KABANATA VI

2212 Words
ANG KASUNDUAN *** Dalawang araw na ang nakakalipas noong ilipat kami ni Liway dito sa kwarto ko ngayon. At dahil bagot na bagot na ako sa lugar na ito ay naisipan ko na lamang sanayin ang sarili ko sa pakikipaglaban. Ngunit hindi yun naging madali dahil mahina ang katawan na ito. Kaunting sipa at suntok lang ay madali ng sumakit ang buong katawan ko. Alam kong mahirap pero gagawin ko ang lahat maging malakas lang ang katawan na ito. Pinagpapawisan akong naupo sa higaan kong gawa sa kawayan at ininom ang tubig na dala ni Liway kani-kanina lang. Gusto ko na talagang makauwi sa amin, pero paano ko yun gagawin kung nakakulong ako dito, hmm sa totoo lang nasa punto na ko ngayon ng buhay ko, na kahit na sinong lalaki na jan ay pakakasalan ko makalaya lang ako dito tss. "Mahal na Bai! may maganda akong balita sa inyo" Ang sabi ng kararating lang na si Liway. "Ano 'yun Liway?" Tanong ko dahilan para lumapit ito sa akin. "Batid ko na po kung nasaan ang punong babaylan sa banwang ito" Sabi niya habang nakangiti sa akin. "Magandang balita nga yan Liway, pero hindi ko parin naman siya maaaring puntahan" Sabi ko na nagpatahimik kay Liway, nakita ko rin na nalungkot siya. "Siya nga pala Bai Haleya, may mga panauhin ngayon ang Datu dito sa kanyang balay at sa wari ko ay isang Datu at isang Ginoo ang kanyang mga panauhin" Ang sabi ni Liway. "Anu naman nga--" Natigilan ako sa sasabihin ko nung pumasok sa isip ko ang isang ideya. "G-Ginoo?" Nausal ko. "Siya nga aking Bai, ngunit sa aking sapantaha ay hindi naman iyon nagpunta rito upang humanap ng kanyang mapapangasawa" Sabi ni Liway na nagpabagsak sa dalawa kong balikat. "Hmm Liway naman eh, lakas mo rin magpaasa eh" "Ah maiwan ko na po muna kayo Bai, at ikukuha ko lang po kayo ng inyong pananghalian" Sabi ni Liway at yumukod pa ito sa akin bago tuluyang umalis. Pagkaalis niya ay kinuha ko agad ang balabal na nakapatong sa higaan ko at ipinangtakip sa mukha ko. Lumabas ako ng kwarto ko at nagdahan-dahan sa paglalakad dahil baka may ibang makakita sa akin. Tinahak ko ang isang pasilyo pero napalingon ako sa likuran ko nung marinig ko ang mga babaeng nag-uusap papalapit sa kinaroroonan ko. Nagmadali akong maglakad hanggang sa mabangga ko ang isang pader na dahilan para matumba ako at mapaupo sa sahig. Napatingin ako sa nabangga ko at napagtanto ko na hindi pala ito isang pader kundi isang tao. Sinulyapan ko siya mula binti pataas hanggang sa makita ko nang tuluyan ang mukha niya, na nagpaawang nalang sa bibig ko bigla dahil sa sobrang pagkatulala. "Omg! ang gwapo naman niya!" Natanggal na rin ang takip sa mukha ko at kitang-kita ko na ngayon ang gulat sa mukha ng lalaking nabunggo ko. Isang lalaking may makinis na mukha, magagandang mata, matangos na ilong at masisimpit na labi. "Damn is this real? mas gwapo pa to kesa dun sa mga heartthrob sa campus namin eh" Nasabi ko na lamang sa isip ko habang napapalunok akong sinusuri ang kabuuan niya. Maganda ang katawan nitong kulay kayumanggi at mahaba naman ang buhok niyang abot hanggang balikat. May mga tattoo rin siya sa braso, dibdib at binti. Nakatali naman sa noo niya ang isang kapirasong tela na