KABANATA III

2053 Words
ANG PAGKUBKOB SA PUOD NG RAHA *** Sumapit nanaman ang gabi at lumipas ang magdamag na wala parin akong ginawa kundi ang umupo lang dito sa hinihigaan ko tss. "Dalawang araw palang ako dito pero bored na bored na 'ko, paano pa kaya kung magtagal pa 'ko dito ng mga ilang months? tss para naman akong prisoner nito kainis!" Natigil ako sa pag-iisip ng makita kong dumating si liway dala ang isang maliit na planggana na katulad ng dala niya nung isang gabi. "Mahal na Bai, lilinisan ko na po ang inyong mga paa" Sabi ni Liway habang nakayukod. Grabe napaka-galang talaga niya sa'kin nakakailang tuloy, although may mga maids naman kami sa bahay hindi naman sila ganito kagalang sa'kin. "Aking Bai? may bumabagabag ba sa inyong isipan?" Tanong ni Liway na siyang nagpatigil sa'kin sa pag-iisip. "Ah wala, pasensya kana, ay este ipag-paumanhin mo" Sagot ko. "Mahal na Bai hindi niyo kailangang humingi ng paumanhin sa akin ako lang po ay inyong-" "Kaibigan! ikaw ay aking kaibigan Liway" Pagputol ko agad sa mga sinasabi niya. Umiling lang ito sa akin kaya napangiti ako, lumapit naman siya sa'kin at lumuhod para linisan ang mga paa ko na siyang hindi ko nagugustuhan. "Liway ako na lamang ang gagawa nito" Sabi ko ngunit tumanggi ito. "Mahal na Bai, bayaan niyo po sana akong gawin ang aking tungkulin sa inyo" Sagot nito, kaya wala rin akong nagawa kundi ang tumango at hayaan siya sa pagpunas ng basang tela sa mga paa ko. Ilang sandaling katahimikan ang namalagi bago ko ito basagin ng magsimula akong magsalita. "Liway, may ipapakiusap sana ako sa'yo" Sabi ko. "Ano iyon? aking Bai?" Tanong naman niya. "Nais ko sanang makita ang aking ama" Sabi ko. "Ang inyong Baba? paumanhin aking Bai hunt kayo po ay hindi ma-aaring lumabas at isa pa ay hindi po kayo nais makita ng inyong baba" Sabi niya na may halong lungkot. "Pero Liway, kailangan ko siyang makausap kaya tulungan mo na 'ko, please?" Sabi ko. "A-Ano po ang salitang p-ple p-plea" "Please, ibig sabihin ay pakiusap" Sagot ko nalang. "Mahal na Bai, pumanhin ngunit hindi ko po maaaring gawin ang inyong nais, sa pagka't ako po ay mapaparusahan ng inyong amang Raha" Sagot ni Liway habang nakayuko at hawak ang dalawang kamay na para bang nanginginig ang mga iyon. "Fine, hindi kita pipilitin pero pupuntahan ko parin siya kaya ituro mo na lamang sa'kin kung nasaan ang aking ama" Sagot ko na ikinailing niya lang at kita ang pag-aalala sa mukha niya. "Paumanhin aking Bai ngunit hindi ko po kayo matutulungan" Sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako at hindi ko nalang ipinilit ang gusto ko dahil sigurado naman akong hindi niya talaga ako tutulungan dahil sa takot. Lalo lang tuloy akong nacucurious kung ano ang itsura ng ama ko sa panahong ito hmm. **** "Guuung!!!!, Guuung!!!!" Napatayo bigla si Liway nung makarinig kami ng isang malakas na tunog na parang galing sa isang hinataw na bakal or kampana or what basta malakas 'yun. "Liway bakit? Ano 'yun?" Tanong ko naman agad sa kanya. "M-Mahal na Bai ang ating puod ay sinasalakay" Natataranta at natatakot nitong sabi. "Ha!? anong sinasalakay?" Tanong ko dahil nag-aalala na ako sa kinikilos ni Liway. Ilang sandali lang ay dumating ang isang magandang babae kasama ang ilan sa kanyang mga alalay at siya ang tinatawag nilang Hara na aking ina. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Aking anak! huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi nagagapi ng iyong baba ang mga nangahas na kumubkob sa ating puod!" Sabi nito sa nag-aalang boses ngunit malumanay parin, kahit yata magalit ito eh masarap parin pakinggan ang boses,hays sana all. "Liway pangalagaan mo ang iyong Bai" Sabi nito kay Liway at tumango naman ito. Niyakap ako ng Hara na aking ina pagkatapos ay agad na siyang umalis kasama ang mga alalay niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, lumalakas ang pagtibok ng puso ko at para bang gusto kong lumabas sa kwartong ito. "Mahal na Bai, kung binabalak niyong lumabas ay huwag niyo nang ituloy" Sabi ni Liway na para bang nababasa niya ang nasa isip ko. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga taong nagsisigawan, lalo akong kinabahan dahil malapit lang iyon sa amin. Hanggang sa marinig ko pa ang isang sigaw na nagpa-alarma sa akin. "Mahal na Haraaaa!" Hindi na ako nagpapigil kay Liway at agad na akong lumabas ng kwarto na nahaharangan lamang ng mga kurtina. Paglabas ko ay nakita ko ang mga alalay ng Hara na nakahandusay sa sahig at duguan ang mga leeg. Samantalang ang Hara na aking ina ay nakahandusay na rin at duguan ang bahagi ng kanyang tiyan. Hindi ko alam pero para bang kusang gumalaw ang aking katawan upang lapitan siya at yakapin, bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking puso na para bang sinaksak ito. Nakaramdam din ako ng lungkot at galit. Siguro nga ay ako si Shai sa kasalukuyang panahon pero ang katawan at buhay na ito ay kay Haleya parin kaya ganito nalang ang nararamdaman ko. Unti-unting nag-init ang aking mga mata na para bang may sarili itong buhay at nagawa nitong makaluha. "M-Mahal na H-Hara? p-patay na ang Hara? ngu-ngunit pa-paano" Rinig kong sabi ni Liway habang nauutal-utal pa sa mga sinasabi niya. "L-Liway samahan mo ako sa labas" Sabi ko ngunit tumanggi ito. "Mahal na Bai hindi po ma-aari" Sagot nito. "Nais mo bang mamatay rin tayo dito gaya ng aking ina!?" Sagot ko sa kanya pero yumuko lang ito sa akin. Tumayo na ako at mabilis na tumakbo palabas kahit na rinig ko pa ang pagtutol ni Liway ay hindi ako huminto, hanggang sa makarating ako sa isang maluwag na espasyo na may maliit na entablado at malaking upuan sa gitna. Napapalibutan ito ng sulo sa bawat haligi at natatabingan din ang paligid ng malukulay na kurtina. "Mahal na Bai! Sandali lamang!" Sabi ni Liway nung maabutan niya ako. "Ano ito?" Tanong ko. "Ito po ang bulwagan ng mahal na Raha, dito siya namamalagi at dito rin siya tumatanggap ng mga panauhin" Sagot nito sa akin kaya tumango lang ako. "Nasaan ang daan palabas ng bahay na 'to?" Tanong ko pero umiling lang ito. "Liway! parang awa mo na! ituro mo sa'kin!" Sigaw ko sa kanya na siyang nagpatulala sa kanya. "M-Mahal na Bai" "Paumanhin, h-hindi ko sinasadyang masigawan ka" Sabi ko. "Bakit ganito? hindi naman talaga mainit ang ulo ko pero iba 'yung pakiramdam ko, para akong galit na hindi, na ewan? tss nakakaramdam ako ng galit at sakit nakakaramdam ako ng lungkot at pangamba, ito nga ba talaga ang nararamdaman ni Haleya?" Iniwan ko ulit si Liway at tumakbo para hanapin ang daan palabas, napakaraming pasikot-sikot, seriously ganito ba talaga to kalawak tss. Halos madapa-dapa ako sa pagtakbo dahil sa malamya ang katawan na ito at mabagal. Masakit na rin ang talampakan ko na para bang may sugat na ito. "Grabe sandali pa lang ako kumilos at tumakbo masakit na agad katawan ko hays mukhang kelangan ng training ng katawan na 'to ah" Lalong lumalakas ang sigawan habang tinatahak ko ang daan na pinili ko, kaya lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Hanggang sa hindi nagtagal ay nakita ko na ang b****a dahil kita ko na ang madilim na paligid sa labas. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa b****a ay may mga naririnig na akong mga boses, "Mga taksil!!" Sigaw ng isang boses, nakaka-pangilabot ito at napakabagsik "Bai bawal po kayong lumabas! Mahal na Bai!" Rinig kong sabi ni Liway nung maabutan niya ako pero nagmadali na akong magpunta sa b****a hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan at bumungad sa akin ang isang sitwasyon. Nagkalat ang mga nakahandusay na katawan sa lupa at duguan silang lahat. Isang lalaki naman ang nakaluhod sa harap ng apat na lalaki, at ang lalaking nakaluhod ay pinaliligiran ng mga parang kawal at nakatutok dito ang kanilang mga espada. Ang mga kawal ay pare-parehas na nakasuot ng orange na bahag at may tali ang mga noo na kulay orange