ANG PAGTAKAS NI HALEYA
***
Kasalukuyan naming tinatahak ang kakahuyan habang pasan pasan ako ni Liway, alam kong nahihirapan na siya kung kaya't gusto ko na sanang bumaba at maglakad nalang kaso ayaw niya talaga.
Mabuti nalang at maliwanag ang buwan kaya kahit paano ay maliwanag ang dinaraanan namin. Pagkalagpas namin sa kakahuyan ay bumungad sa amin ang malawak na dagat.
"Mahal na Bai, sasakay po tayo sa barotong iyon" Turo ni Liway sa isang bangka na nakadaong sa buhanginan.
"Ha? Pero saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.
"Kahit saan mahal na Bai, ang mahalaga ay mailigtas ko kayo" Sagot nito.
Tulad nga ng sinabi niya ay nilapitan namin ang bangka at sumakay kami roon, may dalawa itong sagwan kaya nagpresenta ako na tutulungan ko nalang siyang magsagwan, tatanggi pa sana siya pero nagpumilit ako dahil alam kong mahihirapan siya.
Nagsimula na kaming magsagwan at tinahak ang karagatan, kitang-kita ang bilog at maliwanag na buwan na para bang binabantayan kami nito.
"Marahil ay ginagabayan tayo ng mahal na diwatang si Libulan, kung kaya't sadyang napakaliwanag ng buwan" Sabi ni Liway na nakatingala narin pala sa buwan pero..
"Sino naman si Libulan?" Tanong ko sa kanya.
"Si Libulan ay ang diwata ng buwan, mahal na Bai" Sagot niya.
"Diwata? wow, sa panahong ito buhay na buhay ang kulturang ito, pero sa kasalukuyan at modernong panahon, ang mga ito ay limot na ng mga kabataan at bagong henerasyon"
Naisip ko dahilan para makaramdam ako ng lungkot dahil isa na rin ako sa mga kabataang iyon na nakalimot na sa kulturang ganito dahil sa impluwensya narin ng ibang lahi.
"Mahal na Bai kung kayo po ay pagod na ako na lamang po ang magsasagwan" Sabi ni Liway na nagpabalik sa'kin sa realidad.
"Liway, hindi, hayaan mo nalang ako okay lang ako" Sagot ko.
"O-Okay? a-ano ang salitang inyong sinambit? mahal na Bai?" Tanong niya na ikinangiti ko.
"Okay, ang ibig sabihin nun ay ayos lang" Sagot ko na lang na tinanguan niya naman.
"Liway maaari ba akong makiusap sa'yo?"
"Ano iyon mahal na Bai?" Tanong niya, at nakatingin narin siya sa'kin ngayon.
"Maaari bang wag mo na lamang akong tawaging mahal na Bai? Shai, ah ibig kong sabihin Haleya, iyon nalang ang itawag mo sa akin" Sabi ko habang nakangiti.
"Ngunit mahal na Bai, hindi ko maaa-"
"Liway, wala na tayo sa aming bahay, o sa puod? kaya ayos lang sakin kung hindi mo na ako tatawagin ng ganyan tsaka, hindi parin kasi ako sanay" Sabi ko pero umiling lang ito sa akin, grabe hirap namang iconvince nito.
"Sige, kung ayaw mo akong tawaging Haleya, ahm Bai Haleya na lamang, ayos lang ba iyon sayo?" Tanong ko.
"S-Sige po Bai Haleya" Sagot naman niya na ikinangiti ko.
Pagkatapos nun ay pinagtuunan na lamang namin ng pansin ang pagsasagwan sa tubig. Ilang minuto lang ay naisipan ko ulit magtanong kay Liway.
"Liway, kilala mo ba yung mga lalaking pumatay sa aking ama?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya sa'kin.
"Sila ang mga Datu na kapanalig ng inyong amang Raha, ang apat na Datu ay nagtaksil sa inyong Baba kung kaya't pinaslang nila ito, nakatitiyak ako roon sa pagka't minsan ng naging panauhin ng inyong amang Raha ang apat na Datu" Sagot ni Liway na ikinakunot ng noo ko.
"Sino naman ang mga Datung yun?" Tanong ko.
"Ang mga Datung iyon ay mga pinuno ng kani-kanilang banwa at sila ay nakipag-isang dugo sa Raha upang sila ay maging kapanalig at mapangalagaan ng kanyang pamumuno" Paliwanag ni Liway.
"Alam mo ba ang mga pangalan nila?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Noong minsang dinaluhan ko sila ng kanilang maiinom na pangasi (alak) ay narinig ko ang ngalan ng isa sa mga Datung iyon, at ang Datung iyon rin ang pumaslang sa inyong Baba, ito ay si Datu Kalis" Sagot niya sakin, at sa hindi ko malamang dahilan ay naiinis ako at nakakaramdam ng kirot sa aking puso.
Siguro ay dahil ito ang nararapat na maramdaman ng isang anak kapag nalaman niya kung sino ang pumaslang sa kanyang mga magulang, ito ang dapat na maramdaman ko bilang si Haleya.
"Kung ganun ay saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong ko na lamang
"Hindi ko po batid Bai Haleya, ngunit sana ay gabayan tayo ni mahal na Laon upang makarating tayo ng ligtas sa ating paroroonan" Sabi ni Liway.
"Laon? Ito ba ang term nila for God?"
Napatingin ako sa buwan at sa mga bituin, at ang gaganda nila, ang sarap nilang titigan.
Every night sumisilip ako sa bintana ng kwarto ko para lang makita ang mga stars at ang moon, pakiramdam ko kasi kapag ginagawa ko yun ay narerefresh ang utak ko at gumagaan ang pakiramdam ko. Napangiti nalang ako at nagpatuloy sa pagsagwan at ganun din ang ginawa ni Liway.
Makalipas ang ilang oras ay napagod din kami sa pagsagwan at sabay na nagpahinga muna sa bangka, yakap-yakap ko ang mga tuhod ko habang nakatungo at nakapatong naman ang noo ko dito.
Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa magdilim na ng tuluyan ang paligid ko.
***
"Bai Haleya, gumising kayo, Bai Haleya" Rinig kong boses ni Liway kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, bumungad sakin ang maliwanag na paligid at ang simoy ng sariwang hangin sa dalampasigan.
"Nasaan na tayo?" Tanong ko kay Liway.
"Hindi ko po batid Bai Haleya, ngunit dito lamang po kayo at ihahanap ko po kayo ng inyong makakain" Sabi ni Liway habang umaalis sa bangka, tumango naman ako sa kanya at ng aalis na sana siya ay nagsalita ulit siya.
"Bai Haleya, kung maaari lamang po sana ay panatilihin niyong nakatakip ang inyong belo sa inyong mukha upang sa gayon ay walang ibang tao ang makakita ng inyong mukha" Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Ha? bakit naman?"
"Nalimutan niyo na ba, kayo parin po ay isang binukot kung kaya't ang inyong mukha ay hindi maaaring makita ng sinuman" Sagot niya.
"Pero marami ng nakakita ng mukha ko kagabi nung makita ako ng mga datu at mga kasama niya, kaya bakit ko pa tatakpan ang mukha ko." Sabi ko na ikinailing niya.
"Huwag na po sana kayong mapilit aking Bai, gawin niyo na lamang po ang aking sinasabi" Sagot niya sa'kin.
Hays mahirap talagang makipagtalo dito kay Liway. Sinunod ko nalang ang gusto niya at isinaklob ko sa aking ulo ang kulay pulang belo at tinakpan ng kapirasong tela ang mukha ko at tanging mga mata ko lang ang makikita.
"Para naman akong muslim dito sa itsura ko hmm."
****
"Sino kayo!"
Nagulat ako sa biglaang pagdating ng apat na lalaking nakasuot ng brown na bahag at tadtad ng tattoo sa braso at dibdib.
Nakatutok sa amin ang kanilang mga espada at ang mahabang sibat na parang yung ginagamit sa pangangaso.
"Sino kayo! at anong ginagawa niyo rito!" Sigaw ng isa sa kanila. Agad naman na lumapit sa akin si Liway at hinarangan ako.
"P-Paumanhin mga mandirigma, kami ay nanggaling sa puod ni Raha Talim at kasama ko ngayon ang kanyang nag-iisang anak na binukot, si Bai Haleya" Sagot ni Liway. Dahilan para magtinginan ang apat na lalaking tinawag na mandirigma ni Liway.
"Kung gayon ay sumama kayo sa amin at dadalhin namin kayo sa aming mahal na Datu" Sagot ng isang mandirigma.
Tumango naman si Liway at lumapit naman sa akin ang isang mandirigma tsaka niya ako pinasan.
"Hmm okay na sana to eh, may itsura naman kaso iba ang amoy at, long hair pa, hindi ba uso dito ang magpagupit tss"
Nagsimula na kaming maglakad para puntahan ang Datu na sinasabi nila, tinahak namin ang daan sa kakahuyan at ng makalagpas kami sa kakahuyan ay bumungad na sa amin ang isang maliit na community.
Ang mga bahay ay gawa sa kawayan at ang mga tao ay masiglang nagtatanim ng gulay at ang iba naman ay gumagawa ng mga gamit na gawa sa kawayan.
