Chapter 35 | Vampire Hunters Nicole Jane's POV "Bakit kasi magkahiwalay pa tayo ng sasakyan?" Pinasadahan ko muna ng tingin sa huling pagkakataon ang sarili ko sa harap ng salamin, bago nilingon si Mikan na halos masira na ang unan ko nang dahil sa kakasuntok niya. "Hayaan mo na. Magkikita rin naman tayo pagkarating do'n, eh. Besides, you're with Steph, Vince, Hiro and Rei. So, you don't have nothing to worry about." Hindi kasi ako sa seksyon namin napasama. Well, actually ay si Kyle ang may gusto no'n. Nakahiwalay ako kasama sina Miley at Kira. Kasama namin ang kalahati ng section B, bago ang buong section C. Naghiwa-hiwalay kami para may kanya-kanyang nakabantay sa dalawang bus. Pwede namang sumama ang mga nasa lower levels. As long as part sila ng student council. She looked up a

