Ada’s Point of View
Umalis ako sa kandungan ni Nikola saka humiga sa kama at tinakpan ang hubad kong katawan ng kumot. Humiga rin sa tabi ko si Nikola pero hindi kagaya ko ay hindi siya nagtakip ng kumot sa hubad na katawan at kompiyansang humiga sa kama kahit walang saplot.
Maganda ang katawan ni Nikola kaya naiintindihan ko kung bakit wala siyang kinahihiya kahit pa wala siyang kahit anong saplot. Sa paningin ko nga ay mas lumaki ang katawan niya kaysa sa huling nakasama ko siya at nakita ang hubad na katawan.
“We need to talk. This is about to our relationship,” basag ni Nikola sa katahimikan.
Nakadama ako ng kaba sa umpisa ni Nikola at pakiramdam ko ay iyon ang sinasabi ni Papa na pakikipaghiwalay ni Nikola sa akin.
“Dad wanted to annul our marriage because he had another woman I wanted to marry. That's why I came home to talk to you but I didn't reach you here and I didn't go to your shop because I also brought home some paperwork to fix,” mahabang sabi ni Nikola sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Inaasahan ko naman na darating talaga kami sa paghihiwalay subalit hindi ko alam na kapag dumating pala ang panahon na ito ay may kirot akong mararamdaman at magugulat pa rin ako.
“Nagalit si Papa sa Papa mo dahil ang laki ng perang ginastos niya sa negosyong pagsososyohan sana nilang dalawa saka gusto na rin niyang putulin ang koneksiyon nating dalawa lalo pa at pabagsak na ang kompanya niyo. Ayaw ni Papa na madamay ang pangalan namin sa pagbagsak niyo.”
Doon ay nasaktan si Ada at mapait na napangiti sa mga sinabi ni Nikola sa akin.
“Asawa mo ako. Hindi ba dapat imbes na iwanan mo ako at makipaghiwalay sa akin ay tulungan mo akong ayusin ang problema ng negosyo namin?” tanong na sumbat k okay Nikola. “Pero sabagay, bakit pa ako magtataka samantalang hindi mo naman ako itinuring na asawa. Mababa nga ang tingin mo sa akin kaya dapat hindi ko na ipinagtataka iyon.”
“Ada, kaya nga ako umuwi para makapag-usap tayo nang maayos—“
“Kung ako ang tatanungin mo kung gusto ko bang makipaghiwalay ay ang isasagot ko ay ayoko!” matigas na tugon ko.
“Why? Tell me what your reason is?” tanong niya sa akin.
“I want you to help my father, so our business does not collapse entirely. Please help us, Nikola. I'm begging you,” puno ng lungkot na tugon ko.
“May negosyo na akong ibinigay sa’yo at malaking tulong na iyon para sa’yo at sa pamilya mo,” seryosong tugon sa akin ni Nikola.
Napakagat ako ng labi at naalala ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Papa. Ayaw ni Papa na maghiwalay kami ni Nikola at magagalit siya sa akin kapag natuloy iyon na hindi na hindi naililigtas ang pagbagsak ng kompanya niya.
“Kulang iyon, Nikola. Mahalaga sa akin ang negosyo na pinaghirapan ni Papa at ayaw kong mawala na lang iyon nang hindi man lang ako nakakagawa ng paraan! Asawa kita kaya hindi naman masamang humingi ng tulong sa’yo at karapatang mong tulungan ako!” tugon ko.
“Kulang? Sobra-sobra na iyon lalo pa at nakikilala ka na—“
“Ayokong masira ang pangalan ni Papa na matagal na niyang iniingatan! Kagaya niyo ay pinapahalagahan din namin ang pangalan namin!” Pinatapang ko na ang sarili kahit pa parang kinukutkot ang damdamin ko sa kaba habang sinasabi ang lahat ng iyon. “K-kung hindi mo ako tutulungan ay hindi ako papayag sa annulment natin dalawa! At kapag pinilit mo pa ay sinisigurado kong masisira ang pangalan niyo! Sisirain ko—“
Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang hinablot ni Nikola ang braso ko nang madiin dahilan para mapaiki ako sa sakit.
“Ngayon ipinapakita mo na ang totoong ikaw at kung ano talagang habol mo sa akin!” galit na sabi ni Nikola sa akin.
“K-kaya nga tayo nagpakasal, hindi ba? Dahil iyon naman talaga ang habol ko sa’yo at kung gusto mo talagang makawala sa akin nang mapayapa ay tutulungan mo kami sa negosyo namin. Iyon lang ang hinihiling ko at matapos ng tulong mo ay ako na mismo ang lalayo sa’yo at hindi ka na guguluhin,” tugon ko kay Nikola.
“At ano naman ang kapalit niyon? Anong mapapala ko sa’yo?” tanong ni Nikola sa akin.
Napatigil ako sa pagsasalita at napatitig sa puno ng poot na tingin sa akin ni Nikola. Napalunok ako at hindi pa rin nawawala ang kaba sa puso ko subalit nagpakatatag pa rin ako at nag-isip kung anong maiaalok ko sa kaniya bilang kapalit.
“L-lahat ng gusto mo ay gagawin ko. K-kung gagawin mo akong alipin o kung kukunin mo ang negosyo ko bilang kapalit sa pagtulong mo sa pagbangon ng negosyo ni Papa ay ibibigay ko sa’yo—“
“Iyo na ang negosyo mo! Hindi ko binabawi ang ibinigay ko na sa’yo at kapalit na rin iyon nang pagtatalik natin noong honeymoon!” nang-iinsultong tugon niya sa akin.
“Wala akong maisip na kapalit sa pagtulong mo.”
Tumingin si Nikola sa kabuuan ko at nagulat ako nang alisin niya ang kumot na nakatakip sa katawan ko.
“Katawan mo lang naman ang maipagmamalaki mo na mayroon ka at nakikita kong may silbi sa pagkatao mo kaya iyan na lang ang kapalit. Mananatili kitang asawa hanggang sa mailigtas ko ang negosyo mo at kapalit niyon ang katawan mo. Kahit anong gusto ko ay dapat mong sundin at sa oras na tumanggi ka ay hindi ko na itutuloy ang pagtulong sa’yo!” aniya.
Napatango na lang ako kahit hindi lang sa salita niya nadama ko ang insulto niya mula sa buong pagkatao ko kundi pati ng mga tingin niya sa akin.
“Umpisa na nang kasunduan natin at gusto ko ay paligayahin mo ulit ako at higit pa sa ginawa natin kanina!” matigas na utos sa akin ni Nikola saka humiga nang maayos sa kama.
“O-oo,” tugon ko.
Sa umagang iyon hindi lang isang beses na nagtalik kami ni Nikola, maraming beses dahil iyon ang gusto niya subalit ako ang laging nasa ibabaw niya dahil iyon ang posisyon na komportable ako o hindi kaya ay nakaupo kami kapag nagtatalik at nakatayo. Nakikita ko naman na nasisiyahan siya sa pagpapaligaya ko sa kaniya sa kama subalit nakikita ko rin sa mga mata niya ang matinding poot mula sa akin.
Kahit nasasaktan ako sa mga poot na nakikita ko sa mga mata niya at naiinsulto ako sa mga sinasabi niya sa akin ay hindi ko na lang iyon ininda at pinansin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mailigtas ang negosyo ni Papa na napakahalaga para sa kaniya at hahayaan ko na lang na tapakan ni Nikolo ang buong pagkatao ko.
Matapos naming magtalik ay iniwan ako ni Nikola sa kwarto at mag-isa na lang akong nakahiga sa kama na nakahubad. Pagod dahil sa walang tigil naming pagtatalik kaya mas pinili kong magpahinga. Mayamaya ay tumulo ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko na napigilan saka tinakpan ng kumot ang mukha ko para pagtakpan ang luha at hikbi ko.
“Dalawang-araw kang wala sa shop mo pagtapos hindi mo pa sinasagot ang tawag ko kaya nag-alala tuloy ako. Muntikan na kitang puntahan sa bahay niyo mabuti na lang at dumiretso ako rito para silipin kung nandito ka dahil kung hindi ko naisip iyon ay baka hindi rin kita naabutan sa bahay niyo!” sabi ni Jane nang pumasok siya sa shop at makita ako sa may counter.
“Ang sabi ko nga sa’yo noong inihatid niyo ako ay gusto kong magpahinga kaya hindi na muna ako pumasok ng dalawang-araw. Sulit naman dahil talagang nakapagpahinga ako,” nakangiting tugon ko.
Nakapagpahinga naman talaga ako sa dalawang-araw na wala sa shop kaya lang sa dalawang-araw na rin iyon ay halos buong maghapon at magdamag kaming nagtatalik ni Nikola dahil iyon naman ang kapalit sa hiniling ko sa kaniya na tulungan si Papa na iahon ang negosyo namin.
“Mabuti naman kung ganoon!” Masayang ngumiti si Jane habang nakatingin sa akin. “So, may lakas ka na ulit mag-bar? Alam mo bang may nakilala akong hot na lalake, dalawa sila at sa tingin ko ay magugustuhan ka ng isa sa kanila—“
“Jane, hindi na ako p’wedeng sumama sa’yo sa night out,” kaagad kong tanggi sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay ni Jane at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya. Lumabas ako ng counter saka hinila si Jane sa isang mesa at doon ay umupo kami para makapag-usap nang masinsinan.
