Abyss Of Shadow 3

1093 Words
Ngumisi ako ng matapos ko ng suotin ang damit ng isang taga silbi na dinakip ko kanina lamang, tumingin ako sa katawan ng taga silbi na ngayun ay hindi na humihinga. Mukhang sa impyerno ang bagsak ng isang ito. Binalik ko ang tingin ko sa harap at naningkit ang aking mata ng makita ko ang isang taga silbi na papunta sa dereksyon na ito kaya naman agad akong nag lakad para salubungin ito. "Nandito ka lang pala."Sabi nito at biglang inabot sa akin ang isang tray na may lamang pagkain. "Ihatid mo na ito sa kwarto ng prinsepe at sabihing maligo na siya, ang alaga mo na yun talagang pasaway." Sabi nito kaya ngumisi ako, mukhang ang yuniko pa ata ng prinsepe ang nabiktima ko. Kung sinuswerte ka nga naman. Ang yuniko ang syang tagapag bantay ng prinsepe sa loob o labas ng palasyo, ibig sabihin lagi akong makakasunod sa prinsepe, saan 'man ito mag tungo. Buti at hindi din napansin ng  mahinang nilalang na ito na iba ang itsura ko. "Pupuntahan ko na siya." Sabi ko at nag lakad papasok sa palasyo habang dala dala ang tray na inabot sa akin ng babaeng iyon. Pag pasok ko palang sa pinto ng palasyo ay naamoy ko na agad ang mga kasalanan  ng bawat isang naririto. "Ang bango." Bulong ko at napangisi. "Yuniko! dalhin mo na ang pagkain ng prinsepe sa kanyang silid at-- teka sino ka?" tanong ng isang matandang babae sa akin na naka suot ng damit ng mga tagasilbi dito. "Yuniko." Sagot ko, kumunot ang nuo niya. "Alam ko pero nasaan ang lumang yuniko ng prinsepe?" Tanong nito kaya natawa ako. "Huli ka na ata sa balita." Sabi ko habang nakatingin sa mata niya. "Nag bitiw na ang pinsan ko sa kanyang tungkolin dahil sa napaka kulit ng prinsepe, kaya naman ako na ang humalili sa trabaho niya ng sa ganon ay hindi mahirapan ang mahal na hari sa pag hahanap ng bagong yuniko ng prinsepe." Pag sisinungaling ko, tumango tango siya na para bang tunay ko siyang napaniwala. "Ganon, sige. Dalhin mo na ang pag kain niya sa kwarto, teka saglit ano yang nasa ulo mo?" Tanong nito habang naka tingin sa maliit kong sungay. "Eto ba?" Tanong ko at hinawakan ang sungay ko saka natawa. "Head band, nagandahan lang ako kaya binili ko at sinuot ko." Sabi ko, muli ay napaniwala ko siya. Ang taong ito, madali siyang maluko, hindi na ako mag tataka kung bakit ang daming nawawala sa kanya dahil sa mabilis siyang mag tiwala sa iba. "Sige, sa taas kumaliwa ka at sa pinaka unang pinto, naruruon ang prinsepe." Sabi niya at ngumiti sa akin. "Alam mo naman na siguro ang trabaho ng isang yuniko tama ba?" Tanong niya, tumango tango ako. "Mabuti kung ganon, dalhin mo na yan don dahil lagpas na sa oras ang pagkain ng prinsepe." Sabi niya saka ko iniwan, sinundan ko ng tingin ang babaeng iyon  saka nag lakad paakyat sa hagdan at sinunod ang dereksyon na sinabi niya. Kahit naman hindi niya ituro, malalaman at malalaman ko parin kung nasaan ang prinsepe na yun. Sa lahat ng taong naririto sa loob ng palasyo, siya lamang ang hindi ko naamoy na may nagawang kasalanan. Kaya pala siya ang misyon ko. Huminto ako sa harap ng pinto na may nag babantay na dalawang kawal. "Yuniko! buti nalang nandito ka n--sino ka?" Bungad sa akin ng isang lalaki na kasing tangkad ko, may itim na mahabang buhok na hanggang balikat niya, singkit na mata, matangos na ilong at pulang labi. Napangisi ako sa loob loob ko. Ang isang ito, matalino pero manloloko ang mga magulang, ang tanging kasalanan na naamoy ko sa kanya ay pagkainggit. "Nasan ang dating yuniko?" Tanong ulit nito. "Ksara ang pangalan ko, ang pinsan ko umalis na at ako ang pumalit bilang bagong yuniko ng mahal na prinsepe." Sabi ko, mula sa likod niya ay sumilip ang isa pang lalaki na medyo singkit din ang mata, sakto lang ang haba ng buhok at mas malaki sa amin unti. "Isa kang babae, hindi ba dapat lalaki ang yuniko ng kamahalan?" Tanong nito sa lalaking nasa harap ko, tumingin ito sa akin. " Pasok ka ba sa screening ng mahal na hari at reyna?" Tanong nito. Tumango tango ako bilang sagot, kumunot ang nuo nito. "Himala, kumuha sila ng isang babaeng yuniko." Bulong niya, ang isang ito naman ay may pagka mangmang, ngunit tuso sa pag sisinungaling. Hindi na ako mag tataka kung makikita ko ito sa lugar ko pag oras niya na. "Sige, pumasok ka na." Sabi ng lalaking kasing tangkad ko, biglang humarang ang lalaking nasa likod nito at pinag masdan ang sungay ko. "Ang panget ng taste mo sa head band ah." Sabi nito saka tumingin sa mata ko. "Nasa banyo pa siya, ilapag mo muna ang pagkain niya jan at hintayin siyang lumabas sa banyo niya." Sabi nito at saka ako pina daan, gaya ng sinabi niya, nilapag ko ang pagkain sa isang mesa saka tumingin sa buong kwarto ng prinsepe.  Ang pangit ng kulay, masyadong masakit sa mata.  Hindi ba nag sasawa ang mga taong ito sa pag gamit ng mga matitingkad na kulay? "Hoi, bakit ang kulit mo? tumayo ka lang jan at hintayin ang prinsepe, bakit ka umupo sa kama ng prinsepe?" Tanong ng lalaking kasing tangkad ko. "Ngayun lang ata siya naka kita ng ganitong kalaking kwarto." Sabi ng isa. "Hindi rin." Sabi ko kaya kumunot ang nuo nila. "Mas malaki at mas malawak ang kwarto ko kumpara dito." Sabi ko kaya nagulat sila. "Sa sobrang lawak at laki, may lugar pa kayong dalawa don." Sabi ko at ngumiti sa kanila. Halatang hindi nila na gets ang sinabi ko kaya natawa lang ako. "Ano bang sinasabi mo? isa ka lang hamak na yuniko kaya imposibleng mas malaki pa sa kwarto ng prinsepe ang kwarto mo." Sabi ng isang lalaki kaya natawa ako saka tumayo at nag lakad para libutin ang paligid. "Hoi, ang kulit mo ah. Sabing tumayo ka lang." Inis na sabi ng kasing tangkad kong lalaki. "Mga ilang oras aabutin bago matapos maligo ang prinsepe?' Tanong ko sa kanila. "Ano bang ingay yan Bael?" Napatingin kami sa nag salita mula sa isang pinto dito sa loob ng kwarto, mula don ay lumabas ang target ko na naka tuwalya ang kalahating katawan habang may mga tumutulo tulo pang mga tubig sa kanyang katawan at basang buhok. Ang target ko, narito na sa harap ko. Ngayun mag iisip nalang ako kung ano ang unang ituturo ko sa kanya para maging masama siya. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD