Chapter 18

974 Words
Chapter 18.: Party Julian's Pov, Julian Collins liked your status. Nilike ko nalang, same naman kami e. 'Tong dalawang nasa harap ko, sige landian. Kaka-f*******: ko, nakalimutan kong bababa pa pala ako kaya naiwan tuloy ako sa loob ng kotse. 'Yung dalawa busy sa paglalandian kaya 'di na sinabi na nasa tapat na kami ng school. Tumakbo ako papanik ng room. Grabe nakakahingal. Pag-akyat ko do'n tinignan ko ng masama 'yung dalawa. Nakaholding hands pa tapos nakaakbay sa kanya si Jade. Umupo na ko sa upuan ko. Dumating si ma'am. "Okay class lets party, simulan muna natin sa mga palaro. Kunin nyo 'yung mga partners nyo,"ani ni Ma'am. Hinanap ko si Kristin, nasan na ba 'yun? Biglang lumapit si Samantha. "Ang sweet mo naman hinahanap mo ko,"Puta? Ano daw!? Assuming pala neto. Hinatak nya ko papunta kay ma'am. "Ma'am kapartner ko po,"Sasabihin ko sana na hindi kaso nagsimula na 'yung palaro ni ma'am. Nakita ko si Kristin, hinahanap ako. Nagtama 'yung mata namin pero agad kong binawi, nakita ko kase s'ya nakataas ang kilay at galit. "Ang unang laro! Paper dance,"paper dance? f**k! Masyadong sweet 'yon! "Pwesto na!"binigyan kami ng dyaryo, ang sarap bilutin nito tapos ipukol sa Samantha na 'to, kung ako tatanungin—mukhang malandi 'to pero maganda. Hays. Malandi talaga. Ang daming naging boyfriend nito. Tingin ko nga 'di na inosente 'to. First song, nakapasok kami. Sa second song natagal 'yung isang pares kase ang landI! Third song kung saan one-eight pa 'yung d'yaryo natanggal na agad sila Julia, kasalI pala sila? Tsk. Fourth song one-sixth nalang 'yung dyaryo muntik na kami mahulog ni Samantha, buti nalang pinasan ko sya. Bakit ko ba 'yun ginawa, 'di bale na nga,one hundred din ang premyo. Fifth song and the last round. Tatlo nalang kaming natitira. Binuhat ko si Samantha, one-fourth nalang kase ang dyaryo, nanalo kami ni Samantha. Buti nalang magaang 'tong Samantha na 'to kundi ako pa ang binuhat nito. Nakatingin si Kristin samin, ang sama parang matutunaw na nga ako e. Hayaan mo s'ya, 'di naman kami e. Kapartner ko lang s'ya sa dance party pero 'di sya ang magpapasya ng gagawin ko. Pero bakit gano'n? Parang may tumusok sa dibdib ko? "Kumain muna tayo!"sabi ni ma'am, sabagay nakaka-gutom ang paper dance.  Nakahelera 'yung mga pagkain sa lamesa, ang daming pagkain, may pang-dessert pa. Ice cream, cake, letche flan, at iba pa. Kumuha ako ng pagkain, kinuha ko na din si Kristin para naman makabawi ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit pero may nag-uutos saakin na gawin ko 'to. 'Di ko talaga alam kung bakit ko 'to gagawin, hayaan mo na. Nakita ko kase sya sa isang table. Lonely. Tumabi ako sa kanya, "Oh, pagkain oh, nakita kase kitang nagiisa,"limingon s'ya sa iba. Ang arte naman nito! S'ya na nga binibigyan e. "Alam mo, madami pang games d'yan, ang cute mo tuloy pag-umiiyak ka,"ani ko bilang pang-uuto. Tumingin s'ya sa'kin, 'di ko alam kung anong pinagsasabi ko. "Talaga?" tanong n'ya sa'kin. I nodded. Kinuha n'ya 'yung pagkain na binibigay ko sa kanya. Sabay kaming kumain. Nilabas ko 'yung phone ko, "Selfie tayo