[Yumi's pov] Bigla ako napabangon. Ramdam ko ang bilis ng puso ko. Dali dali ako lumabas ng aking kwarto. "Yumi? Saan ka pupunta?" nagtatakang sabi ni Andoy ng makasalubong ko siya pababa "p-pupunta lang ako kay Yami" sagot ko at akmang hahakbang na "sa ganitong oras?" nagtatakang sabi ni Andoy kaya agad ako humarap sa kanya "saglit lang ako" sabi ko Umiling iling si Andoy "delikado sa ganitong oras lalo na rito sa Maynila" sabi ni Andoy "mabuti pa ay samahan kita" Naiinip man hinihintay ko si Andoy ay hinayaan ko na. Agad kami nagpunta sa mansyon ng mga Taguhara. "bakit ang daming pulis rito?" tanong ni Andoy habang nililibot ang tingin sa mansyon Habang tinitignan ko naman ang paligid ay mas lalo ako kinabahan. Isang pulis ang humarang sa amin. "hindi maaaring tumanggap ng bis

