Alas kwatro y media ng madaling araw nang maalimpungatan ako sa pagbangon dahil narinig ko ang malakas na hagikgik nina Mommy at Daddy mula sa kabilang kuwarto. Kaya nagmadali akong bumangon upang malaman kung anong dahilan nang pagtawa nila. Subalit, hindi ko inaasahan na maaabutan ko silang magkapatong sa isa't isa kahit na may suot-suot silang mga damit. Namilog ang mata ko sa nakita habang sila naman ay napabalikwas sa pagbangon nang makita ako. "Damzel, anak!" pagtawag sa akin ni Mommy at doon ay napaayos sila mula sa pagkakaupo. "Pasensya na po kung na-istorbo ko kayo, mi, pero-- p'wede bang pakihinaan ang tawa ninyo, kailangan ko lang po talaga ng kompletong tulog," sabi ko at sandali silang nagkatinginan. Ilang araw na rin kasing hindi naku-kompleto ang tulog ko nang dahil sa re

