ANG MAPAGMATAAS NA BINUKOT
***
Isang babaeng maputi ngunit hindi naman masyadong kagandahan ang babaeng nakita namin ni Liway, nakapamewang pa ito sa amin habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Taray naman nito, hindi naman niya kinaganda tss"
"Hindi ba kayo nakakapagsalita!? sino kayo!" Sabi nito sa amin, kaya nagtinginan muna kami ni Liway bago ito sumagot.
"Kami po ay nanggaling sa puod ni Raha Talim at siya po ang aking Bai ang nag-iisang anak ng Raha" Sagot ni Liway dahilan para tumingin sa akin ang babae mula ulo hanggang paa at humalukipkip ito.
"hmm mukhang hindi kami magkakasundo nito ah"
"At bakit kayo narito sa aking bukot!?" Tanong nito sa pagtataray na tono habang nakataas parin ang isang kilay niya.
"Kami po ay inyong panauhin at pinahintulutan kami ng inyong amang Datu na mamalagi dito sa inyong banwa, at ang aking Bai ay inyo na ngayong makakasama dito sa inyong bukot" Sagot ni Liway dahilan para kumunot ang noo ng babae sa harap namin.
"Hindi maaari! kakausapin ko ang aking baba upang kayo ay paalisin dito! at bakit ba ikaw ang laging sumasagot sa aking mga katanungan, bakit hindi mo bayaan ang iyong bai na magsalita? siya ba ay walang dila!?" Sabi ng babae habang nakatingin sa akin ng masama.
"Ano bang problema ng babaeng to at ang sungit sungit tss"
"Paumanhin po, ngunit-"
"Magtigil ka Liway" Sabi ko nung putulin ko ang sasabihin ni Liway.
"Paumanhin sa aking inasal, ngunit maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko na parang permanent ng nakataas ang isa niyang kilay tss.
"Ako si Iraya! at huwag ka ng magpakilala sa pagka't hindi kita ibig maging kaibigan at makasama sa bukot na ito!" Sabi niya sabay walk out, aba may attitude! for your info. hindi rin kita gustong makasama nuh tss.
"Marahil ay siya ang anak na binukot ni Datu Saram" Sabi ni Liway
"Hayaan na natin siya Liway" Sabi ko na tinanguan naman niya.
Pumasok na kami sa loob ng maliit na kwarto na natatabingan lamang ng kurtina at tsaka ako humilata sa kama na gawa sa kawayan.
Habang si Liway ay nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa akin.
"Liway, hindi kaba magpapahinga?" Tanong ko sa kanya na ikinailing niya.
"Babantayan ko na lamang po kayo mahal na Bai" sabi nito na ikinatawa ko ng mahina.
"Ano kaba! okay lang ako, sige na magpahinga kana alam kong napagod ka" Sabi ko.
Ayaw niya pa sanang pumayag pero pinilit ko siya ng pinilit hanggang sa mapapayag ko siya.
Mas pinili niyang mahiga sa sahig kaya naman binigyan ko nalang siya ng tela para gawing sapin sa paghiga niya.
Habang nakahiga ako ay napatingala ako sa bubong ng bahay na gawa sa kawayan at napaisip kung ano na nga ba ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. Hindi ko naman na kasi gusto pa ang manatili sa panahong ito dahil baka hinahanap na ako nila mommy at Daddy hmm.
"Kumusta na kaya sila? baka kung saan saan na nila ako hinahanap? baka napaparanoid na ngayon si mommy at si daddy naman baka nagpapanick na hmm, namimiss ko na sila gusto ko ng umuwi samin"
Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na lumalandas na pala sa pisngi ko ang mga luha ko, pinahid ko ang mga ito at unti-unti akong pumikit hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
***
"Ano iyan!? hanggang ngayon ba ay hindi mo parin batid ang mga pagkaing hindi ko maaaring kainin!? walang silbi!"
Naalimpungatan ako dahil sa ingay, bumangon ako at kinusot kusot ko pa ang mga mata ko.
"Umalis kana sa harap ko! ngayon din!" Rinig ko nanamang sigaw ng isang familiar na boses.
Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto at doon ko nadatnan si Iraya na nakaupo sa harap ng isang mesa na gawa sa kawayan at nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan ang mga pagkain na nasa harap nito. Nabaling ang tingin niya sakin at ako naman ang sunod nitong tinarayan.
"Ikaw! anong ginagawa mo riyan! umalis ka! at ayokong pinagmamasdan ako habang kumakain" Singhal nito sa akin na nagtiim ng bagang ko.
"Sumosobra ka ng babae ka ah, akala mo kung sino ka eh parehas lang naman tayong binukot tss"
"Paumanhin sa aking sasabihin, ngunit, ako ay hindi mo isang uripon kung kaya't ako ay hindi mo maaaring utusan ng ganyan" Sabi ko ng may diin sa lahat ng mga salitang binitawan ko.
Tinaasan niya nanaman ako ng isang kilay at tumayo ito, nakapamewang itong lumapit sa akin at,
"Bakit? sino kaba! hindi ba't isa ka lamang dayo rito! at wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan!" Sabi nito, dahilan para taasan ko rin siya ng kilay.
"Iraya, tigilan mo si Haleya" napatingin ako sa bagong dating at ito ay si Datu Saram.
"Ama! hindi ko ibig na makasama siya rito! nais ko na paalisin mo sila!" Ang sabi ni Iraya sa kanyang amang Datu.
"Hindi ko maaaring gawin ang iyong nais aking anak, sa pagka't si Haleya ay aking pamangkin, at wala na siyang ibang mapupuntahan kung kaya't siya ay mananatili na sa ating banwa" Ang paliwanag ng Datu.
"Ngunit baba!" pagpoprotesta pa sana ni Iraya pero
"Anak, nakapagpasya na ako, mananatili dito sa ating banwa si Haleya" ang sagot ni Datu Saram. Habang si Iraya ay tumingin sakin ng napakasama bago ito mag walk out
tss walk out queen lang ang peg.
"Haleya, paumanhin sa inasal ng aking anak" Ang sabi ni Datu Saram.
"Mahal na Datu, wala po kayong dapat ihingi ng paumanhin sa akin, ako dapat ang humihingi ng paumanhin sa pagka't naging dahilan ako ng pagtatalo niyo ng inyong anak" Sabi ko habang nakayuko sa Datu.
"Huwag mo ng alalahanin iyon" Ang sabi ng Datu, tinignan ko naman siya at nakangiti siya sakin, pagkatapos ay tinapik niya ako sa aking balikat bago siya tuluyang umalis.
"Bai Haleya, dinalhan ko po kayo ng hapunan" ang sabi naman ng bagong dating na si Liway.
Pumunta kami sa kwarto ko at doon ko inumpusahang kainin ang mga pagkain na dala ni Liway, inihaw na isda ito at kanin, may kasama ring hinog na papaya. Inalok ko si Liway ngunit tumanggi siya.
"Sa wakas nakakain din ako ng kanin, akala ko puro kamote lang makakain ko dito eh"
****
Matapos ang halos kalahating oras ay natapos din ako sa pagkain, iniligpit naman ni Liway ang mga pinagkainan ko tsaka siya lumabas ng kwarto at iniwan akong mag-isa.
Hihiga na sana ako sa higaan ko nung pumasok sa kwarto si Iraya. Nilapitan niya ako at sa hindi ko inasahang pangyayari ay sinampal niya ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya habang haplos haplos ko ang kanang pisngi ko na ginawaran niya ng malakas na sampal, b***h!
"Sino kaba sa akala mo! upang maging dahilan ng pagtatalo namin ng aking baba!" Singhal niya sa akin.
Idadapo ulit sana niya ang mga palad niya sa pisngi ko nung harangin ko ito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya hanggang sa maramdaman niyang namimilipit na ito sa sakit.
"B-Bitawan mo ako! n-nasasaktan ako!" Halinghing niya na siyang nagpangisi sa akin.
"Tss you deserve it, b***h!" Sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"A-Ano ang iyong sinasambit! hindi ko maunawaan!" Singhal nito sa akin, hindi nagtagal ay binitawan ko narin ang kamay niya at ito'y namumula na.
"Huwag na huwag mo ng uulitin ang iyong ginawa, dahil kung hindi ay higit pa riyan ang gagawin ko sa iyo!" Singhal ko sa kanya, sandali siyang natigilan ngunit agad din siyang nakabawi.
"Isusuplong kita sa aking baba!" Singhal nito sa akin, tsaka mabilis na umalis palabas ng kwarto.
"Tss eh di magsumbong ka, akala mo uurungan kita? tss" Sabi ko habang nakahalukipkip pa.
Umupo ako sa kama ko na gawa sa kawayan at sakto namang pagdating ni Liway dala ang isang maliit na planggana na may tubig at maliit na tela.
"Lilinisan ko na po ang inyong mga paa Bai" sabi nito. Tumango lang ako at hinayaan siyang gawin ang gusto niya.
"Liway, may punong babaylan din kaya sila dito?" Tanong ko kay Liway nung basagin ko ang katahimikan.
"Hindi ko po batid aking Bai, ngunit aalamin ko po ito para sa inyo" Sabi ni Liway na tinanguan ko lang.
Ilang minuto pa ang dumaan bago matapos si Liway sa paglilinis ng mga paa ko, pagtayo niya ay sakto namang pagdating ni Iraya habang umiiyak, kasama ang kanyang amang Datu.
"Baba! paalisin niyo na siya rito, sinasaktan niya po ako!" Ang sabi ni Iraya habang umiiyak-iyak pa.
"Tss sumbongerang b***h"
"Tunay ba ang mga tinuran ng aking anak, Haleya? ikaw nga ba ang nanakit sa kanya?" Tanong ng Datu sa akin.
Napatingin ako kay Iraya na unti-unti ng ngumingisi, kaya kumuyom ang mga kamao ko.
Napansin ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Liway.
"Paumanhin mahal na Datu, ngunit hindi ko po nais na saktan siya, ginawa ko lamang po iyon upang ipagtanggol ang aking sarili, sa pagka't pinagbuhatan ako ng kamay ng inyong anak" Sabi ko na ikinagulat ni Liway.
"Siya nga!? pinagbuhatan niyo ng kamay ang aking Bai!?" Tanong ni Liway sa galit at inis na tono.
"H-Hindi! nagsisinungaling lamang siya Baba!" Ang sabi ni Iraya na pilit pinagtatakpan ang sarili.
"Ipagpaumanhin mo Haleya, ang inasal ng aking anak, asahan mong ito ay hindi na muling mauulit" Ang sabi ni Datu Saram na ikinangiti ko ng palihim.
"Iraya! sumunod ka sa akin!" Ang sabi ng Datu sa galit na tono.
Bago sila tuluyang umalis ay nakita ko pa kung paano ako tignan ni Iraya ng napakasama, nakakuyom na rin ang mga kamao niya pero hindi ako nasindak, bagkus ay nginisian ko pa siya at humalukipkip pa ako.
Nang makaalis na sila ay agad na kinausap ako ni Liway.
"Mahal na Bai! ayos lang po ba kayo? paumanhin kung kayo ay hindi ko naipagtanggol sa mapagmataas na binukot na iyon" Ang sabi ni Liway at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Liway, huwag mo na akong alalahanin, ayos lang ako" Sagot ko.
Ilang saglit lang ay dalawang babaeng uripon ang pumasok sa kwarto at yumukod ang mga ito sa akin.
"Ipinag-uutos ng aming Datu na kayo ay igiya sa inyong bagong silid na inyong tutuluyan dito sa balay" Ang sabi ng isang babae.
Tumingin naman si Liway sa akin ng may ngiti sa labi kaya tinanguan ko siya at nginitian. Masaya kaming sumunod naman kami sa dalawang uripon na magtuturo ng bago kong magiging kwarto.
Mabuti na rin ito para hindi ko na makita pa ang binukot na si Iraya tss.