Chapter 19.: Twins
Kristin's Pov,
Inaantok na ko. Pumasok na ko sa kotse, ang tagal kase ng chismisan ng mga magulang ko at ni Jade. Lumabas ako ulit, tatawagin ko na sila mom at dad, gusto ko na makauwi e.
"Mom! Uwi na tayo, antok na po ako,"nakita ko si papa na naka-yakap kay Jade. Tumingin si mom sa'kin, umiiyak. Parang tears of joy. Did I miss something?
"S-si Philip anak, nahanap na namin s'ya,"Hah? Ano daw? Si-si Philip?
"Ph-philip? Niyakap ko k'agad s'ya ng mahigpit,"si Jade ay si Philip?
S'ya 'yung kapatid namin ni kuya Tony, nakidnap s'ya dati no'ng bata pa ko. Binitawan ko sya at niyakap ulit, wala akong pakialam kahit playboy 'to, atleast nalaman kong kapatid ko 'to.
"Tara na anak,"sabi ni mom habang hinihila papunta sa loob ng kotse. Tumingin si Jade sa nanay nanayan n'ya na umiiyak at nakatalikod.
"Sige na anak, sumama ka na sa tunay mong pamilya,"humarap ito at ngumiti. Ngiting malungkot. Sumakay kami sa kotse, sabay kaming pumasok sa loob. Nag-kwentuhan kami sa loob ng kotse, biglang huminto 'yung kotse. Nasa tapat na kase kami ng bahay.
Pagbaba namin, pumasok na kami nila mom sa bahay habang nilalagay ni dad 'yung kotse sa bakuran. Binuksan ni mom yung ilaw.
"I-Ito po ba ang b-bahay natin?"nauutal na sabi ni Philip habang iniikot ang mata nya.
"Oo, ito na ang magiging bahay mo anak. Oh Kristin, samahan mo na sya sa magiging kwarto n'ya,"aniya ni Mom. Umakyat kami sa hagdan, binuksan ko 'yung pinto at yung ilaw ng isang kwarto doon.
"Ito na 'yung bago mong kwarto, nasa kabila lang ako, kung may kailangan ka tawagin mo lang ako,"iniikot n'ya 'yung mata n'ya sa buong kwarto. Pumunta na ko sa kwarto ko at humiga sa kama, tumayo ako ulit at nag-bihis.
Pagkatapos ko magbihis, humiga ako ulit sa kama, binuksan ko 'yung Faceboook ko. May nagpost ng party namin.
Julian added new photo
With Kristin - feeling happy
Like 46 comment 34
Nag-like ako, napost pala n'ya yon? Sino kaya 'tong mga nagcomment?
"Ang cute nila, perfect tandem silang dalawa."
"Ang lande talaga ng Kristin na 'to!.pati si daddy Julian pinapatulan!"
"Sana ako nalang ang kasabay mo kumain Julian."
Pinatay ko 'yung cellphone ko, wala namang kwenta 'yung mga comment. Tss. Nagbeep yung phone ko, f*******: notification ata.
Julian commented on his post:
"Grabe naman kayo kay Kristin, wala naman syang ginawa sainyo ah!"
Pinagtanggol nya ko? Tumalon ako sa kama sa sobrang saya ko, kaso Nahulog tuloy ako. "Aray!"nauntog ako sa sahig, ang sakit parang ang laki ng bukol ko.
"Anong nangyari?"nasa pinto lang pala si Philip, ang awkward ko tuloy.
"Ah wala, nahulog lang ako sa kama,"ang sakit talaga. Ni-lapag ko sa kama 'yung cellphone ko, bumaba muna ko para sa medicine. Pagkabalik ko sa kwarto, nakangiti sa'kin si Philip,.ano kayang iniisip nito?
"Nagdadalaga na ang ate ko," Yes ate. Mas matanda ako sa kanya ng 3 minutes. Hawak nya 'yung phone ko, nakita nya ba 'yung picture na pinost ni Julian at 'yung comment nya?
Kinuha ko kagad yung phone ko. "Bakit ka nangenge-alam ha?" Pabiro kong tanong dito.
"Crush mo ba si Julian?"tumingin sya sa'kin, anong sasabihin ko? Baka ipagkalat nya pag sinabi ko sa kanya, sabagay matagal pa naman ang pasok.
"Oo,"ngumiti s'ya sa'kin at lumapit.
"Susuportahan kita dyan,"ngumiti sya sa'kin, gano'n din ako sa kanya.
"Matulog ka na nga!"humiga ako sa kama, iniwan ko lang bukas 'yung ilaw ko sa kwarto, 'di kase ako sanay na patay 'yung ilaw. Lumabas sya ng pinto at bumalik sa kwarto nya.
