Chapter 9

2346 Words
Ada’s Point of View Ngayong gabi ay nasa maingay, amoy alak, sigarilyo at iba’t-ibang putahe ng pagkain sa paligid ang kinaroroonan ko ngayon. Dinala na naman kasi ako ni Jane sa isang bar at pang-apat na beses na iyon. Mabuti na lang, hindi araw-araw akong niyayaya mag-bar ni Jane at dalawang-beses lang sa isang linggo kaya hindi ako palaging puyat at naasikaso ko pa ang shop ko. Nasa upuan ako habang umiinom at si Jane naman ay nasa dance hall saka sumasayaw kasama ang lalaking nakilala lang niya sa bar. “Nag-iisa ka?” Nagulat ako na napatingin sa nagsalita saka umupo siya sa upuan sa harapan ko. “Loki?” gulat na sabi ko. “Anong ginagawa mo—“ Napatingin ako kay Jane na masaya pa ring umiindak sa dance hall. Alam ko na kung bakit nandito si Loki at marahil dahil sa kapatid niya. “Paano mo nalaman na nandito kami?” tanong ko sa kaniya. Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Loki na dumagdag sa kagwapuhan niya dahil sa dalawang dimple niya sa pisngi. Maganda pa ang katawan na humakab sa suot niyang T-shirt at ripped jeans. “Kaibigan ko ang may-ari ng bar at siya ang nag-report kung nasaan ang magaling kung kapatid,” tugon niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi ni Loki sa akin. “Bakit kasi lagi mong sinusundan si Jane, tama tamang edad na siya at hindi mo na kailangang higpitan pa.” “Hindi ko naman siya hinihigpitan. Siguro, binabantayan kasi baka may umatraso sa kaniya at hindi lang naman si Jane ang binabantayan ko nang ganito pati si Love dahil dalaga na rin siya at magiging ganooon din ako sa bunso kong kapatid na babae,” tugon ni Loki sa akin. “Hanga rin talaga ako sa’yo. Ang bait at mapagmahal mong Kuya sa kanila. Sana may kapatid din akong kagaya mo,” tugon at hiling ko sa kaniya. Ngumiti si Loki saka hinawakan ang palad ko. “Nandito naman ako na parang Kuya mo at hindi lang naman si Jane ang dahilan kung bakit nandito ako. Pati na rin sa’yo dahil baka may magtangka na naman sa’yo ng masama kagaya noong nasa party ka ni Jane,” tugon ni Loki sa akin. “Salamat, Kuya Loki,” tugon ko at natawa kaming pareho. “Ang cringe tawagin kang Kuya. Nasanay kasi akong Loki lang.” “Tawagin mo ako sa pangalang nakasanayan mo,” tugon niya sa akin. “Sige, ganoon pa rin itatawag ko,” nakangiting sabi ko. “Nagkita na ba kayo ni Nik? Umuwi na siya noong Monday at mabuti ay pinayagan kang sumama kay Jane?” usisa ni Loki saka uminom ng alak. Natahimik ako dahil hindi ko alam na nakauwi na naman pala sa Pilipinas ang asawa niya. Wala naman kasi akong kahit anong alam kay Nikola at kung saan-saan siya pumupunta. Mukhang nahalata ni Loki ang pananahimik ko at napangiti siya nang nahihiya sa akin. “Hindi mo ba alam na bumalik na siya rito? Sorry—“ “Ayos lang,” putol ko sa sasabihin sana niya. “Alam mo naman na ang kasal namin ay arrange marriage lang kaya natural lang na maging ganito kami. Walang pakealaaman sa isa’t-isa.” “Ah, oo nga pala,” tugon ni Loki. “Kuya Loki?” Napalingon kami sa boses na iyon ni Jane at kitang-kita sa mukha niya ang inis nang makita ang kapatid. Napangiti naman ako lalo pa at inis na umupo sa tabi ko si Jane saka masamang tinignan ang nakakatandang kapatid. Napalitan tuloy ng ngiti ang kaninang seryoso naming pag-uusap ni Loki lalo na nang nag-umpisa nang magsalita si Jane at puno ng reklamo sa nakakatandang kapatid. “Saan ka namin ihahatid? Doon sa shop mo o sa bahay niyo?” tanong ni Jane sa akin nang nakasakay na kami sa kotse ni Loki. Halos isang buwan na akong sa shop na natutulog. Malaki kasi iyon na may extension na nagiging tirahan ko na dahil doon din ako gumagawa ng mga ceramic na kasama sa binebenta ko sa shop. Dahil halos naubos ang binebenta ko ay nagpupuyat ako ngayon sa pag-pottery pero dumating naman ang mga binili ko sa ibang bansa para ibenta sa shop ko kaya may laman ang shop ko. Sa pamamalagi ko sa shop at paggawa ng mga product ay marami na rin akong natapos at mailalagay sa shop para ibenta. “Sa bahay na lang. Gusto kong magpahinga hanggang bukas dahil lagi akong naging abala sa trabaho,” tugon k okay Jane. “Sa bahay raw siya ihatid, Kuya Loki,” sabi ni Jane kay Loki. Pinaandar na ni Loki ang sasakyan at dahil nakainom ako ay nakadama ako ng