din, mahaba ang kanilang mga buhok na abot hanggang balikat. Napansin ko rin ang tattoo ng mga ito sa kanilang mga balikat at dibdib. Samantalang ang apat na lalaki ay medyo may katandaan na at mahaba rin ang kanilang mga buhok. Tadtad ng tattoo ang buo nilang katawan at nakasuot ang mga ito ng pulang bahag at pulang damit pang itaas na walang manggas, may tali rin sila sa noo na kulay pula rin. Samantalang ang nakaluhod na lalaki ay kulay pula at ginto naman ang suot nitong bahag at damit pang itaas na wala ring manggas. Nakatali sa kanyang noo ang pulang tela na may burdang ginto, medyo may katandaan na rin ito at mahaba rin ang buhok. Tadtad rin siya ng tattoo sa buo niyang katawan at maging ang kaliwang pisingi niya ay may tattoo rin. "A-Ang R-Raha!" Sabi ni Liway na nasa tabi ko na pala. "Raha?, ibig sabihin siya ang aking ama? 'yung nakaluhod!?" Paniniguro ko kay Liway na siyang tinanguan niya bakas rin sa mukha niya ang matinding takot at pag-aalala. "Panahon na upang ikaw ay palitan Raha! katapusan mo na!!" Sigaw ng isa sa apat na lalaking niluluhuran ng Raha. Inilabas nito ang kanyang espada upang patayin ang Raha, kaya naman agad akong na-alarma at nakaramdam ng kaba maging ng lakas ng loob para pigilan siya. "Waaaag!!!" Sigaw ko, at sa pagsigaw ko ay nagbalik sa akin ang isang ala-ala ng panaginip, 'yung panaginip ko, ito nga 'yun! Napatingin silang lahat sa akin maging ang Raha na aking ama, kitang-kita ang gulat sa mukha niya pero bakas parin doon kung gaano siya katapang at kabagsik. Kitang-kita ko ang pagkamangha nilang lahat nung makita ako ngunit pagkatapos ng sandaling katahimikan ay, "A-At sino ang magandang babae na ito?" Sigaw ng isa sa apat na kaaway ng Raha. "Marahil ay siya ang anak na binukot ni Raha Talim" Sagot naman ng isa pa. "Binukot? hmm kung gayon ay pagmasdan mo kung paano mamaalam ang iyong Baba!" Pagkasabi niya nun ay itinarak niya ang mahaba niyang espada sa dibdib ng Raha na tumagos hanggang sa likod nito. Umagos ang sariwang dugo mula rito, at bigla akong nasaktan at nakaramdam ng galit sa mga nasaksihan ko. Nag-init narin ang aking mga mata hanggang sa mapaluha. Nakatitig sa akin ang Raha na siyang nagpatindi ng aking paghihinagpis. Dito ko napatunayan na mahal na mahal ni Haleya ang kanyang ama kahit na ni minsan ay hindi siya nito minahal. Ito ang dahilan kung bakit ako umiiyak at nakakaramdam ng sakit ngayon, dahil ako parin si Haleya ang anak ng Raha. Unti-unting bumagsak sa lupa ang walang buhay na katawan ng raha at siya ring naging hudyat ng pagsigaw ng mga kawal at pagtaas ng kanilang mga espada na para bang nagbubunyi sa pagkamatay ng Raha. Nanghina ako dahil sa nangyari, nakakalungkot isipin na sa ganitong paraan pala namatay ang aking mga magulang dito sa nakaraang buhay. "Paslangin ang mga bihag na mandirigma ng Raha! at itira ang mga uripon at timawa!" Sigaw ng lalaking pumatay sa Raha. Sa hudyat niya ay sabay-sabay pinatay ang mga kawal ng raha kasabay ng kanilang pagmamakaawa at paghiyaw dahil sa sakit. "Mahal na Bai! tayo na't tumakas" Ang sabi ni Liway na pilit akong kinakaladkad papasok sa loob ng bahay. "Bilisan niyo po aking Bai at baka tayo'y kanilang abutan, m-may alam po akong daan sa likod ng balay" Sabi ni Liway. Wala naman akong nagawa kundi ang magpahila at sumama nalang sa kanya. Pagdating namin sa likod ng bahay ay agad na bumaba si Liway at sinabing, "Mahal na Bai, pumasan kayo sa likod ko" "Ha! bakit?" tanong ko. "Hindi po kayo maaaring tumapak sa lupa kung kaya't kailangan niyong pumasan sa akin" Sagot nito. "K-Kaya mo ba 'ko?" Sabi ko. "Dalian niyo na po at pumasan na kayo baka tayo'y kanilang abutan" Pagpupumilit ni Liway kaya naman ginawa ko nalang ang gusto niya. Pumasan ako sa likod niya at halatang nahirapan siya pero pinilit parin niyang maglakad palayo sa bahay na pinang-galingan namin at pumasok sa loob ng kakahuyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD