Ada’s Point of View
ONE YEAR LATER
Abala ako sa ceramic shop ko dahil sa dami ng customer na dumarating ngayong araw. Nagkaroon kasi ng malaking sale sa mga produkto sa shop ko dahil isang-taong anibersayo ng pagbubukas ng Ada’s Ceramic Shop at bilang pagsasaya ay nagkaroon ng fifty percent sale at dahil magaganda at hindi talagang high class ang mga produkto na ako mismo ang gumawa ay talagang dinayo at binili ng maraming customer.
Iba-ibang uri ng ceramic ang nasa shop ko. May plato, vase, tea cup at marami pang iba na gawa sa mamahaling clay na ako ang gumawa o hindi kaya ang binili ko sa iba’t-ibang bansa. Nakapagpatayo na rin ako ng pottery shop na pinapangarap ko at dahil na rin iyon sa tulong ni Nikola. Isang-araw na pamamalagi ko sa bahay niya ay pinuntahan ako ng tauhan ng asawa ko at sinabing mag-umpisa na magtayo raw ako ng negosyo na gusto ko.
Naisip ko noon na maaaring natandaan ni Nikola ang pinag-usapan namin ng gabing nasa La Union kami at hindi ko mapigilang maging masaya noon kaya pumayag kaagad ako at ang pottery shop nga na ito ang naisip kong ipatayo. Mabilis lang na nagkaroon ako ng shop dahil nakahanda na pala ang lahat at inasikaso na ng tauhan ni Nikola ang mga kailangan ko at sa akin nakapangalan ang pwesto at shop na ito.
Hindi man umuwi ng isang-taong si Nikola sa piling ko ay hindi naman niya ako pinabayaan sa mga pangangailangan ko at binigyan pa ako ng negosyo. Sobra-sobra pa nga sa inaasahan ko kaya lang nakakaramdam pa rin ako ng lungkot lalo pa at nalalaman kong nasa Pilipinas na ang asawa subalit hindi siya umuuwi sa bahay. Marahil ayaw talaga ni Nikola na makasama ako o kahit makita kaya hindi siya umuuwi sa bahay.
“Ada, may naghahanap ng tea cup, mayroon ka pa ba?” tanong ni Jane sa akin dahilan para magulat ako at mapatingin sa kaniya. “Hoy! Ang daming tao tapos naisipan mo pang matulala?” inis na tanong pa niya sa akin.
“S-sorry!” bulalas ko saka pumasok sa loob ng inventory room saka kumuha ng tea cup na siya ang halos gumawa at inilabas saka ibinigay kay Jane.
Nandito ngayon si Jane dahil tinulungan siya ganoon na rin ang mga tauhan ko. Mabuti na lang talaga dahil dudumugin pala ng customer ang shop nila at siguradong kulang kami ngayon kapag wala si Jane at ang mga tauhan ng kaibigan na pinatawag din niya para makatulong.
Buong maghapon silang abala sa araw na iyon at para makakain ng tanghalian ay nagpalitan pa sila dahil halos hindi maubos ang tao hanggang sa naubos na ang stock nila at naisipan ko nang ipasara ang shop.
“Grabe! Ang daming tao!” bulalas ni Jane nang umupo sa upuang kaharap ng inuupuan ko. “Ang gaganda kasi ng mga gawa mo kaya ng nag-sale ay dinumog,” nakangiting sabi pa niya.
Napangiti naman ako kay Jane saka nilagyan ng tea ang baso na nasa mesa para kay Jane.
“Salamat sa tulong mo ngayong araw, Jane. Nalagay ko na sa account mo ang sahod niyo ng mga tauhan mo sa araw na ito,” sabi ko.
“Hindi mo na sana ako sinahuran kahit ang mga tao ko na lang pangdagdag sa sahod ko sa kanila sa araw na ito,” nakangiting tugon ni Ada.
“Tama lang na sahuran din kita kasi grabe ang pagtulong mo sa akin ngayon,” tugon ko.
“Ayos lang. Nag-e-enjoy naman ako kapag nandito sa shop mo saka nakaka-relax ka rin pagmasdan mag-pottery,” aniya.
