Napairap ako sa sobrang ingay ng babaeng nag ngangalang Abiah, nasusuka ako sa kanyang pangalan. Hindi naman halatang avid fan ang nanay niya sa mga banal na pangalan na nasa bibliya, nasusura ako. Abiah, ibig sabihin sa hebrew ay 'God is my father', sa dinami rami ng pwedeng maging pangalan niya, yun pa talaga. Sa pangatlong pagkakataon ay napairap ako dahil sa ingay ng babaeng ito, hindi lang pangalan niya ang nakakairita at nakakainis, kundi pati na ang kanyang ugali at pagiging maingay. "Ni minsan ba sa buhay mo ay natahimik ka kahit ilang segundo lamang?" Singit ko sa usapan nila ni Pavel, tumingin silang apat sa akin, tinaasan ko ng kilay ang babae ng matawa siya. "Pasensya na, ngayun lang ulit ako nakipag salamuha sa mga taga bayan, himala kasi na may lumabas sa bayan na iyon