kulay pula at nakasuot sa kanya ang pulang bahag at pulang damit na walang manggas. "Hmm pansin ko lang ah, halos karamihan ng mga nakikita ko eh pula ang kulay ng suot, ano to may dress code color?, pero sa ayos at tindig niya para naman siyang isang maharlika, hindi kaya isa siyang ginoo?" Sandali akong natigilan at napaisip ng "Ginoo? ibig sabihin pwede ko siyang pakasalan!" ***** "Paumanhin hindi ko sinasadyang ikaw ay masaktan" Ang sabi ng lalaking kaharap ko ngayon. "Grabe pati boses niya ang pogi" Tinulungan niya akong makatayo pero binitawan rin niya ako agad nung makatayo na ako at napatingala nalang ako sa kanya nung.. "Ang tangkad niya pala!" Yumuko pa ito sa akin bago niya ako nilagpasan. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay pinigilan ko na siya agad. "S-Sandali!" Pagpigil ko, dahilan para tumigil nga ito at muling lumingon sa akin, shocks ang ganda talaga ng mga mata niya! "I'm sorry, pero desperada na talaga ako at ikaw nalang ang pag-asa ko! sana gumana tong gagawin ko! " Nilapitan ko siya at pilit kong pinunit at sinira ang suot kong saya na nagpakita ng maputi kong hita. Nanlaki naman ang mga mata ng lalaking kaharap ko at nagtaka ito. "A-Ano ang iyong g-ginagawa!" Sabi nito sa akin pero hindi ko siya pinansin bagkus ay niyakap ko pa siya ng mahigpit at pilit na hinila para mawalan siya ng balanse at parehas kaming mapahiga sa sahig. "Malandi na kung malandi! kelangan ko tong gawin, sana ay magwork ang plano ko!" Nasa ibabaw ko na siya ngayon at pagkatapos ay huminga ako ng malalim para sumigaw ng napakalakas na.. "Tulong!!, saklolo! saklolo! tulungan niyo ako!" Napatingin sa mga mata ko ang lalaki at kitang kita ko ang inis sa mga iyon. Kumunot ang noo niya at pilit na kumakawala siya sa mga yakap ko. "Saklolo! tulungan niyo ko!" Sigaw ko na halos mapatid na ang lalamunan ko sa kakasigaw. "Ano ang iyong ginagawa babae! bitawan mo ako!" Singhal ng lalaki sa akin na hindi ko pinansin. "Lumad! itigil mo iyan!" Rinig kong sigaw ng isang boses lalaki, sa galit na tono. "Aking Bai!" Rinig ko namang sabi ni Liway na agad na lumapit sa akin dahilan para makaalis ang lalaking nasa ibabaw ko. "Mahal na Bai, paumanhin at hindi ko kayo napangalagaan!" Ang sabi ni Liway at bakas ang labis na pag-aalala sa boses nito. "Lumad! ano ang iyong ginawa sa aking pamangkin!" Sigaw naman ni Datu Saram na katabi ng isang lalaking sa tingin ko ay kasing edad lang niya. "W-Wala! wala akong ginagawa, siya ang pilit na yumayakap sa akin!" Depensa ng lalaking niyakap ko kani-kanina lang. "Omg, kailangan ko silang iconvince! dahil kung hindi, masisira ang plano ko!" "S-Sinungaling! ako ay iyong nais pagsamantalahan! i-ito ang katibayan" Ipinakita ko sa kanilang lahat ang pinunit kong saya dahilan para kumunot ang noo ng lalaking tinatawag nilang lumad. "Sinungaling! ikaw ang gumawa niyan sa iyong sarili!" Singhal sa akin ng lalaki. "I'm so sorry, alam kong maling mali talaga tong ginagawa ko, pero kasi desperada na talaga ko huhu" Pinilit kong paganahin ang galing ko sa pag acting para piliting umiyak, hanggang sa humapdi na nga mga mata ko at tuluyan na nga kong napaiyak. "L-Lapastangan ka! wala kang karapatang nakawin ang aking p********e!" Singhal na sabi ko sa kanya habang patuloy sa pag-iyak. Habang si Liway naman ay umiiyak na rin tulad ko at kitang kita na sa mukha niya ang pag-aalala. "Lumad! sumunod ka sa amin ngayon din!" Ang galit sabi ng lalaking kasama ni Datu Saram. "Maging ikaw Haleya, sumunod ka rin sa amin" Ang sabi naman ni Datu Saram. Tumango lang ako at ginawa ang sinabi niya. ****** Sumunod ako sa kanila at nakarating kami sa isang silid na may malawak na espasyo. Naunang umupo si Datu Saram sa sahig at ang kasama niyang lalaki sa harap ng isang maliit na mesang gawa sa kawayan. Sumunod namang umupo ang lalaking niyakap ko kanina sa tapat ni Datu Saram at ako naman ay umupo sa tabi niya sa tapat ng lalaking kasama ni Datu Saram. "Haleya, ito ay si Datu Tarong ang ama ni Lumad" Pagpapakilala ni Datu Saram sa mga kasama namin. "So lumad pala talaga ang pangalan ng lalaking katabi ko" Tumingin sa akin ng napakasama ang lalaking nagngangalang lumad pero ako ay nag-iwas lang ng tingin at yumuko. "Err ang sungit" "Dahil sa iyong ginawa Lumad ay kinakailangan mong pakasalan ang aking pamangkin sa lalong madaling panahon" Seryosong sabi ni Datu Saram dahilan para mapalunok ako. "Ngunit Datu!" Pagtutol ng ginoo. "Tunay ang tinuran ni Datu Saram, hindi ka mapaparusahan sa iyong kalapastanganan kung ito ay iyong paninindigan!" Ang sabi ng lalaking nagngangalang Datu Tarong. "Ngunit baba! tunay na wala akong kasalanan! hindi ko iyon ginawa sa kanya!" Ang sabi ni Lumad na alam kong sinusulyapan ako ngayon ng nakakamatay na tingin. "Lumad! magtigil ka!" Ang singhal naman ng kanyang amang Datu, nakakapangilabot iyon na kahit ako ay natakot. "Baba! hindi maa-" "Gagawin mo ang aming nais at hindi ka maaaring tumutol" Ang sabi ng ama niyang Datu sa mahinahon ng tono. Sinulyapan ko ang katabi kong ginoo at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. "Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ko namatay, patawarin mo sana ako ginoo, ngunit ikaw nalang ang nakikita kong pag-asa ko" Tumayo na ng padabog ang ginoo at umalis ito, samantalang napabuntong hininga naman ng malalim ang kaharap kong Datu. "Patawad sa ginawang kalapastanganan ng aking anak" Ang sabi nito sa akin dahilan para mapalunok ako at makonsensya sa ginawa ko. "Aish! sorry po talaga" Asik ko sa isip ko. Hindi na ako sumagot pa bagkus ay yumuko nalang ako sa kanila at nagpaalam na para magpunta sa kwarto ko. Inalalayan naman ako ni Liway na hanggang ngayon ay umiiyak parin dahil sa inakala niyang naganap sa akin. ___________ Pagdating namin sa kwarto ko ay napaupo ako sa higaan ko at napatingin kay Liway. "Tama na Liway, huwag ka ng mag-alala wala namang masamang nangyari sa akin" Pagpapatahan ko rito. "Ngunit mahal na Bai, kung nabantayan ko lamang sana kayo ay-" Pinutol ko na ang sasabihin ni Liway dahil ayokong magdrama pa siya dahil wala namang kwenta ang iniiyakan niya. "Liway, plano ko lamang ang lahat ng iyon" Ang sabi ko, na siyang nagpatigil sa kanya sa pag-iyak. "A-Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. "Hindi ako tinangkang pagsamantalahan ng ginoo, nagsinungaling lamang ako upang maikasal