Excited na ko na ipag-malaki na kapatid ko si Philip, at kambal kami, may maniwala kaya?
***
January 3
After almost 3 weeks, ini-spend namin nila mom ang time namin para kay Philip. Nag-celebrate kami ng Christmas at New year, ang saya namin. Pasukan na naman, nakaka-tamad, kase parang babalik nanaman sa normal lahat.
Pagpasok, sabay kami ni Philip pumasok, nakatingin samin lahat ng babae. Ingit lang sila kase kasama ko si Philip, Magkapatid kase kami. Pero hindi pa nila alam.
Umupo ako sa upuan ko, sinalubong naman s'ya ni Julia, parang galit. Ang narinig ko nalang na sinabi ni Philip, "Kapatid ko sya."
'Yun lang ang sinabi ni Philip. Pumasok sa loob si ma'am, parang busy sya at hinihingal sa sobrang busy nya.
'Di na kami nakapag-good morning kase nagsalita na kagad si ma'am.
"Okay anouncement class, we are going to have camping in Mount Ararai sa January 5, pumunta nalang kayo sa principal office para bayad n'yo, okay class?"mabilis na ani nito.
January 5, sa wednesday na kagad, excited na ko. Mahilig din kase ako sa mga hiking. Sasama kaya si Julian? Sana naman sumama sya sa camping.
Nag-simula na 'yung class. Nakalutang lang 'yung isip ko kase nasa camping na. Sa sobrang lutang ng isip ko, nag-ring na 'yung bell. Lunch na. Parang ang tagal kong naka-lutang sa hangin.
Bumaba kami ni Philip sa canteen, kasama namin sila Julia at Julian. Tabi kami ni Julia at tabi naman sila ni Julian, sayang dapat si Julian nalang ang tinabi sakin eh. Ang dami paring nakatingin samin ni Philip, ano bang problema nila?
"May Julian na may Jade pa!"
"Hayaan mo na nga yang baliw na babae na 'yan, si Jade pa ang pinili nya!"
'Di ko na kaya 'to. Tumayo ako sa lamesa, nagulat pa nga si Philip at sila Julian.
"Kapatid ko po si Jade at hindi ko sya nilalande!"bumaba ako sa lamesa. Tumatawa si Julian, kainis kase 'tong mga 'to eh, para tuloy akong tanga. Umakyat nalang ako sa taas, 'di nako kumain, lalabas naman kami mamaya eh.
***
Pumunta kami ni Philip sa Principal office, mag-babayad na kami para sa camping. Pagkatapos namin magbayad, lumabas na kami kase nasa labas na sila mom at dad, lalabas pa kase kami.
Nakita ko si Julian at Julia na pumasok sa principal office. Yes! Mukhang sasama sila sa camping ah. Pero sasama nga kaya? Baka mamaya pumasok lang. Hay.
Pero sana sumama sila.
Pumunta na kami ni Philip sa kung saan naka-park ang kotse nila Mom. Then, umalis na kami. Umandar na ang kotse. Papunta kami ngayon sa beach. Gusto kasi namin ng quality time.
You know, hindi sapat ang tatlong linggo kumpara sa taon na nawala si Philip saamin. Naka-halumbaba ako sa bintana ng kotse. Papunta kami ngayon sa Batangas. Doon napili nila Mom na mag-beach.
Although may pasok bukas. Gusto kasi nila araw-araw may puntahan kami. Para ng sa gano'n, maging mas close pa kami. Bumibisita din naman si Philip sa umampon sa kaniya.
Minsan kasama namin sa gala pero minsan siya na din ang umaayaw. Siguro gusto niya na magkaro'n kami ng bonding as a family. Eto namang si kuya Tony, may nililigawan na.
Ayaw pa nga sumama sana sa beach trip namin kaso bi-nlack mail ko siya at sinabing sisiraan siya sa nililigawan niya. 'Di ko nga alam na kakagatin niya ang ganong klaseng black mail.
He's too smart and brave para maniwala doon.
"Here we are!" Sigaw ni Dad nang makarating kami sa Batangas. Halos dalawang oras kaming bumyahe para makapunta dito. At ang sumalubong saamin ay presko at sariwang hangin.
"Who's up for the beach?" Nakangising sabi ni Mom.
We ran towards the beach. Nilubog ko ang mga paa ko sa buhangin. Gumawa ng sand castle kaso eto namang si Kuya Tony sinira. Nakakainis. Nag-rent din kami ng matutuluyan. Hindi kami mag-oover nigjt dahil may pasok pa bukas.
I like being with my family. I love them.