Kinuha ko ang tasa na may tsaa saka hinigop iyon. Chamomile tea ang inihanda ko kay Jane at sa mga tuhan ko ganoon na rin sa iniinom ko para makaramdam kami ng relax lalo pa at naging nakakapagod ang araw na ito sa trabaho at may mga pagkain na rin akong pinahanda para makakain silang lahat.
Ang mga tauhan namin ay kumakain na subalit kami ni Jane ay naisipang uminom na lang muna ng tsaa.
“Hindi pa rin ba umuuwi sa bahay niyo si Nik?” usisa ni Jane sa akin na ikinalingon ko sa kaniya.
“Hindi,” tipid na tugon ko.
“Napakasama talaga ng ugali niya!” inis na sabi ni Jane.
Matagal ko nang naekwento kay Jane ang lahat maliban lang sa pagtatalik namin na isa sa hindi magandang alaala ko nang gabing iyon subalit ang mga sinabi niya sa akin na masasakit ay nasabi ko kay Jane at hindi ko rin napigilan na umiyak noon. Nagalit si Jane noon at pati ang nakakatandang kapatid niya ay inaway pero kahit si Loki ay nagulat na kami pala ang ikakasal ni Nikola. Kilala ni Loki si Nikola pero wala siyang alam sa kasal at sa akin pa.
Mukhang hindi naman talaga ipinaalam ang kasal naming sa at tanging mga kaanak at malalapit na kaibigan ang naging imbetado sa kasal namin at ni hindi naisa-media iyon samantalang mga mayayamang negosyante ang ikinasal. Sa tingin ko ay ayaw talaga ni Nikola na ipaalam sa buong mundo iyon lalo pa at nalaman ko kamakailan lang na pinaplano na niyang ipa-annul ang kasal namin.
Tinawagan ako noong nakaraang-linggo ni Papa at galit na galit siya sa akin dahil ako sinisisi niya kung bakit gustong makipaghiwalay ni Nikola sa akin. Mapait akong napangiti at bumalik ang alaala kong paano ako kinausap ni Papa nang araw na iyon.
Flashback
Abala ako sa habang nagpa-pottery nang tumunog ang cell phone ko. Napilitan tuloy akong iwanan ang pinagkakabalahan at sinagot ang tawag lalo na at nalamang si Papa ang caller.
“Hello, Papa,” malambing kong sagot sa tawag niya.
“Ano bang pinaggagawa mo, Ada? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi sa’yo ang asawa mo at nabalitaan ko pang plano na niyang makipaghiwalay sa’yo?” tanong ni Papa na may galit ang boses.
Nagtaka ako sa mga sinasabi ni Papa subalit nakadama ng kaba sa sinabi niya na plano na ni Nilola na makipaghiwalay sa akin.
“A-abala po kasi sa trabaho si Nikola pero palagi naman akong m-may balita sa kaniya dahil tinatawagan niya po ako,” tugon ko na may halong kasinungalingan.
Totoong abala si Nikola sa trabaho kaya hindi nakakauwi subalit hindi totoong nag-uusap sila. Kahit isang beses nang umalis si Nikola ay hindi ako niya tinatawagan.
“Pero ano ang naririnig kong usap-usapan? Isa pa, may ibang nakakasama raw na babae ang asawa mo kung nasaan ito at noong nakaraan lang ay umuwi rito ang asawa mo saka pumunta sa party ng isa sa kilalang negosyante at may ibang kasamang babae?” galit na tanong ni Papa sa akin.
May dumaang kirot sa puso ko dahil pakiramdam ko ay insult iyon sa akin na may kasamang ibang babae ang asawa ko.
“B-baka naman po kasinungalingan lang iyon. Nag-uusap naman kami ni Nikola at alam ko kung anong mga ginagawa niya habang wala siya sa tabi ko,” tugon ko.
“Siguraduhin mo lang, Ada, na hindi siya makikipaghiwalay sa’yo! Hindi kayo p’wedeng maghiwalay dahil kailangan natin ang asawa mo lalo pa at bumabagsak ang negosyo natin,” tugon ni Papa at narinig ko ang pagbuntonghininga niya. “Gusto ko kapag umuwi siya sa bahay niyo ay gumawa ka nang paraan para matulungan niya tayo. Total ay asawa mo na siya kaya madali ka na lang gumawa ng paraan para magustuhan ka niya hanggang sa makontrol mo siya at mapasunod sa gusto natin.”