“Umuwi na kasi si Nikola at mukhang matatagalan siya sa bahay—“
“So? Hindi mo naman talaga asawa ang lalaking iyon kaya bakit ka magpapapigil dahil lang sa kaniya?” inis na tanong sa akin ni Jane. “Hindi ba sinabihan na kita na huwag mo nang intindihin ang sira-ulong iyon? Kaya bakit ngayon tumatanggi ka sa pagyaya ko sa’yo dahil sa kaniya?”
“Jane, hindi mo naiintindihan ang kalagyan ko. Alam naman natin na kilalang tao si Nikola, mayaman at makapangyarihan kaya kapag gumawa ako ng bagay na ikakasira ng pangalan nila ay tiyak na magagalit siya sa akin at baka may magawa pa siyang hindi ko magugustuhan. Isa pa, dahil ako ang nakagawa ng kasalanan ay tiyak na sa akin mapapasa ang kahihiyan at sure kong magagalit sa akin si Papa.”
Napabuntonghininga ako at malungkot na tinignan ang kaibigan. Nakita ko naman ang awa niya dahil sa kalungkutan na nararamdaman ko.
“Kaya kong balewalain si Nikola subalit hindi ko kakayanin si Papa. Alam mo kung gaano ko siya kamahal kaya hindi ko iyon magagawa. Sana intindihin mo ako at huwag mo akong iwanan ngayong kailangan ko ng kaibigan,” puno ng lungkot na sabi ko at hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
“Ada,” puno ng awing bulalas ni Jane saka nilapitan ako at niyakap. “Siyempre, hindi kita iiwanan! Matalik kitang kaibigan at nandito lang ako lagi sa tabi mo,” tugon niya sa akin.
Napaiyak ako saka niyakap nang mahigpit si Jane.
“Salamat. Siguro kung wala ka sa buhay ko baka hindi ko na kayanin,” tugon ko.
“Hindi kita iiwanan. Ano man ang mangyari ay nandito lang ako,” sabi ni Jane.
Doon ay hindi ko na talaga napigilan ang mga hikbi ko at naging emosyonal ako sa harap ng matalik kong kaibigan na laging dumadamay at nasasabihan ko ng lahat ng mga sakit na dinadanas ko sa mga taong mahal ko.
Matapos ang isang-oras na pag-uusap namin ni Jane ay bumalik na ako sa trabaho at kagaya ng dati ay nandoon na naman si Jane para tulungan ako. Ang sabi kasi ni Jane sa akin ay hindi abala sa negosyo niya kaya ngayon ay tutulong na muli siya sa shop.
Pagsapit ng tanghalian at nagpa-deliver ako ng pagkain subalit isang tao ang dumating sa shop na hindi ko inaasahan. Walang iba kundi si Nikola at puno ng awtoridad na lumapit siya sa kinaroroonan ko kasama si Jane na kaagad nagtaas ng kilay.
Nikola, what are you doing here?” usisa ko sa kaniya.
I want to see you and eat with you, my wife,” seryosong tugon ni Nikola sa akin.
Napatingin ako kay Jane na mas tumaas ang kilay at mukhang mas nainis sa pagtugon sa akin ni Nikola.
“Tamang-tama nagpa-deliver ako ng pagkain—“
“I don't want to eat here. Come with me and we will go somewhere to eat and we will go straight home,” utos ni Nikola sa akin.
“Nakapag-order na si Ada ng pagkain at sa amin siya sasabay kumain!” inis na sabat ni Jane.
Lumingon si Nikola kay Jane at hindi ko maiwasang makadama ng kaba lalo pa at masama na ang tingin ni Jane kay Nikola.
“Ada and I haven't been together for a long time, you've always been to her, so I hope you'll let me be with her first,” tugon ni Nikola na ikinalaki ng mga mata ko.
Halata rin kay Jane na nagulat siya saka nawala ang masamang tingin kay Nikola. Nagkatinginan kami ni Jane at mayamaya ay bumalik ang tingin niya kay Nikola.
“Basta wala kang gagawin na masama sa kaibigan ko at hindi mo siya pagsasalitaan ng masama,” tugon ni Jane kay Nikola.
Seryosong tumingin sa akin si Nikola saka muling bumalik ang tingin kay Jane.
“Oo,” tipid na tugon ni Nikola saka inilahad ang kamay sa akin.
Wala naman akong magawa kundi tanggapin iyon saka pumayag na hilain ni Nikola palabas sa shop saka pinagbukas pa ako ng pinto ng kotse para makapasok ako sa loob. Hindi rin nagtagal ay pumasok na sa loob ng kotse si Nikola at pinaadar na ang sasakyan.
“Mukhang masama ako sa paningin ng kaibigan mo?” basag ni Nikola sa katahimikan.
“Ha? G-ganoon lang naman talaga si Jane—“
“Spread your legs,” utos ni Nikola sa akin na ikinalingon ko sa kaniya at nanlalaki ang mga mata ko. “Do it!” inis n autos niya muli sa akin.