Chapter 31 | Bothered Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sinalubong ako ng walang hanggang kadiliman. Hanggang sa tuluyan na kong napadilat. "Aaahhh!" Napaiyak na lang ako nang maramdaman ko ang hirap makagalaw. Pawang nakatali kasi ang maliit ko pang mga kamay at paa. Nagpalinga-linga ko sa paligid at lalo akong napuno ng takot nang makitang tila nasa isang hindi pamilyar na lugar ako. Ang huling naaalala ko lang ay ang pagharang ng isang puting van sa sasakyan namin. Ang pagtutok ng baril ng mga taong nakamaskara kay Mang Jun at ang pagtakip ng panyo sa bibig ko, bago ako nawalan ng malay. "Where am I? Is somebody there? Please help me! Someone please help me out of here!" Nag-echo sa bawat sulok ng lugar na kinaroroonan ko ang boses ko. Wala kong ibang magawa kung hindi

