Abyss Of Shadow 4

1156 Words
Ngumiti ako sa kanilang tatlo habang nakatayo sa harap nila, naka tingin ang target ko sa akin na nag tataka at naguguluhan habang ang dalawang kasama niya naman ay naka upo sa tabi niya at naka cross arms. "Ikaw ang bagong Yuniko?" Tanong ng target ko sa akin, tumango tango ako. Kumunot ang nuo nito saka natawa. "Grabe, himala ata na kumuha ng babaeng yuniko sila mama." Bulong niya saka tumingin sa akin. "Osige, ikaw na ang bagong yuniko ko." Sabi nito dahilan para tumingin ang dalawang kasama niya sa kanya ng masama. "Ano?" Sabay na tanong ng dalawang pake-alamerang lalaki sa kanya. "Pavel naman, hindi pwedeng basta basta ka nalang mag tiwala." Sabi ng lalaking kasing tangkad ko. "Bakit naman?" Tanong ni Pavel sa kanya, huminga ng malalim ang lalaki saka binatukan ang prinsepe ng malakas. "Paano kung spy yan o kaaway eh di napahamak ka? isa pa, hindi ka ba nag tataka kung bakit babae ang bagong yuniko mo? paano kung hindi pala siya pasok sa screening at isa siyang psycho na nag kukunwaring yuniko mo?" Tanong nito, natawa si Pavel saka hinampas ng malakas ang lalaki. "Hindi naman siya ganon." Natatawang sabi nito saka tumingin sa akin. "Paano mo naman nasabi?" Tanong ng Bael na tinawag niya kanina. "Kutob ko." Simpleng sagot ng prinsepe kaya napangiti ako, nagulat naman ang dalawa at akmang mag rereklamo pa ng mag salita ulit ang prinsepe. "Sya nga pala yuniko, ito si Bael." Sabi ng prinsepe habang nakaturo ang kamay sa lalaking mas matangkad sa amin ng isang lalaki. Tumaas lang ang kilay nito. "At ito naman si Cynrad." Sabi niya at tinuro ang lalaking mahaba ang buhok at kasing tangkad ko.  "Mga kaibigan ko." Sabi nito at ngumiti sa akin, ngumiti lang ako ng pilit.  "Alam mo naman na siguro kung ano ang gawain ng isang yuniko dahil ang pinsan mo mismo ang yuniko ko hindi ba?" Tanong nito sa akin. "Oo." Sagot ko dahilan para tumayo yung Bael at ituro ako. "Hoi babae, gumalang ka nga sa prinsepe, sabihin mo Opo." Saabi nito kaya napa tingin ako sa prinsepe at natawa. "Hindi ko gawain ang mag sabi niya." Sabi ko kaya napangiti ang prinsepe. "Ayus, eh di maganda. Parang tropa lang ang turingan natin, siya nga pala. Samahan mo ako mamaya sa bulwagan, may ituturo ako sayo." Sabi niya kaya tumango ako. "Ano ba naman Pavel? Mag higpit ka naman, ni hindi ka manlang niya ginagalang." Sabi naman nong Cynrad kaya natawa si Pavel. "Eh di kayo na maging prinsepe." Sabi niya kaya natawa ako, napatingin sa akin sila Cynrad at Bael habang ang prinsepe naman ay nakangiti. " Ay oo nga pala naalala ko!" Biglang sigaw ng prinsepe at tumayo. "Ano?" Sabay na tanong ng dalawa. "Hayst bakit ko ba nakalimutan ang gawain na yun?" Iritang sabi niya saka tumakbo palabas ng kwarto niya. "Hoi! saan ka naman pupunta?" tanong ni Bael pero hindi siya pinansin ng prinsepe, tumingin sa akin ang dalawa at kumunot ang nuo. "Bakit di mo sinundan?" Tanong ni Cynrad sa akin. "Sinabi niya ba na sundan ko siya?" Tanong ko kaya napa hampas sa hangin ang dalawa at halatang naiinis sila, napangisi ako. Ang mga tao nga naman, ang bilis madala sa emosyon. Tumalikod ako at saka nag lakad para sundan ang prinsepe.  Kung hindi ako nag kakamali ay pababa ng palasyo ang prinsepe, sa tarangkahan ang distenasyon niya. Normal lang ang aking pag lalakad ng marinig ko ang mga yabag ng mga kaibigan ni Pavel sa likod ko. "Hoi Yuniko! hayst bakit ba ang bagal mo mag lakad?" iritang tanong ni Bael kaya tumingin ako sa kanya. "Bakit hindi ikaw ang maging yuniko?" Nakangiti kong tanong dahilan para matigilan sila ni Cynrad, natawa ako. "Joke lang." Sabi ko at tinalikuran sila, mabilis na nag laho ang ngiti sa labi ko at pinag patuloy ang pag lalakad, kapag ako nainis sa dalawang ito, sisiguraduhin ko na gagawin ko silang alaga sa impyerno. Nang makarating ako sa tarangkahan ay pansamantala kong tinitigan ang prinsepe na kinakausap ang mga halaman sa gilid. Ang mga tao nga naman, sa simpleng bagay lamang sila sumasaya. "Oi Yuniko! halika dito bilis!" Tawag sa akin ng prinsepe ng makita niya ako, hindi arin nawawala sa labi niya ang ngiti habang naka tingin sa mga halaman, lumapit ako sa kanya at pinag masdan ang mga halaman. Wala namang kakaibang bagay sa mga ito para maging masaya ang isang nilalang, tumingin ako sa prinsepe. Ang babaw ng kaligayahan ng lalaking ito. "Tignan mo ito bilis, mamumulaklak na siya." Sabi niya habang naka tingin sa isang bulaklak. Ano namang gagawin ko kung namulaklak yan? Pag ako hindi nakapag timpi, dudurugin ko ang halaman na iyan hanggang sa mabuhol ang ugat. "Ang ganda na ng mga tanim ko." Sabi niya at tinignan ang mga halamang naka tanim sa paligid. "Madami akong nakitang magagandang halaman sa labas ng palasyo." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "Mas maganda at mas makulay pa kesa sa mga halaman na naririto." Sabi ko kaya napa nganga siya. "T-talaga?" Tanong niya at biglang nag pout. "Maganda ba ang labas ng palasyo?" Tanong niya, ngumisi ako sa loob loob ko, ngumiti ako sa kanya at tumango tango. "Bakit, hindi ka pa ba nakaka punta sa labas ng palasyo?" Tanong ko, umiling siya. "Ayaw nila ama dahil baka mapahamak daw ako." Sabi niya kaya natawa ako, napa tingin siya sa akin. "Ano namang nakakatawa doon?" Tanong nya. "Masyadong over protective ang ama mo kung ganon." Sabi ko at tumingin sa mga halaman. " Tinatanggal nila ang karapatan mo para maging isang malaya." Sabi ko at tumingin sa kanya. "May iba naman akong kilalang prinsepe na nakakagala kahit saan nila gusto at di sila napapahamak." Dagdag ko saka ngumiti sa kanya. " Sadyang tinatanggalan ka lang nila ng karapatang lumaya." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya. " Hindi naman siguro." Sabi niya at ngumiti, "Sigurado ako na kapakanan ko lang ang iniisip nila." Sabi niya kaya mas lalo akong natawa. "Ikaw din, hindi mo nalilibot ang nasasakupan nyo, hindi mo nakikita ang ganda ng paligid sa labas ng palasyo." Sabi ko at umupo saka tinignan ang kulay dilaw na halaman. "Ayaw mo bang makita ang lugar sa labas ng palasyo?" Tanong ko, hindi siya sumagot. Natahimik siya. "Gusto pero--" "Yun naman pala eh." Putol ko saka hinawakan ang halaman. "Eh di tara, lumabas tayo." Sabi ko habang nakatingin sa halaman. "Pero bawal nga." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Pwede yan, basta hindi tayo mag papahuli." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya, napa ngisi ako at tumayo, nakita ko ang dahan dahang pag lanta ng halaman na hinawakan ko. "Una, kailangan lang natin mag paalam na matutulog ka, saka tayo lalabas mamayang gabi." Sabi ko kaya napamkurap siya. "Paano kapag nahuli tayo?" Tanong nya. Ngumiti ako sa kanya. "Eh di ,mag sinungaling ka." Sagot ko kaya natigilan siya at napatingin sa ibang dereksyson. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD