KABANATA 71 MYCA'S POV I gulped when I felt the fear running through my veins. I can feel the coldness of his stares. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ito na pala ang nararamdaman ko kanina na kaba nang papunta pa lamang kami rito. Kaya pala hindi ako mapakali. I never expected to see him here. Pero siguro baka guni-guni ko lamang ang lahat ng ito. It would be impossible if he can still remember me. I was still a kid back then... Ni hindi ko alam kung bakit hanggang sa paglaki ko ay ipinapaalala sa akin ni lolo ang kwento nila. At ngayon ko lang din napagtanto ang lahat. Ngayon ko lang naintindihan ang puno't dulo ng lahat gayong iyon din naman ang tinakasan ko noon. "Myca, are you okay? Parang namumutla ka." Napatingin ako kay Allison. Muli ay nawawala ako sa aking huwesyo. Hindi ko m

