Tahimik kong pinag mamasdan ang tanawin dito sa taas ng isang gusali sa labas ng bayan kasama ang prinsepe. Manghang mangha siya sa makulay na tanawin dito sa taas, napairap ako. Ang sakit kaya sa mata ng mga ilaw, maganda kung mga apoy ang naririto at madaming sumisigaw na mga kaluluwa ng tao na humihiling ng tulong. "Ganito pala talaga kaganda dito."naka ngiting sabi ni Pavel kaya napatingin ako sa kanya, naka ngiti siya habang nakatingin sa tanawin. Naningkit ang mata ko, kawawang nilalang, ngayun lang nakapunta dito. Bigla siyang tumingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin, narinig ko ang pag tawa niya kaya napairap ako. Lagi bang natatawa ang isang ito? Ano naman ang nakakatawa? Baliw na ba siya? "Salamat." Biglang sabi niya na nakapag patigil sa akin. Dahan dahan akong tumingi

