Chapter 34 | Plans Nicole Jane's POV "Where have you been?" Natigilan ako nang marinig ang malamig niyang boses pagkababa na pagkababa ko pa lang ng kotse. I took a deep breath and gave Mikan an assuring smile who looked so stunned, before I turned to him. "Can we talk somewhere?" Ayoko lang kasi na kung magtatalo man kami ay sa harap pa mismo ni Mikan. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Pero mababanaag sa mga mata niya ang galit. Can't blame him though. Kasalanan ko rin naman dahil ang hilig kong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya o sa kung kanino man sa kanila. Tumingin muna siya kay Mikan bago muling binalik ang atensyon sa 'kin. "We really need to talk." Magsasalita pa sana ko ng bigla na lang niyang hinigit ang kamay ko at kinaladkad paalis. I looked back to Mikan and

