ANG PAG-IISANG DIBDIB *** Sa pagsapit ng umaga ang lahat ay naghahanda na, maging ang damit na susuotin ko ay nakahanda na. Kulay pula ito na may mga burda gamit ang gintong sinulid. May mga babae ring inaayos ang buhok ko, itinatali nila ito at nilalagyan ng gintong palamuti. Ang mukha ko ay pinapahiran ng kung anu-ano at ng makita ko ang sarili ko sa salamin ay nakaguhit sa mukha ko ang iba't-ibang uri ng simbolo gamit ang puting panulat. Pulang pula rin ang labi ko at maging ang kilay ko ay may palamuting kulay ginto. "Napakaganda niyo po aking Bai," sabi ni Liway at kitang-kita ko ang tuwa sa mga ngiti niya. ***** Hindi nagtagal ay isinuot na rin sa akin ang damit pang kasal ko at mas bumagay ito sa ayos ko. "Ipinapatawag na po kayo ni Datu Saram." Rinig kong sabi ng isang ba

