Napangisi ako ng maayus ko na ang unan na iiwan namin sa kanyang silid upang walang makahalata na siya ay umalis, ngumiti ako at tumingin sa prinsepe na halatang kinakabahan at nakatingin sa higaan niya.
"Sigurado ka ba na gagana ito?" Tanong niya at tumingin sa akin.
"Oo naman, ito ang mga ginagawa ng mga kabataan ngayun." Sabi ko, huminga siya ng malalim.
"Mag paalam nalang kaya tayo kay ama? baka payagan niya ako, gabi naman na eh." Sabi niya, napairap ako dahilan para magulat siya.
"Kamahalan, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan malaman ng magulang mo ang lahat ng bagay na ginagawa mo, nawawala ang salitang 'Privacy' pag pinaalam mo sa kanila ang lahat." Sabi ko, mukhang mahihirapan ata ako dito sa lalaking ito.
Masyado siyang mabait, matapat at hindi maka sarili. Dapat kanina pa ako naka alis sa lugar na ito kung may nagawa na siyang kasalanan. Nakaka bwiset.
"Ganon ba? inaalala ko lamang baka mamukhaan ako sa labas ng bayan." Sabi niya kaya pinitik ko ang kamay kong nasa likod ko saka pinakita sa kanya ang panyo na hawak ko.
"Gamitin mo ito pantakip sa mukha mo." Sabi ko at inabot sa kanya. Kumunot ang nuo niya.
"Panyo?" Tanong niya, ngumiti ako. Bakit ba wala siyang alam sa mga bagay bagay, ganon ba siya kamangmang? Nag sisimula ng uminit ang ulo ko sa lalaking ito, Kapag inabot pa ako ng liwanag dito sinisigurado kong tatapusin ko ang walang kwentang buhay ng lalaking ito.
"Sya nga pala Ksara, wag na wag mong papatayin ang lalaking yun. Hindi niya pa oras, wag kang mag madali dahil baka sumugod si kamatayan dito sa lugar naten."
Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi sa akin ni ama bago ako umalis sa lugar namin. Bwiset.
"Ilagay mo yan dito." Sabi ko at tinuro ang ilong niya pababa sa labi nya, napapikit ako sa sobrang inis ng inilagay niya nga don ang panyo saka binitawan, mangmang hindi manlang tinali. Nasaan ba ang utak ng lalaking ito?
"Ganito yan kamahalan." Sabi ko at kinuha ang panyo sa kanya saka pumunta sa likod niya saka inayus ang panyo at tinakpan ang ilong niya pababa sa kanyang labi, madiin kong tinali ang panyo sa kanya dahil sa sobrang inis.
"Aray!"Angal nya, napa irap ako saka naka ngiting tumingin sa kanya.
"Pasenysa." Sabi ko at tumalikod sa kanya.
"Tara na, may kasiyahang nagaganap sa labas." Sabi ko at naunang mag lakadd sa kanya. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya, kapag ako tinuyo sinisiguraddo kong mapapatay ko ng di oras itong lalaki na ito.
"Yuniko saglet!" Sabi nya at tumakbo papunta sa harap ko, napairap ako at ngumiting tumingin sa kanya.
"Hindi ba dapat nasa likod kita? ako ang mauuna sa pag lalakad." Sabi niya, inis kong kinagad ang dila ko at pinipigilan ang sarili na kunin ang puso niya, malumanay akong ngumiti.
"Ang bagal mo eh."Sabi ko saka nilagpasan siya.
"Hoi! kapag nakita ka ni ama na ganyan ang pakikitungo sa akin, pupugutan ka niya ng ulo." Sabi niya kaya tumigil ako sa pag lalakad at huminga ng malalim, wala akong pake-alam sa ama niya dahil sigurado naman ako na sa lugar ko ang bagsak ng nilalang na yun.
Tumingin ako sa prinsepe na naka tingin sa akin, umukit ang ngisi sa aking labi.
"Hindi mo naman hahayaan na mangyare yun hindi ba?" Tanong ko kaya natigilan siya, ngumiti ako.
"Joke lang, bilisan mo mag lakad kamahalan, excited na ako lumabas." Plastik kong sabi kaya nabalik siya sa reyalidad at tahimik na nag lakad palapit sa akin. Tinignan niya ako sa aking mata dahilan para mapalunok ako. Ayoko sa lahat ay ang tinititigan ako sa mata. Agad akong umiwas ng tingin.
"Talagang ibang iba ka sa pinsan mo." Naka ngiti niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko dahilan para magulat ako, agad kong binawi ang kamay ko dahilan para matawa siya.
"Ang lamig ng kamay ko no? Dahil yun sa panahon ngayung gabi." Sabi niya saka naunang mag lakad sa akin, napa tingin ako sa kamay ko na hinawakan niya, napalunok ako saka pinagmasdan ang lalaking yun na nag lalakad.
