[Nigel's pov] Naging malungkot ang buong school. Lahat sila ay namimiss na si Yami. Pero mas nasasaktan ako para kay Alona dahil hindi niya nagawang pumunta sa libing ni Yami. Napakalungkot niya ngayon. "sana totoo ang mga mahikang kayang bumuhay ng patay" bulong ko sa hangin Lahat ng nakakasalubong ko ay mga walang gana. Marami ring mga poster ni Yami sa paligid. Samantala, si Cyan ang automatic na naging president ng student council. "ayoko ng ganito!" hiyaw ni Kenji "walang may gusto ng ganito" malungkot kong sabi Pero sino kaya ang gumawa kay Yami non? Malaki ang galit ng taong iyon para sunugin ang katawan ni Yami. Nakilala lamang si Yami sa kwintas na suot ng bangkay. Nang ipa-DNA rin nila ay tumugma kay Yami. "valentines event na pala next week" sabi ni Kenji "next week na