antok habang nasa biyahe at ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog. “Ada,” tawag sa pangalan ko saka inalog ang balikat ko kaya napamulat ang mga mata ko dahil nagising ako. “Nandito na tayo sa bahay mo,” sabi ni Loki sa akin dahilan para mapatingin ako sa paligid ko. Tama nga si Loki dahil nasa harap na kami ng gate ng bahay ko kaya inayos ko na ang sarili at binuksan ang pinto ng kotse saka lumingon kay Jane at magpapaalam sana kaso tulog na tulog na rin siya. “Salamat sa paghatid, Loki. Mag-iingat na lang kayo sa biyahe,” bilin ko kay Loki. “Oo, salamat,” nakangiting tugon ko kay Loki. Sinara ko na ang pinto ng kotse saka kumaway kay Loki at umandar na iyon. Nang malayo na ang sasakyan ni Loki ay pumasok na ako ng gate at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Patay na ang mga ilaw sa sala at sa kusina na lang ang bukas kaya dumaan na muna akong kuisina para uminom ng tubig. Umupo pa ako sa upuan kaharap ng mesa at malayo na naman ang dinayo ng isip ko. “Nakuwi na naman pala si Nikola at wala man lang akong kaalam-alam,” sabi ng isip ko. Napangiti ako habang nakatingin sa baso na may tubig na nasa mesa. Bakit ba parang nagugulat pa ako sa tuwing malalaman kong bumabalik si Nikola sa Pilipinas, na hindi nagpapakita sa kaniya. Hindi ba dapat alam ko na iyon at dapat sanay na ako at hindi na umaasa pa na uuwian ni Nikola. Siguro kong magpapakita man si Nikola sa akin iyon ay dahil para asikasuhin na namin ang annulment namin. “Pero paano ako hihingi ng tuloy kay Nikola para sa negosyo namin kung hindi kami magkikita?” tanong ng isip ko. Napabuntonghininga ako saka tumayo at dinala sa lababo ang baso. Hinugasan ko na muna iyon bago ilagay sa lagayan ng baso at nagpunas ako ng basa kong kamay. “Nakuuwi ka na pala? Where are you staying and I've been here for a week without you even coming home?” Nanlaki ang mga mata ko na napalingon sa nagsalita at mabilis na tumibok ang puso ko dahil ngayon ay nasa harapan ko si Nikola na may seryosong mukha at nakasuot ng pantulog. “Nikola?” hindi makapaniwalang bulalas ko. “What? Don't you expect me to come home and know that my wife will never come home to our house?” seryosong tanong ni Nikola sa akin. “I-isang buwan pa lang akong hindi nakakauwi sa bahay. Naging abala kasi ako sa pagpa-pottery dahil naubos na ang mga gawa kong binibenta sa shop at may mga orders din akong dapat tapusin,” tugon ko. “The next time I can't reach you when I come home because of your business, I will close your shop!” galit na banta ni Nikolo sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. “Paano ko naman malalaman na uuwi ka? Wala naman tayong communication?” hindi ko napigilang tanong ko kay Nikola. Nagsalubong ang kilay ng asawa ko dahilan para matauhan ako sa pagtatanong kung iyon saka naglakad na palagpas kay Nikola. Mas mabuting iwasan ko na lang siya dahil baka magawa akong ikakagalit niya. "Where are you going? We haven't finished talking yet!"inis na sabi sa akin ni Nikola. Huminto sa paglalakad si Ada saka lumingon sa asawa na ngayon ay matalim na ang tingin sa kaniya. “Madaling-araw na at inaantok na ako—“ Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil nilapitan ako ni Nikola na ikinagulat ko at dumikit ang mukha niya sa mukha ko at mayamaya ay mas tumalim ang tingin niya sa akin saka hinawakan ang braso ko. “Amoy alak ka? Uminom ka ba?” galit na tanong ni Nikola sa akin. Naamoy na ni Nikola na amoy alak ako kaya kahit magsinungaling ako ay hindi na iyon uubra. “Konti lang naman. Galing kasi kami ng bar ni—“ “Nagba-bar ka?” mataas ang boses na tanong ni Nikola sa akin. “O-oo. Pero minsan lang naman saka kasama ko si Jane at Loki,” tugon ko. “Hindi naman kita pinahintulutang pumunta sa lugar na iyon kaya bakit ang lakas ng loob mong magpunta sa ganoong klase ng lugar?” galit na tanong ni Nikola sa akin. “T-teka? Wala naman tayong pinag-usapan na ganiyan. Isa pa, hindi na tayo kailan man nag-usap matapos nang—“ “—gabing iyon. Kaya hindi ko alam na may binabawal ka pala sa akin na puntahan—“ “Kaya nga binigyan kita ng negosyo, hindi ba? Para doon mo abalahin ang sarili mo at hindi sa kung anu-anong kalokohan!” galit na putol ni Nikola sa sasabihin ko pa