Tumingin ako sa tatlo na excited ng umalis sa lumang bahay na tinuluyan namin, napairap ako ng makita ko ang isang babae na naka salabay kay Bael. "Grabe ang sakit ng likod ko." Reklamo ni Bael na halatang nahihirapan. "Parang may dumagan na tatlong elepante sa likod ko."iritang sabi niya saka tumingin sa kasama niya. "Kayo?"tanong naman nito sa dalawa. "Ayus naman pakiramdam ko, wala namang masakit."sabi ni Pavel. "Ang sakit ng batok ko." Reklamo ni Cynrad, natawa ako sa loob loob ko ng makita ko ang isang lalaki na naka akbay kay Cynrad. "Hayst, nakaka inis."iritang sabi nito habang hawak hawak ang batok niya. Nag lakad ako palampas sa kanila dahilan para mapatingin sila sa akin, sinamaan ko ng tingin ang mga kaluluwang nasa tabi ng tatlo, dahilan para mawala sila. "Tara na."sabi