Ang mga lalaki ay nakabahag at hubad samantalang ang mga babae ay nakasaya at nakasuot ng blouse pero ang ilan sa mga babae ay walang damit pang itaas gaya ni Liway.
Nang makalapit na kami ay nagtinginan sa amin ang lahat lalong lalo na sa akin. Dumaan lang kami sa harap nila at tinahak ang daan papasok sa isang pasilyo pero bago kami makalagpas ng tuluyan sa kanila ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga usapan ng mga babae sa bandang kanan.
"Isa ba siyang binukot?"
"Marahil nga, ngunit sino siya"
Tuluyan na kaming nakalayo sa kanila kaya't hindi ko na narinig pa ang mga sunod nilang sinabi. Ilang saglit lang ay tumigil kami sa harap ng isang bahay na gawa sa kawayan may hagdan din ito na gawa rin sa kawayan.
Ngunit mas malaki ito kumpara sa iba pang bahay na nadaanan namin kanina. Pumasok naman sa loob ang isang mandirigma na kasama namin at ilang segundo lang ay lumabas siya kasama ang isang lalaki na may katandaan na.
Namumuti na ang ilan sa hibla ng mabaha niyang buhok at nakatali sa noo niya ang kapiraso ng pulang tela. Nakasuot siya ng pulang bahag at pulang damit na walang manggas. Tadtad din siya ng mga tattoo sa buo niyang katawan, mga tattoo na hindi pangkaraniwan ang disenyo.
"Siya ang aming Datu, si Datu Saram" Ang sabi ng mandirigmang pumapasan sa akin.
Napatingin naman ako kay Liway at napansin ko ang gulat sa mukha niya, napakunot naman ang noo ko dahil dun.
"Hmm bakit kaya? kilala ba ni Liway itong Datu nila?"
"Patuluyin sila" Ang sabi naman ng Datu.
Umakyat kami at tumuloy sa bahay ng Datu, pinapasok nila kami sa loob at doon lang ako ibinaba ng mandirigmang pumasan sa akin.
Tinabihan ako ni Liway at sabay kaming umupo sa sahig, ganun din ang Datu na katapat lang namin. Habang isang maliit na mesang gawa sa kawayan naman ang nasa gitna namin.
"Bigyan niyo sila ng makakain" Ang sabi ng Datu sa dalawang babaeng nakatayo sa likod nito.
"Masusunod mahal na Datu" Sabay nilang sabi pagkatapos ay mabilis ng umalis.
"Ngayon, sabihin niyo sa akin kung bakit kayo narito?" Sabi ng Datu sa seryosong tono.
Nagtinginan naman kami ni Liway bago siya sumagot.
"Mahal na Datu, kami po ay tumakas lamang sa aming puod sa pagka't ito ay kinubkob na ng ibang Datu na kapanalig ni Raha Talim" Sagot ni Liway.
"Kinubkob? sinong Datu ang iyong tinutukoy uripon?" Tanong ng Datu.
"Pinangunahan ito ni Datu Kalis at ang ng kanyang tatlong kasapakat na Datu,pinaslang nila ang aming Raha maging ang aming Hara na si Hara Ligayu" Sabi ni Liway.
"Ang taksil na si Kalis, kung gayon ay tama nga ang aking sapantaha na mali ang pakikipag-isang dugong ginawa ni Raha talim kay Datu Kalis" Sabi ng Datu, at dahil curious din ako ay nagtanong ako.
"Paumanhin, ngunit ano naman ang kaugnayan mo sa ang aking amang Raha? ikaw ba ay kanyang kapanalig?" Tanong ko.
"Ako ang kanyang nakatatandang kapatid"
Sagot niya sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. Gosh may kapatid pala ang aking ama?
"Siyang tunay mahal na Bai, paumanhin kong ito ay hindi ko na nabanggit sa inyo, at hindi ko rin tunay na batid na ang banwang ito ay ang banwa pala ng kapatid ng inyong amang Raha"
Paliwanag ni Liway.
"Mukhang hindi mo batid ang tungkol sa akin, aking pamangkin?" Sabi ng Datu na aking ikinalunok.
"P-Paumanhin mahal na Datu, ngunit ang mahal na Raha ay hindi kailanman kinausap o ninais makita si Bai Haleya, kung kaya't wala siyang nalalaman tungkol sa inyo" Sabi ni Liway habang nakayuko.
"What!? never akong kinausap ng ama ko at never niya ko nakita hanggang sa paglaki ko? Oh come on ganun ba siya kagalit sa akin? hays nakakaawa naman pala ako dito sa nakaraang buhay ko"
"Kaawa-awang binukot, kung gayon ay ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng aking kapatid" Sabi ni Datu Saram na uncle ko pala, tss what a small world.
