Ada’s Point of View
Pagsapit ng alas-siyete ng gabi ay sinundo na ako ni Nik, nakasuot siya ng khaki short na lagpas tuhod, kulay blue na polo at bukas ang apat na butones kaya kita ang balbon niyang dibdib habang siya ay floral dress na kulay red at bagay na bagay ang suot nilang parehas sa beach na kinaroroonan nila.
Natawa pa kaming dalawa ni Nik nang makita naming ang halos parehong attire namin. Hindi naman kasi kami nag-usap ng susuotin subalit mukhang nagkasundo ang utak namin at pang-beach talaga ang naisip naming attire sa date naming dalawa.
Inalalayan ako ni Nik na bumaba sa maliit na hagdanan ng cabin at naglakad na kami ng magkasabay sa buhangin ng beach.
“So, saan mo gustong mag-date tayo?” tanong ni Nik sa akin.
“Ikaw na ang bahalang mag-isip. Wala naman kasi akong ideya sa pakikipag-date dahil ngayon pa lang ako umu-o sa nagyaya sa akin,” tugon ko sa kaniya.
“Gusto mo date tayo sa tabing dagat? Bibili ako ng pagkain at maglatag tayo ng sapin sa tabi ng dagat. Kung ayaw mo naman ay ayos lang,” suhestiyon sa akin ni Nik.
Ngumiti ako kay Nik. “Sa tingin ko ay maganda ang naisip mo. Ang romantic nga ng ganoong date,” nakangiting tugon ko.
Napangiti naman si Nik saka hinawakan ang kamay ko at naglakad na sila muli para maghanap ng mabibiling pagkain. Hindi nakadama ako nakadama ng ilang dahil sa paghawak ni Nik sa kamay ko at pakiramdam ko ay parang normal na lang iyon sa aming dalawa.
Bumili kami ng vegetable salad, street foods, junk food at mga ulam saka kanin na inihanda ko naman sa ibinanig na tela ni Nik sa tabi ng dagat. Tinulungan din ako sa pag-aayos ng pagkain ni Nik saka kami sabay na kumain.
“Ilan-taon ka na, Nik?” tanong ko sa kaniya.
“Thirty years-old, ang tanda ko na, ano?” nakangiting tugon niya.
“Hindi. Ako naman ay twenty-seven years old,” sabi ko.
“You look younger than your age,” komento sa akin ni Nik na ikinagiti ko muli.
“Paano kayo nagkakilala ni Loki? Saka matagal na ba kayong magkaibigan?”
“Limang-taon na at nagkakilala kami sa meeting ng business namin,” tugon ni Nik.
“May business ka pala?” usisa ko.
“Oo,” tipid na tugon ni Nik sa akin.
“May business rin kami pero gusto ko rin makapagpatayo ng sarili kong business. Iyong pinapangarap kong pottery business. Mahilig kasi akong gumawa ng ceramic vase o iba pa at isa iyon sa masasabing talento ko na mayroon ako,” masayang kwento ko kay Nik.
Nakatitig sa mukha ko si Nik dahilan para makadama ako ng ilang at ngumiti siya sa akin, hindi naglaon.
“Halata ngang gustong-gusto mo ang pottery kasi masaya ang mga mata mo habang nagke-kwento ka,” pansin ni Nik.
“Masaya talaga ako kapag nakakagawa ako ng vase gamit ang clay kahit pa habang nakaupo ako at gamit ang mga kamay ko na umiikot sa clay,” nakangiting tugon ko kay Nik.
“Bakit hindi mo gawin ang gusto mo? Magtayo ka ng business at iyong mga gawa mo ang ibenta mo,” nakangiting tanong ni Nik sa akin.
“Gagawin ko at bumili ka sa mga gawa ko, ha.”
“Oo naman. Lagi pa kitang dadalawin sa shop mo,” aniya.
Natawa naman ako sa sinabi ni Nik. Sana nga ang mangyari ang pinag-uusapan namin na makapagpatayo ako ng isang pottery business at bibili si Nik sa shop ko habang dinadalaw ako.
“Kaya lang hindi naman p’wedeng dadalaw-dalawin ka sa shop mo ni Nik kasi may asawa ka na n’on panigurado,” sabi ng isip ko.
Napabuntonghininga ako at napatingin na naman sa akin si Nik.
“May problema ba?” tanong niya sa akin.
“Wala naman,” tugon ko saka muling ngumiti.
“Nabo-bored ka na ba sa date natin?” tanong muli ni Nik sa akin.
“Hindi, nag-e-enjoy nga ako,” tugon ko saka kumuha ng street food at sinawsaw iyon sa matamis na sawsawan at kinain.
“Ako naman ang magtatanong,” nakangiting sabi ni Nik. “Bakit ngayon ka lang pumayag makipag-date? Malabo naman na walang nagyaya sa’yo, sa ganda mong iyan?”
“Hindi naman mataas ang standards ko kaya lang kasi noong nag-aaral ako ay talagang tutok ako sa pag-aaral dahil gusto ko talagang makakuha ng matatas na grado at makasama sa mga honorable students, na nangyari naman at ako pa ang naging valedictorian noong elementary, high school at College ako.”
“Wow! Achiever ka pala?” humahanggang bulalas ni Nik sa akin.
“Oo at nang makapagtapos naman ako ng pag-aaral ay sa kompanya naman tumutok ang isip ko. Gusto kong mas mapalago ang kompanya,” sabi ko.
“Bakit mo naman ginagawa iyan? Bakit mas may time ka sa pag-aaral at sa kompanya niyo kaysa sa iba pang bagay?” tanong ni Nik sa akin.
“Gusto ko kasing mapasaya si Papa.” Ngumiti ako pero alam kong hindi umaabot ang ngiting iyon sa mga mata ko. “Lahat ginagawa ko para mapansin ni Papa at ipagmalaki niya ako bilang anak niya kaya lang kulang pa rin pala,” may lungkot na sabi ko.
Hindi nakapagsalita si Nik at dumaan ang katahimikan sa aming dalawa.
“Pero ayos lang. Sa tingin ko ngayon na may gusto siyang ipagawa sa akin at gagawin ko naman ay siguradong mapapansin na niya ang lahat ng pagsisikap ko,” masigla kong sabi.
Ngumiti naman si Nik saka hinawakan ang kamay ko.
“Hindi ka kulang, Ada. Sobra-sobra ka at problema na ng Papa mo kung bakit hindi ka niya napapansin. Minsan kapag alam natin na lahat ay ginawa na natin pero hindi pa rin tayo napapansin ng mga mahal natin sa buhay ay hindi na tayo ang may problema kundi ang mismong tao na hindi nakakapansin ng mga ginagawa natin,” sabi ni Nik sa akin.
“Salamat sa sinabi mo. Gumaan ang bigat na nararamdaman ko dahil kay Papa,” nakangiting tugon ni Ada pero bigla na lang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko na napipigilan. “S-sorry. Ano ba! Bakit ako umiiyak—“
Niyakap ako ni Nik saka hinaplos ang likod ko dahilan para mapahikbi na ako. Ang iyak na ilang beses kong pinipigilan sa tuwing nasa labas ako ng bahay at may ibang mga kasama.
“Hindi masayang iiyak ang sakit na nararamdaman mo dahil kasama iyan sa buhay at walang masama na umiyak ka na may nakakakita,” sabi ni Nik sa akin.
Niyakap ko si Nik at doon ay umiyak ako sa bisig niya. Hindi ko alam na magkakaroon ako ng karamay ngayon sa katauhan ni Nik at nagpapasalamat ako dahil naiintindihan niya ako.
“Nakakahiya. Imbes na maging masaya ang date natin at magiging memorable sa’yo ay nagdrama pa ako,” nahihiyang sabi ko nang mahimasmasan na ako at maayos na nakaupo sa latag namin habang nakatingin sa mahinahong dagat.
“Hindi pa ba masaya at memorable ang date natin ngayon? Para sa akin masaya ito at hinding-hindi ko makakalimutan,” nakangiting tugon sa akin ni Nik.
“Salamat kasi dinamayan mo ako,” nakangiting sabi ko.
“Kung kailangan mo ng kausap p’wede mo akong tawagan at handa akong puntahan ka,” tugon ni Nik sa akin.
“Ang sabi mo gusto mo ako. Bakit mo naman ako nagustuhan?” prangkang tanong ko kay Nik.
“Hindi ko alam. Nagustuhan na lang kita noong una kitang nakita sa party ni Jane. Gusto kong magpakilala sa’yo nang gabing iyon pero nakita kitang sinusundan ng lalaking muntikan ng gumahasa sa’yo at iyon nga, iniligtas kita. Simula noon, hindi na kita makalimutan kaya nang sinabi ni Loki na pupuntahan niya ang kapatid niya rito at kasama ka nga ay sumama ako sa kaniya. Gusto ko kasing makilala ka nang lubusan at malaman kong itong nararamdaman ko ba ay totoo,” mahabang tugon ni Nik sa akin.
“Gusto rin kita, Nik,” pagtatapat ko sa kaniya dahilan para magulat siyang mapalingon sa akin. “Kagaya mo, ay hindi rin kita makalimutan simula nang iligtas mo ako. Gusto nga kitang makilala at ang sabi ni Jane ay tutulungan daw niya ako na makilala ka at makapag-thank you ng personal.”
Napangiti si Nik sa akin at kitang-kita ang saya sa mukha niya.
“Bale, p’wede kitang ligawan?” tanong ni Nik sa akin.
Doon ay hindi ako nakapagsalita lalo pa at alam kong ikakasal na ako kaya hindi na kami p’wede ni Nik. Napatitig ako kay Nik at bumaba ang tingin ko sa pulang labi niya na parang inaakit ako na halika siya.
“Gusto kon maranasang mahalikan ng lalaking nagugustuhan ko kahit ngayon lang at sa pagkakataon na ito,” sabi ko sa sarili.
Dahil sa kahilingan ng utak ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik at inilapat ang labi ko sa labi ni Nik na napaawang saglit sa gulat dahil sa paghalik ko sa kaniya subalit mayamaya ay umikot na ang braso niya sa leeg ko saka maalab na rin akong hinalikan.
Iyon ang unang halik na naranasan ko at hindi ko akalain na napakasarap pala iyon sa pakiramdam. Parang may mga paru-parung lumilipad sa tiyan ko habang nagsasalo ang mga labi namin sa isa’t-isa at amoy na amoy ko ang mabangong amoy ng hininga at katawan ni Nik na lalong dumagdag sa sensasyon at kilig na nararamdaman ko.
Mapupungay ang mga mata naming dalawa nang maghiwalay ang mga labi namin at doon ay nakadama na ako ng hiya dahil ako pa talaga ang unang humalik sa binata.
“You’re lips is soft and I love it,” komento ni Nik sa akin at pagbabasag na rin sa katahimikan naming dalawa.
“Sa’yo rin,” tugon ko.
Hinawakan ni Nik ang kamay ko saka idinikit ako sa katawan niya at naramdaman kong umakbay na siya sa akin. Tumingala ako kay Nik at nakita ko ang masayang ngiti at mga mata niya.
“Hindi ka ba natu-turn-off sa akin dahil ako ang nag-first move?” tanong ko sa kaniya.
“Mabuti nga at nauna ka dahil kanina pa kita gustong halikan. Mas nakakatakot naman kasi kung bigla na lang kitang hablutin at halikan magmumukhang manyakis pa ako sa’yo,” nakangiting tugon ni Nik sa akin.
“Eh, paano ako? Hindi ba ako nagmukhang manyakis sa’yo kasi ako ang unang humaik?” tanong ko kay Nick.
“Masiyado kang maganda at mukhang inosente para magmukhang manyakis baka kapag sumigaw ako rito ng rape dahil sa ginawa mo ay pagtawanan lang nila ako at baka ako pa ang ikulong,” tugon niya.
Natawan naman ako sa sinabi ni Nik. “Ang unfair naman niyon kung sakali. Paano nga kung rape-in kita—“
“Eh, ‘di papa-rape ako,” putol ni Nik sa sasabihin ko sa kaniya na binuntutan niya ng tawa.
Natawa na rin ako sa biro ni Nik at napalitan ang kaninang drama at kilig ng masayang pag-uusap nila. Ayaw ko na matapos ang gabing ito na magkasama kami ni Nik, masaya at puno ng kilig ang pakiramdam subalit dahil natatapos naman talaga ang gabi at nagmamadaling-araw ay kinailangan na naming umuwi sa cabin na tinutuluyan namin saka naghiwalay na.
Paggising ko ng umaga ay nakatanggap ako ng text mula kay Papa. Pinapauwi na niya ako dahil kailangan ko na raw asikasuhin ang kasal ko lalo pa at mas pinaaga ang araw ng kasal namin ng anak ng matalik na kaibigan ni Papa.
May negosyo raw silang pinaplano at malaking halaga ang gagastusin nilang dalawa kaya para may seguridad sa negosyong iyon ay magpapakasal sila ng anak ng matalik na kaibigan ni Papa at merging na rin ng kompanya ng bawat isa.
Ang date nilang dalawa ni Nik kagabi na umabot ng medaling-araw ay ang inakala ko na huli na naming pagkikita at hinding-hindi ko iyon makakalimutan subalit hindi pala, dahil si Nik at Nikola pala ay iisa at ang mapapangasawa ko.
Mapait na napangiti ako nang bumalik ang isip ko sa reyalidad.
Nasa kwarto na ako ngayon sa bahay ni Nikola at nag-iisang malungkot. Tumawag kanina si Jane at ang daming tinanong kaya lang sinabihan ko siyang pagod ako at gustong magpahinga kaya pinutol na namin ang tawag at umakyat na ako sa kwarto ko.
Hindi ko akalain sa maganda naming pag-uumpisa ni Nik ay mauuwi sa pangit na katapusan. Ibang Nik ang nakasama ko ng gabing iyon, nahalikan ko at naging karamay ko habang umiiyak ako sa Nikola na naging asawa ko.
Now I realize that I don't know him yet and I married a stranger. Stranger because now I realize that it wasn't Nik's true personality and temperament that I met and saved me, and I was with La Union because I found out his true personality last night that I was with and had s*x with.
Isang malupit pala si Nikola at mababa ang tingin sa kaniya.