Nakatingin kami sa kaharap naming lumang itim na bahay, meron itong tatlong palapag at ang gate nito ay kinakalawang na. May mga puno sa gilid nito ngunit patay na, sa gilid ng bahay makikita ang barrier na nag hahati sa bayan at lungsod, kapag lumagpas ka sa barrier na yan matik na nasa lungsod ka na. May mga uwak akong nakikita na palipad lipad sa paligid, ang fountain na nasa gitna ay walang tubig, ang ilang bintana sa bahay ay may basag at ang pinto nito ay naka bukas at halatang wala ng nakatira. "Eto na ba yun?"tanong ni Cynrad habang naka tingin sa bahay. "Ito ang unang bahay ng matandang punong ministro."sabi ni Pavel habang naka tingin sa mapa, tinupi nya ang mapa saka tumingin sa bahay. "Ang tanda na pala ng bahay na ito, mahigit isang daan at limam'pot anim ba taon na ang

