KABANATA 70 MYCA’S POV Nagising akong wala na si Ian sa kwarto ko. Masyadong mahimbing ang naging tulog ko na hindi ko man lang natunugan ang kanyang pag-alis. I woke at exactly seven o’clock in the morning. Kung sa ibang pagkakataon ay hindi na muna ako babangon pero kailangan ko pang pumunta ng mall para maghanap ng magandang ireregalo kay Madame Madeleine. Kaya alas nuebe pa lang ay nasa mall na ako para malaki ang oras kong maigugulgol sa paghahanap at pamimili. Natapos na lang ako nang nag ala una na kasi dumaan pa ako sa iba’t ibang boutique para lang libangin ang sarili ko. At maaga namang dumating sa Monterial Tower si Allison kaya binilisan ko na rin ang pamimili ng para sa sarili ko. Akala ko ay saka na siya darating kapag susunduin na niya ako pero sa akin siya sumabay sa pag

