"Ano ba yang nasa ulo niya?"
"Head band ba ang sungay na yan?"
"Bago lang ata siya dito."
"Ba't may sungay siya? Malayo pa halloween ah."
Isa yan sa mga naririnig ko dito habang nag lalakad ako. Ang mundo ng mga tao, masyado silang magugulo at mapang husga, may lugar silang lahat sa impyerno kung saan kailangan nilang mag salita lahat ng sabay sabay kung hindi ay ihuhulog sila sa kumukulong asupre.
Napatigil ako sa pag lalakad at tumingin sa langit, nasinagan ng araw ang aking mukha dahilan para mapapikit ako.
Kung ako lang ang masusunod, aalisin ko ang araw na iyan. Masyadong masilaw, masakit sa mata.
"Hoi babae, bago ka lang ba dito?" Bumaba ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko, kung hindi ako nag kakamali ay isang r****t, mamamatay tao ang nasa harap ko.
Ang bango ng kasalanan nya, kapag hindi ako nakapag pigil ay baka mapag laruan ko siya.
Pinag masdan ko lang ang lalaki saka nilagpasan ito at muling nag lakad.
"Hoi, kinakausap kita!" Tumigil ako ng sigawan niya ako.
"Ayst..." Huminga ako ng malalim saka tumingin sa lalaki.
"Gusto mo bang... Mag laro?"nakaka akit kong tanong, napa ngisi ako ng matigilan siya at kitang kita ko ang pag bukol ng alaga niya.
"Saan mo ba gusto?"tanong ko at lumapit sa kanya.
"Mag lalaro tayo ng langit, lupa, impyerno." Sabi ko ay hinawakan ang balikat niya saka lumapit sa mukha niya.
"Wag dito, masyadong maraming tao."naka ngisi niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa isang madilim na iskinita, pabalibag niya akong binitawan sa pader saka nag mamadaling hinubad ang damit niya.
"Tamang tama, tigang pa naman ako ngayun."sabi niya at biglang lumapit sa akin saka ako hinalikan sa leeg, napa ngisi ako.
Sa paanong paraan ko ba ilalagay ang lalaking ito sa lugar ko? Sigurado akong madaming nadagdag sa trabaho ni Alada.
"Mag hubad ka na bilis." Bulong niya habang hinahalikan ang leeg ko.
"Sige, sabi mo eh."sabi ko saka siya tinulak sa pader at tinignan ng kaakit akit.
"Urgh, mas lalong tumitigas ang alaga ko dahil sa titig mo na yan." Sabi niya, ngumiti ako ng nakakaloko.
"Paano kung ganito ang titig ko?"tanong ko saka binago ang anyo ko, dahilan para matigilan sya at magulat.
Ngayun palang ay nararamdaman ko na ang matinding takot na dumadaloy sa buong katawan nya.
"Oh, akala ko ba tumitigas lalo ang alaga mo?"tanong ko at pinagapang ang alaga kong ahas sa kanya.
"D-demonyo!--" natawa ako ng biglang tuklawin ng ahas ko ang lalaki, dahan dahang naging bato ang katawan nito dahil sa tuklaw ng alaga ko.
"Hayst, sayang. Hindi mo manlang pinakilala ang alaga mo saakin." Sabi ko saka muling nag anyong tao. Tumalikod ako at nag simulang mag lakad palabas sa iskinita na ito.
Nang makalabas ako ay tinanaw ko ang mataas na gate ng Winsoul kingdom mula dito sa kinatatayuan ko.
Jan mismo, nakatira ang lalaking pakay ko.
Muli akong nag lakad palapit sa gate naiyon. Kung hindi ako nag kakamali, ang biktima ko ay isang prinsepe. Kaawa awang nilalang.
Napatigil ako sa pag lalakad ng nasa harap ko na ang isa sa mga kawal na nag babantay dito sa gate. Tinignan niya ako na para bang sinasabi na off limits ang lugar na ito.
"Bago ka lang ba dito?"tanong nito sa akin. Lumapit ako sa kanya at inamoy siya, muling kumurba ang ngiti sa labi ko ng maamoy ko ang mga kasalanan niya.
Pag nanakaw at pag patay ng tao, ang bangong kasalanan. Tinignan ko siya at ngumiti sa kanya. Tila naguguluhan naman siya kung bakit ko siya inamoy.
"Nanjan ba ang... Prinsepe niyo?"tanong ko, agad nila akong tinutukan ng mga hawak nilang sandata at tumingin sa akin ng masama.
"Sino ka?" Madiing tanong ng bantay na inamoy ko, ngumiti ako.
"Kapag ba sinabi ko kung sino ako, papapasukin mo na ako?"tanong ko, mas lalo nilang nilapit ang hawak nilang sandata sa akin.
"Bawal pumasok ang mga taga labas sa palasyo."sabi nito kaya nag pout ako dahilan para matigilan sila at saka nag cross arms.
"Ganon? Malas naman."sabi ko at ngumiti sa kanila.
"By the way, kilala niyo ba ito?"tanong ko saka nilabas ang larawan ng lalaking ibinigay sa akin ni ama. Kumunot ang nuo nila at tumingin sa akin.
"Anong kailangan mo sa kamahalan?"tanong nito kaya napa ngiti ako, tama ang hula ko. Isa siyang prinsepe.
"Wala tinatanong ko lang."sabi ko saka inagaw sa kanila ang larawan at ngumiti.
"Alam niyo, ang bango ng mga kasalanan niyo, hindi niyo naman hilig na manloko ng tao at pumatay ng tao, tama ba?"tanong ko kaya natigilan sila at nagka tinginan. Natawa ako.
"Pavel! Bumalik ka nga dito!" Napa tingin ako sa loob ng palasyo, naningkit ang mata ko ng makita ko ang isang lalaki na tumatakbo habang may dalang pagkain.
Siya yun, ang misyon ko.
Napa ngiti ako at pinag masdan ito.
Sa paanong paraan ako makakapasok sa loob nito at mapalapit sa lalaking iyan?
"Umalis ka na." Sabi ng isang kawal kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya saka ngumiti
"Sige, sabi mo eh."sabi ko saka muling tinitigan ang lalaki. Tama, madaling mauto ang isang ito.
~~