sana. “H-hindi ko alam. Wala namang malinaw sa ating dalawa! At ang malinaw lang ay kasal tayo pero wala tayong pakealamanan sa isa’t-isa!” inis na tugon ko. Matapang ako ngayon marahil dahil na rin sa alak na nainom ko at isa pa, madali talaga akong mairita kapag makainomo ako. Inis na hinablot ko ang braso ko. Antok na antok na rin ako kaya imbes na aakyat ako sa hagnan ay pumunta na lang ako sa sofa at doon humiga. “Bukas na lang tayo mag-away kung gusto mo ng away. Inaantok na ako kaya p’wede ba, ilaan mo na lang ang galit mo sa akin bukas!” inis na sabi ko kay Nikola saka humiga nang nakadapa sa sofa at ipinikit na ang mga mata hanggang sa nakatulog. Nikola’s Point of View Nakatingin ako kay Ada, na nakahiga sa sofa at mukhang nahihimbing na. Tinulugan niya ako kahit nandito ako at nagagalit dahil sa isang linggo akong nandito ay hindi ko siya naabutan at lasing pa ngayon nang umuwi siya. Nakalimutan kong bilinan ang tauhan ko na sabihin kay Ada na uuwi na ako kaya wala siyang kaalam-alam na nakauwi na ako ng bahay habang wala naman siya. Sa isang linggong iyon ay may inayos pa akong trabaho kahit nasa bahay at hindi ko pa naasikasong hanapin si Ada, inantay ko na lang umuwi siya pero plano ko na sana bukas ay puntahan siya sa shop para pauwiin at nang mag-usap kami. Kailangan naming mag-usap lalo pa at sinabihan na ako ni Papa na makipaghiwalay na kay Ada dahil na rin sa nagalit si Papa sa Papa ni Ada, na naging palpak ang negosyong plinano nitong pinatayo kasosyo si Papa at napakalaking pera ang ginastos doon ni Papa, na hindi rin naman naibalik dahil hindi iyon nagtagumpay. Business lang ang dahilan kung bakit kami ikinasal ni Ada kaya nang hindi nagtagumpay ang dapat pagsososyohan nina Papa at ng Papa ni Ada at nalaman ni Papa na bumabagsak na rin ang negosyo nila Ada, ay gusto na niya na matanggal na ang koneksiyon ng pamilya namin sa pamilya nila Ada at nirereto na naman ako ni Papa sa anak ng isang mayamang negosyante. Madali lang naman iyon sa katulad namin dahil lahat naman ay kayang bilhin ng pera at ang pakikipaghiwalay ay mapapadali na lang pero kailangan ko pa rin kausapin ng maayos si Ada dahil ayoko namang maging sobrang malupit sa kanila kahit alam kong kayamanan ko lang naman talaga ang habol nila. Malaking tulong na rin ang ibinigay kong negosyo kay Ada lalo pa at nalalaman kong nakikilala na ang shop niya sa Pilipinas dahil sa magagandang product ba binebenta niya at mataas na kalidad na nagugustuhan ng mga mayayaman na customer. Hindi nga lang naging maganda ang pagkikita naming sa gabing ito dahil sa hindi niya pag-uwi sa bahay at nalaman ko pang uminom siya ng alak at nagpunta ng bar. Hindi niya dapat ginagawa iyon dahil asawa ko pa rin siya at sa oras na kumalat sa media na kasal kami at nagba-bar pala siya ay siguradong pati ang pangalan ko ay madadawit sa hindi magandang imahe niya. Inis akong napatingin kay Ada pero nawala rin naman nang makita kong himbing na himbing na natutulog si Ada at ang maamo at magandang mukha niya. Napabuntonghininga ako. Nagustuhan ko noon si Ada. Hindi ko ipagkakaila iyon pero nawala ang lahat nang iyon dahil nagsinungaling siya sa akin umpisa pa lang sa La Union. Hindi niya sinabi sa akin na ikakasal na pala siya at pinaasa niya ako, na may gusto siya sa akin, na may pag-asa kami kahit pa kilala niya ako bilang simpleng Nik. Hindi ko akalain na kagaya siya nang ibang babae na kayang makipaglandian sa ibang lalake kahit ikakasal na at magpapakasal dahil lang sa kayamanan. Napakarami nang babae na lumapit sa akin dahil kilala nila ako bilang Alexeyev, na bilyonaryo at nagmamay-ari ng malalaking negosyo subalit hindi nila ako nagustuhan dahil sa pagkatao ko kundi dahil lang sa kayamanan at pangalan na nakakabit sa akin at isa si Ada sa mga babaeng iyon. Tumingin muli ako sa magandang mukha ng asawa ko saka nilapitan siya at binuhat habang natutulog. Umakyat ako sa mahabang hagdanan at dinala ko siya sa kwarto namin. Maayos ko siyang inihiga sa kama saka hinubad ang suot na flat shoes at kinumutan. Mayamaya ay tumabi na rin ako kay Ada at ipinikit ang mga mata para makatulog na rin at hindi naglaon ay nahimbing na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD