Ilang oras ang lumipas ng matapos na din silang kumain at mag ayus, binantayan ko sila upang malaman ko kung ginawa nila ang inutos ko na mag ligpit bago umalis. Nakatayo na kami ngayun sa labas ng maliit na bahay tuluyan at dahil tanghali na ay madami na ding mga tao ang naririto upang gawin ang kanilang mga sariling gawain sa buhay. "Saab tayo mag sisimula?"tanong ni Bael na nasa tabi ni Cynrad, tumingin ako kay Pavel na nasa tabi ko. "Patingin ng mapa."sabi ko at nilahad ang kamay ko sa harap niya, dali dali niya namang kinuha ang mapa sa bag niya at binigay sa akin, binuksan ko ang mapa at pinag masdan ang mga distenasyon na aming pupuntahan. Mahaba habang lalakbayin namin, mahaba habang panahon din ang maibibigay ko kasama sila para gawin ang misyon ko ng tama. Napansin ko na sa i