Tumango lang ako sa kanya at pagkatapos ay dumating na ang mga inutusan niyang babae para bigyan kami ng pagkain. Inihain nila sa maliit na mesa ang mga nilagang kamote at bunga ng saging.
"Kumain na kayo, tiyak na nahapo kayo sa inyong paglalakbay" Sabi niya.
Hinintay muna akong maunang kumain ni Liway bago siya sumunod kumuha ng nilagang kamote.
"Grabe gutom na gutom ako tapos kamote lang makakain ko? wala ba silang rice dito, or kahit manok lang hays di ata kayang ibsan ng kamote lang ang gutom ko huhu"
"Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang kayo ay patirahin dito sa aking balay sa kadahilanang ikaw parin ay aking pamangkin" Sabi ni Datu saram na siyang nagpatigil sakin sa pagkagat sa kamote. Tinignan ako ni Liway at kitang kita ko ang saya sa mga mata niya, tumingin ako sa Datu at nakangiti naman ito sa akin.
"Ah, Eh, S-Sige po" Tanging sagot ko.
"Kung gayon ay tapusin niyo na ang inyong pagkain upang maipahatid ko na kayo sa iyong magiging bagong bukot kasama ang aking anak na tulad mo ay isang binukot rin" Sabi ng Datu na ikinakunot ng noo ko.
"Bukot? ang ibig bang sabihin nito ay makukulong ulit ako sa isang bukot?" Tanong ko.
"Bakit? hindi mo ba nais? hindi ba't iyon ang nararapat para sa isang binukot na katulad mo?" Balik na tanong ng Datu.
"Ngunit, ayoko na pong makulong ulit sa isang bukot, nais kong lumaya!" Sabi ko dahilan para pandilatan ako ng mata ni Liway.
"Bai Haleya, ano bang pinagsasabi mo!" Sabi ni Liway na halatang tutol sa gusto ko.
"Kung iyan ang iyong nais ay siyang matutupad" Ang sabi ng Datu na ikinangiti ko.
"T-Talaga po!?" Paniniguro ko.
"Siyang tunay aking pamangkin, ngunit kinakailangan mong makipag-isang dibdib sa isang ginoo o timawa upang tuluyang makalaya ka sa iyong bukot" Sabi nito na ikinabagsak ng dalawa kong balikat tss nanaman!.
"Ngunit hindi ko po nais ang makipag-isang dibdib" Sagot ko.
"Kung gayon ay hindi mangyayari ang iyong nais na maging malaya kung hindi mo nais ang makipag-isang dibdib" Sagot naman ng Datu sa akin na ikinalungkot ko.
"Anong gagawin ko? wala na talaga akong choice para makalaya kundi ang magpakasal nakakainis naman eh! hmm bahala na nga"
"Sige po, pumapayag na ako" Sagot ko.
"Kung gayon ay maghihintay na lamang tayo ng isang ginoo o timawa na magtutudla ng kanilang bankaw (spear) dito sa ating balay upang iyong maging bana" Ang sagot ng Datu na tinanguan ko lang, samantalang si Liway ay halatang pilit lamang ang ngiti.
****
Pagkatapos naming kumain ay pinasamahan na kami ng Datu sa kanyang mga alipin upang dalhin sa bukot kung nasaan daw ang kanyang anak na binukot.
Nang makarating kami roon ay isang kwarto ang bumungad sa amin, natatabingan lamang ito ng makukulay na kurtina na nagsisibling pintuan nito. Nang makapasok naman kami sa loob ay dalawang kwarto naman ang bumungad sa amin.
Hindi ito kalakihan gaya ng kwarto ko dun sa bahay ng Raha pero parang comfortable naman.
Ang dalawang kwarto ay napapagitnaan lamang ng mga kurtina at kurtina rin ang nagsisilbi nitong pintuan.
"Maaari niyo na kaming iwan rito, daghang salamat" Ang sabi ni Liway sa mga naghatid sa amin at tumango naman ang mga ito atsaka umalis na.
Pagkaalis nila ay inalis ko na ang suot kong belo at ang telang tumatakip sa aking mukha.
"Mahal na Bai, masaya po ako para sa inyo ngunit nakatitiyak na po ba kayo sa inyong pasya?" Tanong ni Liway sakin, ngumiti lang ako sa kanya at tumango.
"Oo Liway, kailangan kong makalaya upang makahanap ng sagot kung paano ako makakabalik sa aming panahon" Sagot ko na tinanguan na lamang niya.
****
"Sino kayo! at anong ginagawa niyo rito!?"
Rinig kong boses ng isang babae sa likuran kaya agad kaming napalingon ni Liway.