talaga ko sa kaibigan ko na 'to, e, straight to the point. Siya na yata ang pinakalaitera sa mga kaibigan ko. Suwerte niya lang at malayo sa amin ang puwesto ni Glazey kung kaya't hindi nito narinig ang sinabi ni Strawberry. Habang si Miles naman ang pinakamadrama, palibhasa pareho kaming nilamon na ng K-drama! "Oy, Damzel, bakit ka natatawa? Nababaliw ka na 'no?" natatawang asar na naman ni Strawberry, mabuti na lang at hindi ako pikunin. Sorry siya. "In your dreams, Strawberry!" sagot ko na nagpahagikhik sa kanila. Bakit nga ba ako tawa ng tawa? Pero bago pa man siya makasagot ay binanatan ko na naman siya. "Manahimik ka na nga!" Napairap na naman ako at unti-unti na naman akong natawa. Seryoso, natatawa ako sa imagination ko kung paano ang itsura ni Strawberry kapag nagagalit. "Hala, o, mukhang guilty si Strawberry," ani Miles. "Joke lang, gaga. Ingay kasi," natatawa kong sabi. "Nandiyan na si ma'am!" sabi ulit ni Miles kaya mabilis nagsitahimik ang lahat. Habang hindi pa rin mawawala sa mukha ni Strawberry ang pagkapikon. Kung sino itong mapanlait at mapang-asar, e, sila pa itong pikunin. Natapos ang maghapong klase nang puno nang daldalan, asaran, pikunan, barahan at masasayang kwentuhan. Siyempre, dahil lang iyan sa dalawa kong kaibigan na pinagpala sa kaingayan. "Mommy!" Bungad ko kay Mommy, naabutan ko siyang nagluluto ng masarap na hapunan. Humalik ako sa pisngi niya kagaya nang nakasanayan ko. "Oh, my princess." "Anong ulam, mi?" Mommy 'yan, pinaiksi ko lang. "Ano pa ba, edi ang paborito mong pininyahan!" "Wow!" Halos mamilog ang bibig ko sa sobrang katakaman. Isa sa pinakapaborito kong gawin ay ang kumain, pero hindi naman ako tumataba. "Mi, sa school din pala namin nag-aaral si Allen," pagsisimula ko ng usapan nang kumakain na kami. "Talaga? Kamusta na ba ang batang 'yon? Matagal-tagal na rin pala magmula nang huling punta nila rito." "Ayon! Gwapo pa rin," masayang wika ko. Naging close rin kasi kami ni Allen kaya normal lang sa akin ang pagiging gwapo niya kaysa hangaan. At nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang tumunog ang door bell. "Wait, si daddy mo na yata 'yan." Ako na ang nagpresintang magbukas ng gate dahil abala rin si Mommy sa pagluluto. "Welcome home, da--" Natigilan ako sa sasabihin dahil hindi si Daddy ang bumungad sa akin kundi si.. Allen. "Hi," kaswal na aniya at pinaunlakan ko siyang tumuloy. "O, Allen, bakit naparito ka?" "Ah! Gusto ko lang iabot 'to," aniya saka iniabot sa akin ang aking attached case. Napakamot ako sa kadahilanang ilang ulit ko na iyong nakalimutan sa isang araw. Hindi na ako magtataka na malalaman niyang ako ang owner niyon dahil nilagyan ko iyon ng full name ko sa labas. "Salamat, ah! Teka, saan mo pala 'to nakita? Pasensya ka na kung naabala pa kita para ihatid 'to. Sana bukas mo na lang iniabot sa school." "Hindi, okay lang, gusto ko rin naman kamustahin si Ninang Jiezel, e." Napapangiti ako habang napapatango kaya naman sabay na kaming pumasok sa loob. Ni-welcome naman siya ni Mommy kung kaya't hindi ako nahirapang mag-adjust sa kanilang dalawa. Hindi naman na bago ang pagbisita rito ni Allen at ang ipinagbago lang ngayon ay hindi niya kasama si Tita Celeb. Masaya ang naging hapunan namin at hindi ko inaasahan na sa gabing iyon ay makakasabay namin sa pagkain si Allen. Madalas kasi ay nagpupunta lang sila rito kapag may okasyon o 'di kaya ay may kailangang pag-usapan sina Mama at Tita Celeb. "Salamat po sa dinner, ninang! Sobrang na-miss ko po ang luto mo," nakangiting wika pa ni Allen na nagpalapad ng ngiti ni Mommy. "Ikaw kasi, e, bibihira ka lang magpunta rito, hayaan mo next time, ipapatikim ko pa sa'yo ang ilan din sa specialty ko." "Ah, sure po. Pero matutupad lang naman po 'yon kung magkakasundo kami ng anak mo, e." Napasulyap siya sa akin at ewan ko ba kung bakit sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng munting kiliti sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD