"Ang ganda sa mata ng mga palamuti na ito!" Parang batang sabi ni Pavel habang hawak hawak ang mga shell na may iba't ibang kulay. Naka buntot lamang ako sa kanya habang siya ay nag lilibot dito sa pamilihan. Hindi ko alam sa lalaki na ito kung bakit ang hilig niya sa mga makukulay, ang sakit sa mata sa totoo lang. At hanggang ngayun ay nang gagalaiti parin ako dahil sa hindi ko manlang nalagyan ng kasalanan si Pavel kanina. Nagkamali ako, mukhang matatagalan ako sa misyon kong ito. Hindi madali na gawing masama ang lalaking ito. Nakaka bwiset. "Yuniko tignan mo ito." Humarap siya sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko dahilan para muli ko na namang makita ang ilang imahe, nagulat ako ng may isuot siyang isang purselas sa akin. Kumunot ang nuo ko habang naka tingin sa kanya na

