Iminulat ko ang aking mata at ang mga dahon sa puno ang aking unang nakita. Napapikit pa ako ng tumama sa aking paningin ang silaw ng araw, dahan dahan akong umupo upang tignan ang paligid. Narito parin kami sa lugar kung saan kami huling tumigil kahapon, gaano katagal ba ako natulog? Ang sabi ko ay iidlip lamang ako. "Magandang umaga ate." Napatingin ako sa nag salita sa tabi ko, ang ligaw na kaluluwa ng bata na kasama namin. Umaga? "Umaga na?"tanong ko. "Mukha po bang madilim pa?"sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, natawa siya. "Hindi ko lubos akalain na makakatulog ako ng matagal."sabi ko. "Halatang pagod po kasi ang katawang tao niyo." Sabi niya, akmang tatayo na ako ng mapansin ko ang manipis na tela na naka patong sa aking katawan. Napa kunot ang nuo ko. "Para saa