Kristin,"nag-smile s'ya sa camera. Ipopost ko nalang 'yan mamaya sa f*******:, para may remembrance ako..Pagkatapos namin kumain, nag-pahinga muna kami tsaka kami sumali ng palaro ni ma'am. "Next game. Bring me,"sisiw lang 'yan sakin e! Dalawa kami ni Kristin na sumali, meaning magkalaban kami. Hindi kasi by partner ang laro. "Bring me. . .blue shoes,"nakita ko si Jade, blue 'yung sapatos nya. Hintak ko ka'gad 'yung sapatos nya. "Hoy! Ibalik mo 'yang sapatos ko,"kawawa s'ya atleast napakinabangan ko s'ya. "Julian,.one point,.up to 5 lang 'to ah,"sabi ni Ma'am. Sisiw na sisiw! "Bring me. . .white hair,"Wala naman saming may puting buhok. Tumingin ako sa buong room wala akong makita. "Okay, Kristin have a one point,"tumingin ako kay Kristin. Pa'nong nagkaron ng puting buhok sa room? "Si ma'am!?"bakit di ko natandaan 'yun? Warm up palang 'yan. "Bring me babaeng pabebe,"ang dame sinong kukunin ko? Si Julia, Kristin o Samantha? Si Julia na nga lang, "Okay Kristin have a point again,"Binigay n'ya kay ma'am 'yung sarili n'ya? Atleast umamin s'ya na pabebe sya. Damn? Di naman siya pabebe ah? After bring me, sya yung nanalo. Kainis. 'Yong sisiw naging manok dahil kay Kristin. 'Di na ko naglaro ulit kase mabilis akong mapagod. Nag-f*******: muna ako, pinost ko 'yung picture namin ni Kristin. Post your Status: With Kristin Raven - feeling happy. Pagkapost ko no'n, tinago ko na din agad yung cellphone ko. Tumingin ako sa orasan. 4:36 na, ang bilis. Wala bang nag-fafast forward ng oras? Parang ang bilis bilis ng mga panyayari e. *** "Get your partners because it's 2 minutes before the dance,"sabi ni ma'am. Hinanap ko agad si Kristin. "Huy! Nandito lang ako,"tumingin ako sa likod ko. "Akala ko hahanapin nanaman kita e,"sabi ko kay Kristin. Tumingin ako sa orasan 6:00 na. Madilim na sa labas, binuksan yung disco light at pinatay 'yung ilaw. "Dance Time,"sabi ni ma'am, pumunta lahat sa gitna at sumayaw. Ang ganda ng tugtog, ang saya, pang couple 'yung kanta. Biglang nagkamali ng tugtog yung DJ at nalakasan pa nya 'yung tugtog. [Stupid Love] Nang mainlove ako sayo Akala koy pagibig mo ay tunay Pero di rin nagtagal Lumabas na rin tunay na kulay Nagkatuwaan tuloy, 'yung romantic dance naging parang hiphop dance. Ang yong kilay na magmataas At laging namimintas Pero sarili kong Ang yong winawaldas Ang saya ng room, parang kami lang yung tao sa lugar na 'yon. Party! 'Yan ang party! Ang saya, tinignan ko si ma'am, nakikipag sayawan kay sir. Si Julia masaya namang nakikipag sayaw kay Jade, mabuti 'yun kase kapag 'di naging masaya 'yan, uupakan ko talaga sI Jade. *** Nag-uwian na 'yung mga students, sinundo sila nung mga parents nila. Pero nakita ko sila Jade with his mother and Kristin with her parents. Ano kayang pinaguusapan nila? Baka importante 'yun. Nasaan na ba si Julia? Ang tagal naman n'ya lumabas, 8:00 na, nasa'n na ba 'yun? Nakita ko sya after 5 minutes, nagpaalam lang pala kila Jenny. Umuwi kami kagad kase inaantok na ko. Natawa nalang ako sa naisip ko, at the same time natuwa. This is the Best Party ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD