Chapter 20 : Camping
Julian's Pov,
Excited na kami ni Julia para sa camping sa January 5. First time palang kase namin magcamping. Eh nauto namin si Mama na sumama kami sa camping.
Sa sobrang excited nga namin ni Julia nag-ayos na kagad kami ng gamit para hindi kami makapos sa oras kapag camping day na.
***
January 5.
Madaling araw palang gising na kami ni Julia, excited kase at the same time kinakabahan kase ngayon lang namin maeexpirience ang ‘Camping’.
Lumabas muna ako sa bahay para bumili ng almusal, naka-handa naman na ang mga baon namin kaya no need na bumili ng snack. Pagbalik ko sa bahay 5:00 na, kaya naligo na ko at dadating na mamaya 'yung service namin.
'Di muna ako kumain ng almusal, pumasok na ka'gad ako sa banyo. Nauna na si Julia habang bumibili ako ng almusal. Ang lamig ng tubig! Parang galing sa Ref, binilisan ko nalang 'yung buhos ng tubig para mabilis at 'di ko na mapansin 'yung lamig ng tubig.
Paglabas ko ng banyo, nag-susuklay na si Julia. Nag-papaganda. Palibhasa may inspiration. Tumingin s'ya sa'kin. Anong problema nito sa outfit ko? Hah! Ingit lang sya kase binilan ako ni mama ng damit, s'ya bili lang ni Jade.
About Jade, totoo kaya 'yung sinabi ni Kristin na kapatid nya si Jade? Weird ha. Parang ang layo naman. Campus Girl tapos kapatid ng Campus Playboy? Putcha! Baka mas maniwala pa ako kapag si Julia ang kapatid ni Jade e.
Campus Playboy at Campus Pabebe.
Umupo ako sa lamesa at nag-almusal. Pagkatapos ko mag-almusal lumabas si lola't mama sa kwarto.
"Good morning po, almusal na po kayo,"bati ni Julia kila lola.
Imbis na umupo si mama sa tabi ko para mag-almusal, tsineck nya muna kung kumpleto na 'yung mga dadalhin namin ni Julia. Halos 3 days din kase kami mawawala ni Julia sa bahay eh, mamimiss kami ng napakaganda kong nanay.
"Ma, kumpleto na po 'yan,"tumayo ako sa upuan at hinatak ko si mama paupo.
"'Wag kayong lalayo sa mga kasama nyo ah, baka mawala kayo,"paalala ni mama. Ngayon lang kase kami ganito katagal na maghihiwalay kaya dramatic ang pagalis namin.
Naka-rinig kami ng busina kaya tinignan ni Julia 'yung nasa labas. Baka 'yan na 'yung bus na sasakyan namin.
"Julian, ito na yung service natin, tara na dali!"natanaw nya siguro ka'gad 'yung Jade n'ya kaya ganiyan siya ka-excited. Mas excited pa sa excited si Julia.
Tumayo si mama sa upuan, gan'on din si lola at hinatid kami hanggang pinto. Pagpasok namin sa loob, mag-katabi si Kristin at Jade, nag-‘hi’pa nga sakin si Kristin.
Umupo kami ni Julia sa tapat ng upuan nila Jade. Nakaupo ako sa bandang salamin. Si Julia? As usual, nakikipag-landian nanaman sa Jade n'ya na parang linta.
Umandar na 'yung bus. Habang nasa byahe kami, nagsalpak ako sa tenga ko ng headset para 'di ako mabored. Biglang huminto 'yung bus, hindi ko alam kung bakit.
"Okay Ministrinians, nandito na tayo sa Mount Ararai,"sabi ng Sir namin sa camping. Parang ang bilis? Nandito na kag'ad kami sa destination namin.
Bumaba kaming lahat, nawala na sa mata ko si Julia. Hayaan mo na nga sya! Matanda na sya para sawayin pa. Biglang may humawak sa balikat ko, nilingon ko sya.
"Excited ka na din ba?"si Kristin pala.
"Oo, first time kase namin ni Julia sumali sa camping kaya excited ako."
Naglakad pa kami sa parang gubat. Ang dilim at mahamog, pang horror destination 'to. After 5 minutes na paglalakad, nakarating kami sa isang area na madaming d**o at puno.
Wala nang hamog at maliwanag na rin dito, kaso madaming mga bangin dito kaya delikado. Ba't kaya dito kami nagcamping? Nagsimula na kaming magtayo ng tent para hindi nanamin aayusin 'to mamaya.
Pagkatapos namin magtayo ng tent, sinabi na ni Sir kung sino-sino ang magkasama sa tent.
"Julia and Jade, Samantha and Carl, Julian and Kristin, Shiela and Oliver, Alex and Marion. . ."
Kristin? Ayos na. Atleast hindi na si Samantha. Maganda na din na sya nalang kase mas sanay sya sa mga gan'to. Pumasok ako sa tent namin ni Kristin, ni-lagay ko do'n 'yung mga damit at mga gagamitin ko for 3 days.
"Let's go hiking pero kumain muna kayo para hindi kayo magutom sa hiking natin,"bilin ni Sir. Let's go daw tapos kumain muna. Mga teachers talaga this days, hindi mo alam kung anong sinasabi.
Gumawa kami nang picnic area. Sabay-sabay kami kumaing lahat. Ang saya pala ng gan'to. Pag-katapos namin kumain pina-pwesto kami ni sir para hindi kami mawala sa gubat.
Habang naglalakad kami nagkukwento si Sir about sa pinagmulan ng bundok Ararai.
"Ang bundok Ararai came from the word 'aray'. Kase sabi ng mga nakatira sa bayan na 'to, madaming mamamatay tao rito noon,"pagsisimula ni Sir. Halata naman e, Aray, Ararai.
Si Julia 'di paawat sa paglandi kay Jade, pabebe pa! I just look above the sky. Malapit na mag-dilim. Ang bilis ng oras.
"Pero dumating ang tagapag-bantay ng gubat na 'to, hindi diwata kundi bampira," Tumigil bigla si Julia, basta bampira curious kagad sya. Maging ako huminto eh.
Si Kristin naman ay may binabasa, tungkol sa bampira. Teka, 'yun 'yung lagi kong binabasa ah.
"Sya si Vlack, ang tagapag-bantay ng Mount Ararai, kinagat nya ang mga mamamatay tao, pero imbis na mamatay, naging bampira ang mga 'yon upang gawin ding tagapag-bantay. Ang leader ng mga mamamatay tao ay tinawag nilang Jasmine, isang babae na laging may hawak na kutsilyo, sinasabi na bampira na din sya gaya ng iba. Sya raw ang matinding kalaban ni Vlack."
Nakarating kami sa isang kweba, madilim at rinig ang echo ng kahit anong tunog. "Dyan daw nakatira ang bampirang si Vlack at sa kabilang kweba naman ay si Jasmine."
Nag-patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tuktok ng bundok. Ang ganda at kita namin ang sunset, pag-gabi na din kase kaya 'di kami nagtagal at bumaba rin kagad.
Nawonder ako bigla sa kwento ni Sir,bampira daw ang tagabantay dito? Parang 'di naman kapani-paniwala.
Si Jade parang may binabalak na gawin, nakatingin kase sya sa kweba kanina. Pag-balik namin sa mga tent namin, kumain na kagad kami. Para kaming patay gutom, kain dito, kain doon.
Nag-kwentuhan muna kami bago kami matulog. Nakabilog kami at may apoy na ginawa si Sir. Bonfire.
Ang kwento namin ay about sa bampira. Ayan nanaman si Julia, expert kapag bampira ang pinag-uusapan. Unang nagkwento si Julia, magaling yan eh.
"Pinaka kilala sa lahat ng bampira si Dracula, pero kilala rin si Dracula bilang Alucard, pinapalitan nya ang mukha nya at 'yun ang pangalan na pinapalit nya."
Nabasa namin sa libro yun ah? Tumayo si kristin, hanggang ngayon nagbabasa parin ng libro about sa bampira?
"Si Jasmine ay wala na sa gubat na ito, nag anyong tao at nakaka-salamuha na nating mga tao, wala na syang hawak na kutsilyo at lagi nalang nakasuot ng itim na hood,"seryosong sabi niya.
Kapangalan ni Jasmine 'yung Jasmine sa subdivision namin, 'di kaya. . .'di 'yun totoo! Tumayo ako, "Si Vlack ay isang bampira na mabait?"tanong ko kay sir.
"Okay tulog na kayo,maaga pa tayo bukas," teka--! 'Di pa nya sinasagot 'yung tanong ko.
"Okay sir,"walang magagawa. Bakit kaya ayaw sagutin ni Sir yung tanong ko? Pumasok na kami ni Krstin sa tent, inaantok na din ako eh. Napaisip ako bigla. Hindi naman kasi siguro alam ni Sir kung mabait si Vlack? Ang alam lang niya tagapag-bantay?
Baka nga.
"Good night."
"Good night."
May narinig kami ni Kristin na naglalakad sa labas, kaya lumabas din kami ni Kristin sa tent. Baka kasi mamaya may mabangis na hayop.
Pero hindi mabangis na hayop ang nakita namin. Mukha lang. Si Jade at Julia, Saan naman sila pupunta?