Bakit ganon? ano yung nakita ko? bakit nong hinawakan niya ako ay may mga imahe na lumabas sa aking isip?
"Yuniko tara na!" Nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin sa akin, ngumiti ako ng pilit saka nag lakad pasunod sa kanya, habang nag lalakad ako ay napatingin ulit ako sa kamay ko.
Ang mga imahe na yun, naganap ba yun o sadyang kathang isip lamang?
Napukaw at bumalik ako sa aking pag iisip ng makitang nasa labas na kami ng palasyo at ang kailangan nalang naming gawin ay ang makatakas mula sa mga sundalong nag babantay sa gate ng palasyo, tumingin ako sa kanya. Naka tingin siya sa mga sundalo na naka tayo at nakatingin sa labas ng gate.
"May plano ka?" Tanong ko, tumingin sya sa akin at umiling.
"Wala, hindi ko alam ang susunod na gagawin." Sabi niya saka tumingin ulit sa mga sundalo.
"Masyadong matalino ang mga sundalo na iyan at sure ako na kapag nakita nila ako ay isusumbong nila ako kay ama." Sabi niya kaya napatingin ako sa mga sundalong yun, yung mga yun? Eh ang dali nga lang nilang takasan.
"May plano ako." Sabi ko, naramdaman ko ang pag tingin niya sa aakin, tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Pupunta tayo sa harap ng sundalong yun at sasabihin mo ang totoo na lalabas tayo sa palasyo." Sabi ko kaya nanlaki ang mata niya.
"Nababaliw ka na ba? kakasabi ko lang na mahigpit sila at isusumbong nila ako kay ama pag nakita nila ako." Sabi niya, tumingin ako sa mga sundalo.
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" Tanong ko. "Ikaw ang prinsepe, mga sundalo lamang sila. Mas mataas paren ang katayuan mo kesa sa kanila." Sabi ko at tumingin sa kanya, naka kunot ang nuo niya.
"Ganito nalang, para mas exciting." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Kapag pinalabas tayo sa pamamagitan ng pag papaalam mo sa kanila, kailangan mong sumunod sa tatlong utos ko, pero kapag sinumbong ka nila sa ama mo. Iyo na ang buhay ko." Sabi ko kaya natigilan siya at napatingin sa akin, ngumiti ako saka tumingin sa mga nag baabntay.
" Ano? Game?" tanong ko.
"Bakit mo ibibigay sa akin ang buhay mo?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya, puno ng pag tataka ang mata niya.
"Kasi yun naman ang trabaho ng isang yuniko tama ba? ang pag silbihan ang prinsepe ng buong buhay niya." Sabi ko kaya nawala ang kunot sa kanyang nuo at umiwas siya ng tingin.
"Sige, tara." Sabi niya saka nag simulang mag lakad palapit sa tatlong sundalo na nag babantay, napangisi ako habang pinapanuod siyang mag lakad. Talagang, madaling linlangin ang mga tao.
"Kamahalan, ano ang ginagawa niyo dito? hindi ba't oras na ng pag tulog niyo?" Tanong ng lalaking humarang sa akin nuong tinangka kong pumasok dito sa loob, napatingin ito sa gawi ko kaya ngumiti ako at agad na ginamit ang kapangyarihan ko na pasukin ang isip niya.
"Gusto kong lumabas at pumunta sa bayan." Kinakabahan na sabi ng prinsepe, nagulat naman ang dalawang kasama ng lalaking nasa ilalim ng kapangyarihan ko.
"Ngunit pinag--" Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin niya ng tignan ko ang mata niya at pasukin ang isip niya.
Ganon din ang isa, napangisi ako.
"Ngayun, sabihin niyo na mag iingat kami sa pag labas."
Sabi ko sa kanilang isip, natawa ako ng makita ko ang pag punta nilang tatlo sa gilid.
"Mag iingat po kayo kamahalan, kami na po ang bahala sayo pag balik mo." Sabi ng isang lalaki, naramdaman ko na nagulat si Pavel sa sinabi ng mga sundalo sa kanya.
Tumingin ako ng deretso ng lumingon sa akin si Pavel na gulat na gulat, nag kibit balikat lang ako.
"Tara na." Sabi ko kaya naguguluhan siyang nag lakad palabas ng gate, muli kong pinag masdan ang tatlo.
"Ngayun, isang oras matapos naming umalis, mag tungo kayo sa silid ng hari at sabihing lumabas ng palasyo ang prinsepe."
Utos ko sa kanilang tatlo, dahan dahan silang tumango kaya napa ngiti ako saka nag lakad pasunod kay Pavel.
Exciting kapag nalaman ng hari na nakalabas ang anak nila sa palasyo.
~~