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinasabi ni Papa at nadarama ko na desperado na siya ngayon para lang sa negosyo naming papalubog. Hindi kasi naging maganda ang kinalabasan ng pagpapatayo ng bagong negosyo ni Papa at Papa ni Nikola at iniwanan na lang si Papa basta ng Papa ni Nikola na lubog sa utang kaya pati ang negosyo namin ay nadamay.
“T-tutulong po ako, Papa. Kumikita na rin naman ng malaki ang shop ko—“
“Hindi sasapat iyan para mapaangat natin muli ang negosyo natin! Mas malaking pera ang kailangan natin at hindi kakarampot na pera na kinikita ng shop mo!” galit na tugon ni Papa sa akin. “Ada, sundin mo ang inuutos ko sa’yo! Ito na lang naman ang maitutulong mo at hindi naman mahirap iyon!”
Napakagat ng labi si Ada at muli nakaramdam ng sobrang lungkot dahil sa mga sinabi ni Papa sa akin. Naging tau-tauhan na lang talaga ang tingin niya sa akin at ginagamit ako para lang hindi mawala ang karangyaan na pinaghirapan niya dati subalit naaawa pa rin ako kay Papa, dahil pinaghirapan niya ang negosyong iyon kaya ganoon na lang siya naapektuhan na papalubog na ang pinaghirapan niya.
“S-sige, Papa. Gagawa ako nang paraan,” payag na ko na lang.
Maluwang na napabuntonghininga si Papa. “Salamat anak. P-patawarin mo ako kung pati ikaw ay pinapagawa ko ng paraan para hindi bumagsak ang negosyo natin.”
Sa sinabing iyon ni Papa ay hindi ko napigilang mapaluha mabuti na lang ay pareho na naming pinutol ang tawag at dahil ngayon ay napahikbi na ako.
End of flashback
“Ada,” tawag ni Jane sa akin dahilan para bumalik ako sa reyalidad. “Kanina ka pa wala sa sarili mo. Ano na naman ba kasi ang iniisip mo?” usisa niya sa akin.
“Naisip ko lang si Papa at saka ang problema namin sa negosyo,” tugon ko kay Jane.
Alam ni Jane na may problema ang negosyo namin dahil sinabi ko rin sa kaniya iyon subalit hindi ko pa nasasabi ang inuutos sa akin ni Papa.
“Bakit kasi ayaw mong tanggapin ang tulong ni Kuya Loki? Wala namang masama lalo pa at wala namang kayong ibang maaasahan. Hindi ka naman p’wedeng humingi ng tulong sa gago mong asawa dahil baka ipamukha na naman sa’yo na pera lang ang habol mo talaga sa kaniya kaya ka nagpakasal!”
Napatingin ako kay Jane dahil iyon talaga ang nakaplano sa akin at iyon din ang gusto ni Papa pero hindi ko na sasabihin sa kaniya dahil siguradong magagalit siya sa akin at pipigilan ako sa plano ko.
“Pag-iisipan ko. Nahihiya rin naman kasi ako kay Loki,” tugon ko naman.
“Bakit ka mahihiya samantalang napakayaman naman niyan ni Kuya! At isa pa, matalik kitang kaibigan at parang kapatid na rin!” diin niya sa akin.
Ngumiti naman ako sa sinabi ni Jane sa akin.
“Kaya nga pag-iisipan ko,” tugon ko.
“Bilisan mo para naman maagapan ang negosyo niyo saka mabuti na rin si Kuya Loki ang tumulong sa’yo para walang masabi ang asawa mo, wala ring maisusumbat sa’yo kapag nakipaghiwalay ka sa kaniya,” aniya.
Napatingin ako kay Jane sa huling sinabi niya sa akin.
“Bakit? Wala ka bang planong makipaghiwalay sa lalaking iyon? Mag-aantay ka ba bilang mabait na asawa sa bahay niyo sa Nikola na iyon?” tanong ni Jane sa akin.
“H-hindi naman pero hindi ko rin naiisip na makipaghiwalay—“
“Oh my God! Mananatili kang asawa niya kahit hindi ka naman sigurado sa inyong dalawa? Huwag mong sayangin ang buhay mo sa taong lagi ka namang iniiwan, Ada! Sayang ang ganda mo saka ang dami-dami pa namang nanliligaw sa’yo!”
“Kapag umuwi na si Nikola at makapag-usap na kami saka ko na pagdedesisyunan iyan. May malaki pa akong problema sa negosyo kaya hindi ko kayang isabay ang iba pa,” tugon ko.
“Sabagay, siguro ayusin na lang muna natin ang problema mo sa negosyo sa tulong ni Kuya Loki bago mo intindihin ang asawa mo. Wala pa naman siya at hindi naman umuuwi sa bahay niyo saka wala naman na yatang plano iyon na uwian ka kaya parang dalaga ka pa rin naman. Siguro, dapat mag-astang dalaga ka na rin dahil hindi naman siya umaastang may asawang tao,” sabi ni Jane.
“Kasal pa rin ako kaya hindi naman p’wedeng umasta akong dalaga—“
“Ayan na naman ang pagiging mabait mo!” inis na putol ni Jane sa sasabihin ko pa sana. “Bakit kailangan mong isipin lagi na may asawa ka nang tao samantalang ang lalaking iyon naman ay hindi ganoon ang iniisip? Nagdududa na tuloy ako sa’yo! Baka naman talaga hindi mo iniisip na may asawa ka na at hindi na talaga kundi may pagmamahal ka na sa gagong iyon!” mataas na ang boses na sabi ni Jane sa akin.
“Jane, ano ka ba? Ang lakas ng boses mo—“
“Bakit tama ba ako? May pagmamahal ka na sa Nikola na iyon kaya hindi mo magawang umastang dalaga—“
“W-wala!” inis na tugon ko. “Paano ko mamahalin ang taong estranghero para sa akin? Kung nagustuhan ko man siya ay si Nik iyon na inakala kong mabuting tao at hindi sa Nikola na nakilala ko. Remember, Jane, I married a stranger! Hindi ko siya kilala at wala akong kahit anong alam sa pagkatao niya!”
Hindi ko napigilang mapalakas ang boses dahilan para pati ang mga tauhang kumakain ay napatingin na sa amin dahil mukhang nagtatalo na kami ng kaibigan ko. Tumingin si Jane sa mga tuhan ko at tauhan niya saka ngumiti.
“Mag-aartista yata itong kaibigan ko at feel na feel iyong pinanood na movie pati pangalan ko nabanggit pa habang nagkekwento,” sabi niya.
Natawa naman ang mga tauhan ko ganoon din ang kaniya saka muling kumain.
Inihinahon ko ang sarili ko saka muling tumingin sa akin si Jane na may ngiti sa labi.
“Masiyado ka naman nagpapadala sa emosyon—“
“Shut up!” inis na tugon ko kay Jane.
“Sumama ka sa akin simula bukas. Magba-bar tayo at makikipaglandian sa mga lalaking makakasama natin,” aya ni Jane sa akin.
Kaya pala nagtatanong nang ganoon si Jane dahil ang talagang plano niya ay yayain akong mag-bar.
“Alam mo naman na hindi ako mahilig sa masiyadong mataong lugar kaya ayoko,” tanggi ko.
“Ngayon ay gusto kong masanay ka na. Hindi ka p’wedeng tumanggi dahil iisipin kong mahal mo ang gago mong asawa at magagalit ako sa’yo. Ire-recruit ko ang ibang tropa natin na hindi ka kausapin kaya hindi lang ako ang kaibigan na mawawala sa buhay mo. Seryoso ako, Ada, kilala mo ako kapag magalit,” banta pa ni Jane sa akin.
Inis na umikot ang mga mata ko pero wala naman akong magagawa dahil talagang laging gusto ni Jane ang nasusunod kaya hindi na rin ako makatanggi sa gusto niya.