ako sa kanya" Sabi ko, dahilan para manlaki ang mga mata niya. "Mahal na Bai! bakit niyo ginawa ang bagay na iyon!? h-hindi makatarungan ang inyong ginawa" Ang sabi nito sa akin na ikinanguso ko. "Ngunit Liway, siya na lamang ang pag-asa ko para makalaya ako, kaya nung makakuha ako ng pagkakataon ay hindi ko na ito pinakawalan pa" Sagot ko naman habang nakatungo. "Ngunit Bai, hindi parin karapat dapat ang inyong ginawa" Sabi ni Liway na ngayon ay bakas na ang pag-aalala sa boses. "Liway, hayaan mo na lamang ako, magtiwala ka sakin alam ko ang ginagawa ko" Tanging nasabi ko na lamang bago ako magpalit ng suot kong saya. ****** Pagsapit ng gabi ay ipinatawag ako ni Datu Saram sa isang pagtitipon. Sinamahan naman ako ni Liway at nagpunta kami sa silid ng pagtitipon. Nang makarating kami sa silid ay nadatnan namin doon ang ama ng ginoo kasama si Datu Saram. "Haleya, aking pamangkin, maupo ka" Ang paanyaya ni Datu Saram. Tumango naman ako sa kanya tsaka ako umupo sa tapat niya. Napapagitnaan naman kami ng isang maliit na mesang gawa sa kawayan. "Ipagpaumanhin niyo kung hindi makakadalo sa pagtitipon na ito ang aking anak" Ang sabi ni Datu Tarong dahilan para mabaling ang atensyon ko sa kanya. "Para saan po ba ang pagtitipon na ito" Tanong ko naman sa kanila. "Ang pagtitipon na ito ay tungkol sa bugay (dowry) na ihahandong namin sa inyo" Ang sagot ni Datu Tarong na ikinakunot ng noo ko. "B-Bugay?" Mahina kong sabi. "Ang bugay ay inihahandog kapalit ng inyong pakikipag-isang dibdib sa ginoo mahal na Bai" Mahinang bulong sa akin ni Liway na nasa likuran ko lang. "So ganito pala, kailangan pala ng bugay bago maikasal ang isang binukot sa mapipiling ginoo, hmm" Inilapag ni Datu Tarong ang isang malaking baol sa mesa, at ng buksan niya ito ay punong puno ito ng mga alahas na gawa sa ginto. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil dun at halos mapaawang pa ang bibig ko. "Grabe, napakayaman pala talaga ng mga tao noon dito sa pilipinas, akalain mong may mga ganito silang kayamanan!" "Sapat naba iyan bilang bugay?" Tanong ni Datu Tarong na tinanguan lang ni Datu Saram. "Sapat na ito aking kaibigan" Sagot naman ni Datu Saram. "Hmm teka, para naman akong ibinenta nito eh, di bale na nga, ang importante ay maikasal ako at makalaya!" "Kung gayon ay itatakda na ang kasal bukas ng umaga" Ang sabi ni Datu Tarong. "Woahh bukas agad agad?" Sabay silang tumingin sa akin ni Datu Saram habang nakangiti kung kaya't nginitian ko na rin sila. ***** Pagkatapos ng pagtitipon na iyon ay nagpaalam na ako upang magpahinga na pinahintulutan naman nila. Pagkarating ko sa kwartong tinutuluyan ko ay agad akong napahilata sa higaan ko at napapangiting inisip ang kasalang magaganap bukas. Ngunit agad din nawala ang ngiti sa labi ko nung mapagtanto kong mali parin ang ginawa kong pang seset-up sa ginoo. "Bai, magpahinga na po kayo at ng kayo ay maging kaibig-ibig bukas sa inyong magaganap na kasal" Ang sabi ni Liway. "Sige, ikaw rin ay magpahinga na Liway" Sabi ko at tumango naman ito sa akin, pagkatapos ay humiga na ito sa sahig. Habang ako ay dahan-dahan ko na ring ipinikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD