Huminga ako ng malalim habang pinag mamasdan ko ang mga kaluluwa ng mga taong nagkasala.
"Sige pa, lakasan niyo ang apoy." Utos ko sa mga kasama ko, sumunod naman sila at agad na nilakasan ang apoy, dahilan para mas lalong umingay ang paligid dahil sa daing ng mga taong naririto.
"Prinsesa Ksara, pinapatawag po kayo ng inyong ama." Bored kong tinignan ang tumawag sa akin, huminga ako ng malalim saka kinuha ang buntot pagi na nasa tabi.
"Sige, papunta na ako." Malumanay kong sabi saka binaba ang aking buntot at paa, nag simula akong mag lakad papunta sa labas ng kwartong ito habang hinahampas ng buntot pagi ang mga taong nasa malapit sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng mawala ang ingay nila sa aking pandinig, nakakarindi.
Taas nuo akong nag lakad papunta sa silid ni Ama habang inaayus ang buntot pagi ko.
May dalawang tauhan ni ama ang nag bukas ng kanyang pinto, mula palang sa labas ay naamoy ko na ang malansang amoy ni ina kasama ang kapatid ko. Napairap ako ng makita silang tatlo na naka tingin sa akin.
"Pinapatawag mo daw ako?"tanong ko at umupo sa isang bakanteng upuan dito sa harap ni ama.
Ngumiti si Ama saka pinakita ang isang kaluluwa sa akin na nilalabasan ng uod sa kanyang katawan.
"Ang ganda hindi ba?"tanong ni ama sa akin, tinignan ko lang siya at inabangan ang susunod niyang sasabihin.
"Masyado ka namang seryoso Ksara." Natatawang sabi ni Ina habang naka upo sa isang kaluluwa na wala ng mata.
"Kelan ba hindi naging seryoso si Ksara?"tanong naman ni Alada, ang kapatid ko. Nakatingin siya sa kanyang salamin habang hinahasa ang mahaba niyang sungay. Huminga ako ng malalim saka nilaro ang bunto't pagi na hawak ko.
"May paparusahan pa akong mga tao, sinasayang niyo oras ko."sabi ko at tumayo.
"Ipaubaya mo na kay Alada ang pag paparusa sa mga tao."sabi ni ama kaya napatingin ako kay Alada na halatang wala lang sa kanya ang sinabi ni Ama.
"At bakit naman?"tanong ko, ngumiti si ama at pinitik ang kamay dahilan para magkaruon siya ng papel sa kaliwang kamay niya.
"Bagong misyon para sa prinsesa."naka ngising sabi ni ama at inihagis sa gawi ko ang papel na hawak niya kanina, agad ko itong sinalo at tinignan.
Isang larawan ng lalaki. Tumingin ako kay ama.
"Kelan pa ko naging tagasundo ng mamamatay?"tanong ko, sabay silang natawa dahil sa sinabi ko.
"Matagal pa siyang mamamatay Ksara, excited ka naman."sabi ni Mama habang natatawa. Umirap ako.
"Ang misyon mo, ay gawing masama ang lalaking yan."sabi ni papa kaya muli kong tinitigan ang larawan saka natawa.
"Ang trabaho ko,ay mag bigay ng karma at parusahan ang mga kaluluwa na pumapatay ng tao."sabi ko at tumingin sa kanila.
"Wala kang magagawa, yan ang misyon mo kailangan mong tapusin kung hindi..."tumigil si Alada sa pag hahasa ng sungay niya. Tumingin siya sa akin at saka ngumisi.
"... Matutulad ka kay Avila."dagdag niya, ang mga nilalang na gaya namin ay kailangang gawin o tapusin ang isang misyon. Sa oras na hindi namin ito natapos ay mawawala kami sa mundong ito.
Huminga ako ng malalim.
"As if may magagawa pa ko."sabi ko saka tinago ang larawan ng lalaking naka atas sa akin.
"Ang sabi niyo, gawing masama ang lalaking yun, wala kayong sinabi na hindi ko sya pwedeng pag laruan."sabi ko, natawa silang tatlo.
"Ikaw ang bahala, basta gawin mo siyang masama at pag nagawa mo, maaari ka ng bumalik dito at gawin ang mga trabaho mo."sabi ni ama kaya tumalikod na ako.
"By the way, palitan mo ang anyo mo." Tumigil ako sa pag lalakad at tumingin kay Alada.
"Ang mga tao, masyadong sensitive sa mga nakikita nila. Palitan mo ng white ang balat mo at paliitin ang sungay mo, subukan mo ding alisin ang pangil at buntot mo, hindi tanggap ang mga yan sa mundo nila."sabi niya habang naka tingin sa salamin at hinahasa ang sungay niya.
Muli akong tumalikod at nag simulang maglakad palabas sa silid.
"Babalik din ako, kaagad."sabi ko, narinig ko pa ang tawanan nila pero hindi ko na ito pinansin pa.
Sa itsura ng lalaking iyon, mukhang madali lang siyang turuan ng mga masasamang gawain.
Basic ang misyon na ito.
Baka bukas ay nandito na ako kaagad.