"Ang sakit ng katawan ko." Reklamo ni Bael habang nag lalakad kami, tahimik lamang akong nag lalakad habang nasa likod ko ang tatlo na nag rereklamo kung bakit biglang sumakit ang katawan nila. "Awit, akala ko sasabay sa atin si Abiah sa pag punta sa lungsod, maganda sana kung kasama natin siya para may kadaldalan si Bael at umingay naman ng unti ang paligid." Sabi ni Cynrad, napairap ako at huminga ng malalim. "Bakit nga ulit siya nauna sa atin?" Tanong ni Pavel sa akin. "May dumaan kanina na usa, mas kailangan niya daw sundan yun para may maibibigay siya sa magulang niya sa bayan." Simpleng sagot ko. "Ganon? eh bakit naman nawalan kami ng malay?" Tanong ni Bael kaya napa irap ako at hinanda ang acting skills ko. Humarap ako sa tatlo. "Gagi, hindi niyo ba naaalala na nabagok ulo niyo

