Chapter 30 | Letters Kanina pa ko nakatitig sa kisame at nag-iisip kung papasok ba ko mamaya o mananatili na lang dito sa loob ng kwarto ko maghapon. It's been four days since Kyle's surprise to see my parents. Sinamahan din ako ni Kyle na ihatid sina Mom at Dad sa airport last Monday. Pagkatapos no'n ay dumiretso na kami sa academy. Maaga kong nagising kanina para magpaalam kina Kyle at sa mga kaibigan namin dahil mayroon silang lakad ngayong araw. Pero magmula no'n ay hindi na ko nakatulog pa ulit kahit anong pilit ko. "Nicole, pupunta pala ko ng palasyo. Pinapatawag kasi ako ng mahal na hari. Nakapagpaalam na rin ako sa mga teachers natin na hindi ako makakapasok ngayon. Ayos ka lang ba rito?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Steph. Ilang linggo ko na rin siya

